#WhereDoBrokenHeartsGo?
CHAPTER
21
Nakatayo sa tapat ng
bintana si Gian habang nakatingin ang mga mata sa labas kung saan bumubuhos ang
malakas na ulan. Nasa loob siya ngayon ng kanyang opisina at pinapahinga
sandali ang katawan sa pamamagitan ng pagtayo at pagtingin sa kapaligiran sa
labas.
Napabuntong-hininga si Gian. Hindi niya mawari kung bakit bigla-bigla na
lamang dumating ang bagyo kung kailan magaganap na sana ang outing nila sana sa
Palawan. Nang-aasar ba ito? Ayaw ba nitong matuloy ang sana’y magiging masayang
pagtitipon ng lahat ng empleyado ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nila? Parang
kasabay ng biglaang pagdating ngayon ng bagyo ang pagdating ni Aeron muli sa
buhay niya, hindi niya mawari kung ano ba talaga ang tunay nitong pakay sa
muling pagbabalik.
Muling napabuntong-hininga si Gian. Aminado siya na hanggang ngayon ay
apektado pa rin siya sa muling pagkikita ng soon to be ex-partner niya. Naalala
niya ang sinabi ni Harlem. Tama nga ito, kahit papaano’y may nararamdaman pa
rin siya para kay Aeron kaya hindi tama na ipasok nila ang kanilang mga sarili
sa isang relasyon gayong hindi lamang ang isa’t-isa ang nasa kanilang mga puso
kundi may iba pa.
Naalala niya si Harlem. Ang reaksyon nito nang makita siyang apektado pa
rin kay Aeron. Kita niya na nasaktan ito dahil pinatunayan niya rito na
talagang mahal pa niya si Aeron. Hindi naman niya intensyong saktan ito. Hindi
niya iyon sinasadya. Ewan ba kasi niya sa sarili niya kung bakit hanggang
ngayon ay apektado pa rin siya kay Aeron. Alam naman niya sa kanyang sarili na
kahit papaano’y nakakamove-on na siya at iyon ay dahil kay Harlem pero kasi…
hindi pa rin niya maiwasang hindi maapektuhan lalo na kung alam rin niya sa
sarili na may nararamdaman pa rin siya para kay Aeron.
Muling napabuntong-hininga nang malalim si Gian. Nakakaramdam ng inis sa
sariling damdamin.
- - - - - - - - - - - - - - - - -
Nakaupo sa isang pandalawahang mesa si Harlem habang umiinom ng kape na
kanyang inorder kanina. Mag-isa lamang siya. Kahit malakas ang ulan ay talagang
dinayo pa niya ang coffee shop na ito na nasa tapat lamang ng kanilang building
para makahigop ng mainit at masarap na kape.
Natutulala si Harlem. Hindi niya maiwasan lalo na’t marami siyang
iniisip. Una na riyan ay si Gian. Pero dumagdag sa iniisip niya ngayon si
Jericho na bigla na lamang siyang chinat kagabi sa fb at panay hingi ng sorry
sa kanya at kung pwede ba silang magkabalikan muli. Hindi raw ito susuko
hangga’t hindi siya nakukuhang muli. Wala siyang naging sagot sa mga sinabi
nito dahil sa halip na basahin pa ang mga sinasabi nito ay napilitan na lamang
siyang mag log out kahit na gusto pa naman niyang tumingin-tingin ng kung
ano-ano sa fb. Nakaramdam nga siya ng inis kagabi dahil kay Jericho. Ubod kasi
ng kulit.
Sa
totoo lang, gusto niya itong I-blocked para hindi na siya ma-chat pa or ma-add
as friend pero nagdadalawang-isip siya. Ewan ba niya sa kanyang sarili, ayaw
niya ng ginugulo at kinakausap siya nito kahit sa internet pero hindi naman
niya magawan ng paraan kung paanong hindi na siya nito magugulo at makakausap
pa.
Humigop muli ng kape si Harlem sa tasa niya.
“Coffee Latte for Aeron!”
Kaagad na napatingin
sa may counter ng coffee shop si Harlem nang marinig iyon. Talagang nagulat
siya hindi dahil sa biglaang pasigaw na pagtawag ng taong naroon kundi dahil sa
narinig na pangalan.
‘Andito
kaya si Aeron?’
tanong ni Harlem sa isipan. Nakaramdam siya
ng kaba. Hindi niya alam kung bakit.
Titig
na titig lamang siya sa counter at hinihinitay niya ang taong lalapit roon at
kukuha sa inorder. Pamaya-maya, may lumapit roon na isang matangkad na lalaki.
Mas tinitigan ni Harlem ang lalaki. Nakatalikod kasi ito sa pwesto niya kaya
hindi niya makita ang mukha. Hindi rin naman niya kilala ang bulto ni Aeron
dahil minsan lang naman niya itong nakita kaya hindi niya ma-confirmed kung ito
nga.
Hindi
naalis ang tingin ni Harlem. Hanggang sa nakuha na ng lalaki ang inorder nito
at nagbayad. Pagkatapos ay tumalikod na ito mula sa counter at nanlaki ang mga
mata ni Harlem ng makita ngang… Si Aeron nga.
‘Nandito
nga siya…’ sabi pa ni Harlem sa isipan. Mas lalong dumagundong sa kaba
ang dibdib niya.
Hindi
sinasadya ay napagawi sa pwesto niya ang tingin nito at halata rin ang
pagkagulat nang makita siya na nakatingin rin rito. Pero kaagad ring nawala ang
pagkagulat nito at napalitan ng ngiti sa labi.
Umiwas si Harlem nang tingin. Ewan ba niya kung anong gagawin niya.
Gusto na sana niyang umalis at lumabas na ng coffee shop pero hindi niya magawa
kasi parang may pumipigil na kung ano sa kanya. Hindi niya mawari kung ano
iyon.
“Pwede bang maki-share ng table sayo?”
Tanong ni Aeron na nasa harapan na ngayon ni Harlem. Nakilala niya si
Harlem dahil sa totoo lang, matandain siya sa mukha ng tao at kahapon pa lang
naman niya ito nakita kaya tandang-tanda niya kung sino ito.
Dahan-dahang napatingin si Harlem kay Aeron. Kinalma ang sarili. Nag-aalangang
tumango. Wala na siyang magagawa, nakita na siya nito at gusto pang maki-share
ng table kaya pumayag na lamang siya.
Naupo
si Aeron sa katapat na upuan. Pinatong sa mesa ang inorder nitong inumin.
“Harlem… right?” tanong ni Aeron.
Napatango si Harlem.
Tipid
na napangiti si Aeron.
“You know what… from the first time I saw
you yesterday… Hindi pa man kita lubusang kilala pero masasabi kong isa kang
mabuting tao… Mabuting tao na karapat-dapat makasama ni Gian.” Sabi ni
Aeron.
Napaiwas naman nang tingin si Harlem. Lihim na napabuntong-hininga.
Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Nakatingin lamang si
Aeron kay Harlem habang nakaiwas pa rin nang tingin ang huli. Ramdam niya ang
masinsinang tingin ni Aeron sa kanya.
“Alagaan mo siya a… Ngayong ikaw na ang
nasa tabi niya ngayon… Sana… maalagaan mo siya at mapasaya… Alam ko kasi na
kailangan niya iyon pagkatapos nang mga nangyari sa pagitan naming dalawa.” Sabi
ni Aeron na bumasag sa katahimikan.
Napatingin si Harlem kay Aeron.
“Bakit mo sinasabi sa akin ‘yan? Di ba
dapat ikaw ang nag-aalaga sa kanya? Na ikaw dapat ang nagpapasaya sa kanya
dahil ikaw ang mahal niya.” sabi ni Harlem.
Napangiti lamang si Aeron.
May
biglang pumasok na tanong sa isipan ni Harlem. Tanong na hindi na dapat niyang
itanong ngunit mukhang hindi niya mapipigilan ang sarili niya na maitanong.
“Ano bang dahilan mo kung bakit mo siya
iniwan? Kung bakit kahit mahal mo siya e nagawa mo siyang saktan? Nasaktan ka
rin ba nung iwan mo siya? Nasasaktan ba ang mga taong gaya mo na nang-iiwan?
Naging masaya ka ba pagkatapos mong mang-iwan?” sunod-sunod na tanong ni
Harlem na ikinatameme ni Aeron. Hindi ito kaagad nakapagsalita dahil sa mga
malalalim na tanong ni Harlem. Ramdam niya ang hugot sa mga tanong nito.
Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Nakatingin lamang sila sa
isa’t-isa.
-END
OF CHAPTER 21-
#WhereDoBrokenHeartsGo?
CHAPTER
22
Namayani ang katahimikan sa pagitan ng
dalawa. Nakatingin lamang sila sa isa’t-isa.
Pamaya-maya ay napangiti nang tipid si Aeron.
Hindi naalis ang tingin kay Harlem.
“Mukhang
ang lalim ng hugot sa tanong mo a… Bakit? Naranasan mo na bang maiwan?” tanong
ni Aeron.
Napaiwas nang tingin si Harlem. Hindi niya
sinagot ang tanong.
Napabuntong-hininga si Aeron.
“Hindi
lahat ng mga taong nang-iiwan… masama, ‘yung iba… mas iniisip lang nila ‘yung
ikakabuti ng sarili nila o ikakabuti ng bawat isa…” sabi nito.
“Lahat
ng mga bagay sa mundo… may dahilan kung bakit nagawa… Lahat ng mga pangyayari…
may dahilan kung bakit nangyari… at katulad ng bagay at pangyayari na laging
may dahilan… minsan… may dahilan rin ang isang tao… isang mabigat na dahilan
kung bakit sila nang-iiwan… Gaya ko.” sabi ni Aeron.
Napatingin sa kanya si Harlem. Napansin niya
ang lungkot sa mga mata ni Aeron.
“Tinatanong
mo kung nasasaktan ba ang mga taong nang-iiwan at nagiging masaya ba ito
pagkatapos mang-iwan?… Sabihin na nating sa una… nasasaktan at hindi sila
nagiging masaya pero sa kinalaunan… kasabay ng pagtanggap e mawawala na rin ang
sakit at kalungkutan at mapapalitan na ito ng kaginhawaan at saya.” Sabi ni
Aeron. Tipid na napangiti.
“Sa
totoo lang Harlem… kung nasaktan si Gian sa pang-iiwan ko sa kanya… mas doble
ang naging balik sa akin ng sakit na iyon dahil hindi lang puso ko ang
nasaktan… kundi pati ang lahat ng bahaging meron ako sa katawan… Ang
pinaka-ayoko kasi sa lahat iyong may nasasaktan akong iba lalo na iyong mga naging
malapit sa puso ko gaya ni Gian.” Sabi ni Aeron. Napabuntong-hininga ito. “Pero ganun naman talaga di ba? Masakit
maiwanan at mang-iwan… pero kung sa ikakabuti naman niyo iyon… mas ok nang
masaktan ng isang beses kaysa sa masaktan ng maraming beses.” Sabi pa nito.
Hindi makapagsalita si Harlem. Mataman lamang
siyang nakikinig kay Aeron.
Humigop muna sa kanyang kape si Aeron bago
muling nagsalita.
“Totoong
minahal ko si Gian… Sobrang minahal. Hindi naman kami tatagal kung siya lang
ang nagmamahal… Pero kasi… may mga bagay na kahit ayaw mong maramdaman… ayaw
mong mangyari… Mararamdaman at mangyayari pa rin.” Sabi ni Aeron.
Napabuntong-hininga.
“Ewan
ko kung masama ba akong tao o ano… Hindi ko dapat siya nasaktan e… Hindi ko
dapat siya iniwanan pero mas masasaktan ko siya lalo kung di ko pa rin siya
iiwan nun sa kabila ng kawalan ko na ng damdamin para sa kanya. Hindi ka man
maniwala pero totoo pala iyong term sa pag-ibig na ‘fall out of love’… Ewan ko
kung paanong nangyari iyon sa akin. Kung bakit nawalan ako nang pagmamahal para
sa kanya sa kabila ng kabusugan ko sa pagmamahal mula sa kanya. Paggising ko
isang araw… wala na… kasabay nun, hindi na ako masaya… hindi ko na siya
naiisip… at naglalaro sa aking kaisipan na gusto kong maging malaya at mamuhay
ng nag-iisa… Parang iyon ang magpapasaya sa akin. Ganun ang nangyari sa akin na
kahit hindi ko man gustuhin… wala… huli na dahil naunahan na ako ng aking
puso’t-isipan at nangyari na sa akin ang lahat. Kaya para hindi ko na siya mas
lalong masaktan pa… nagtapat na ako na ayoko na… na kailangang matapos na ang
sa aming dalawa para hindi na magkasakitan pa. Alam kong masakit sa part niya
pero masakit rin sa akin na tapusin ang isang bagay na alam kong naging bahagi
na rin ng buhay ko… masakit sa akin na nasaktan ko siya dahil sa nawalan ako ng
pagmamahal. Pero ganun yata talaga ang buhay… kailangang masaktan at makasakit
para matuto at maging matibay.” Mahabang sabi ni Aeron. Tipid itong
napangiti. “Iyon ang mabigat na dahilan
ko kung bakit ko nagawang iwanan siya… dahil para iyon sa ikabubuti naming
dalawa.” Sabi pa nito.
Napatango si Harlem. Naiintindihan naman niya
ang mga sinabi nito pero kasi… Napailing na lamang siya. Sa totoo lang, hindi
naman siya ang naiwan… siya ang nang-iwan dahil paulit-ulit lang siyang
nasasaktan kung mananatili pa rin siya sa taong kanyang iniwan. Pareho silang
nang-iwan pero magkaiba sila ng dahilan.
Magkagayunman… alam niya na masakit ang
maiwanan lalo na kung mahal mo pa ang taong nang-iwan sayo.
“Anong
dahilan mo kung bakit ka nagbalik sa buhay niya?” tanong ni Harlem.
Napatitig si Aeron kay Harlem. Nakangiti ito.
“Bakit?
Threatened ka ba na nagbalik ako sa buhay niya? Natatakot ka ba na maagaw ko
siya sayo? Na bumalik siyang muli sa akin?” sunod-sunod na nakakalokong
tanong ni Aeron.
Napaiwas nang tingin si Harlem.
“Wala
ka namang aagawin sa akin dahil hindi ko naman siya pagmamay-ari.” Bulong
na sabi ni Harlem na narinig naman ni Aeron kaya medyo natawa ito.
Narinig ni Harlem ang pagtawa ni Aeron.
“Bakit
ka natatawa?” tanong nito.
Napailing si Aeron. “Wala lang… Nakikita ko kasi sayo na… gusto mo talaga siya.” Sabi
nito na muling ikinaiwas nang tingin ni Harlem.
“Huwag
kang mag-alala… Kaya lang naman ako nagbalik ay para kumustahin siya at
makausap na rin sa huling pagkakataon… may mga bagay na dapat kong ikahingi ng
tawad at ayusin para sa ikakatahimik naming dalawa. Hindi ako nagbalik para
gawan pa ng part 2 ang pag-iibigan naming dalawa kaya makakahinga ka na nang
maluwag.” Nakangiting sabi ni Aeron.
Muling napatingin si Harlem kay Aeron.
“Alam
niyo… Sinabi niyo man sa akin kahapon nung nakita kita na magkaibigan at
magkatrabaho lang kayo… pero nakikita ko na lagpas pa roon… Kitang-kita sa kinang
ng inyong mga mata ang pagkagusto sa isa’t-isa at natutuwa ako na sa wakas…
nakatagpo na rin si Gian ng taong mamahalin at magmamahal sa kanya. Magiging
masaya na rin siya at makakahinga na ako nang maluwag dahil maiiwan ko siyang
muli nang masaya.” Sabi ni Aeron. Napabuntong-hininga ito. “Maraming salamat at dumating ka sa buhay
niya at sana… alagaan mo siya at mahalin gaya ng dati kong ginawa sa kanya…
huwag mo nga lang sana gayahin ang nagawa ko nung huli sa kanya… na iniwan ko
siya. Sana habambuhay kayong maging masaya sa piling ng isa’t-isa at magmahalan
kayo ng walang sawa.” Sabi ni Aeron.
Hindi makapagsalita si Harlem. Sa totoo lang,
nakakaramdam siya ng hiya kay Aeron. Ewan ba niya pero parang sa tono kasi nang
pananalita nito, parang ipinapaubaya na nito sa kanya ang asawa.
“Bakit
ba hindi ka nagsasalita diyan? Napipe ka na ba?” natatawang sabi ni Aeron.
Napangiti naman si Harlem sabay napakamot sa
ulo.
“Pasensya
ka na… Nahihiya lang kasi ako… Lalo na sa mga naging tanong ko sayo kanina.” Sabi
nito.
“Wala
iyon.” Sabi nito. “Oo nga pala… may
ipapaalam lang sana ako sa’yo.” Sabi pa nito.
“Ano
naman iyon?” pagtatakang tanong ni Harlem.
Napangiti si Aeron. “Di ba sabi ko sayo na gusto kong makausap si Gian… Gusto ko lang
ipaalam sayo na kakausapin ko siya… baka kasi mamaya… bigla mo kaming makita
tapos masaktan ka… you know what I mean.” Sabi nito.
Nakaramdam na naman ng hiya si Harlem.
“Ha?
Hindi a… Ok lang na kausapin mo siya… Wala lang iyon sa akin saka mas mabuti na
nga rin na magkausap kayo.” Sabi ni Harlem sabay iwas nang tingin.
Napatango si Aeron sabay ngiti.
-END OF CHAPTER 22-
#WhereDoBrokenHeartsGo?
CHAPTER 23
Magkatapat
na nakaupo ngayon sila Gian at Aeron sa dining table. Nasa loob sila ngayon ng
bahay ng una na nagulat na lamang ng biglang dumating si Aeron.
Kanina pa tahimik sa pagitan ng dalawa at
tanging tininginan lamang ang nangyayari.
Napabuntong-hininga si Gian. Magsasalita na
siya para masimulan na ang kung anumang pinunta rito ni Aeron.
“Bakit
ka nagpunta rito?” tanong ni Gian na bumasag sa kanina pang namamayani na
katahimikan.
Napangiti nang tipid si Aeron.
“Gusto
kitang makausap.” Sabi nito.
Nangunot ang noo at nagkasalubong ang
magkabilang kilay ni Gian.
“Bakit
gusto mo akong makausap? Tungkol saan?” pagtatakang mga tanong nito.
“Gusto
kitang makausap tungkol sa ating dalawa.” Sabi ni Aeron na ikinagulat ni
Gian.
‘Tungkol sa aming dalawa? Anong ibig niyang
sabihin?’
pagtatakang tanong ni Gian sa isipan. Hindi
niya maiwasang isipin ngayon na…
“Ano
namang pag-uusapan natin tungkol sa ating dalawa?” tanong ni Gian. Ayaw
niyang mag-assume na… pero hindi niya maiwasan.
Napangiti si Aeron.
“Hindi
ka pa rin nagbabago Gian… Bukod sa ganyan ka pa rin kagwapo katulad nung huli
kitang nakita… Hindi rin nagbabago ang pagiging seryoso mo minsan.” Sabi
nito.
Napaiwas nang tingin si Gian. Tinamaan siya
sa sinabi nito.
“Ang
totoo… Kaya gusto kitang makausap ay para humingi muli sayo ng tawad.” Sabi
ni Aeron na muling ikinatingin ni Gian sa kanya.
“Tawad?
Bakit? Kailan pa ako naging tindero sa palengke at nanghihingi ka sa akin ng
tawad?” tanong ni Gian. Hindi niya namamalayan na nagbibiro siya.
Natawa naman si Aeron.
“At
isa pa ‘yan… Hindi ka pa rin nagbabago pagdating sa pagbibiro mo na hindi mo
namamalayan.” Sabi ni Aeron.
Hindi nagsalita si Gian.
Napabuntong-hininga si Aeron. Sumeryoso na
rin ang mukha nito gaya ni Gian.
“Gusto
ko lamang muli na mag-sorry sayo dahil sa mga nagawa ko noon… Alam kong
nasaktan kita kahit hindi ko kagustuhan… I’m sorry kasi nawalan ako nang
pagmamahal para sayo sa kabila ng matindi mong pagmamahal sa akin… I’m sorry na
naiwan kita kahit na alam kong mahal mo ako at masasaktan kita kapag ginawa ko
iyon.” Sincere na sabi ni Aeron. “Hindi
ko kagustuhang masaktan ka… Hindi ko sinasadyang isadlak ka sa sakit at
kalungkutan pero iyon lang kasi ang naisip kong paraan para hindi ka na mas
masaktan pa… Kung patatagalin ko pa kasi ang hindi pagsasabi sayo nang totoo…
mas lalo mo lang akong kamumuhian at mas lalo ka lamang masasaktan kaya naisip
ko na hangga’t maaga pa… sinabi ko na sayo para hindi masyadong masakit para
sayo.” Sabi pa nito.
Napaiwas nang tingin si Gian. Hindi siya
nagsalita pero absorb na absorb ng pandinig at utak niya ang mga sinabi nito.
“Hindi
lamang ikaw ang nasaktan sa ating dalawa Gian… Sa totoo lang… nasaktan rin ako…
kahit na alam kong wala na akong nararamdaman nun para sayo… nasaktan pa rin
ako kasi… iniwan kita… iniwan ko ang isang taong naging bahagi na rin ng buhay
ko… pero wala na akong magagawa… nasaktan na kita at nasaktan na rin ako… at
iyon ang makakabuti… ang masaktan sa una kaysa sa paulit-ulit na masaktan dahil
sa hindi kaagad pagsasabi ng totoo.” Sabi ni Aeron Muli itong napabuntong
hininga.
Muling napatingin naman si Gian kay Aeron.
Mababanaag ang sakit at lungkot ngayon sa mga mata nito.
“Alam
mo ba na sobra akong nagdusa dahil sa pang-iiwan mo? Kung nakita mo lamang ang
kalagayan ko nun pagkatapos mo akong iwan… Ewan ko lang kung makayanan pa ng
konsensya mo…”
“I know… and I’m
sorry for that… for all the heartaches that I given to you.” Sabi
kaagad ni Aeron. “Alam kong nagdusa ka kahit wala kang kasalanan sa akin… ako ang may
kasalanan ng lahat kaya nga hindi rin ako matahimik e… dahil ang pinaka-ayoko
sa lahat… ay iyong may mga tao akong nasasaktan at nagdudusa ng dahil sa akin
kahit wala namang kasalanan.” Sabi pa nito.
“I’m
sorry… paulit-ulit akong hihingi ng sorry sayo hanggang sa mapatawad mo na ako…
Gusto ko nang matahimik ang buhay ko ng tuluyan at gusto ko rin na matahimik na
ka na rin… Kaya ako nandito… nasa harapan mo at humihingi ng tawad mula sayo…
para sa ikakatahimik nating dalawa. Para matapos na ang kung anumang hindi
magandang nangyari mula sa nakaraan at maging maganda an gating ugnayan ngayon
sa kasalukuyan.” Sabi pa ni Aeron.
Napatango si Gian. Napabuntong-hininga.
“Sa
totoo lang… matagal na kitang napatawad… Matagal ko na ring natanggap sa sarili
ko na wala nang tayo at hindi na magiging tayo kailanman… pero aaminin ko na sa
tuwing maiisip kita… nasasaktan pa rin ako dahil naaalala ko rin iyong mga
nangyari sa pagitan nating dalawa. Oo, napatawad man kita pero hindi madaling
makalimot sa sakit na dulot mo. Hindi ako galit sayo dahil sa ginawa mong
pananakit… kaya nga kita napatawad pero hindi talaga madaling makalimot…
sobrang hirap kalimutan iyong dahilan ng sakit… dahilan na siyang ginawa mo.” Sabi
ni Gian.
Napatango-tango si Aeron.
“I
know… and thank you dahil napatawad mo na ako pero paulit-ulit pa rin akong
hihingi ng sorry sayo para kasabay ng pagpapatawad mo sa akin ay makalimutan mo
na rin kahit papaano ang lahat ng dinulot kong hindi maganda sayo… Siguro nga,
sobrang sama ko nang tao para masaktan ka ng sobra… Masasabi ko kasing you’re
the greatest lover I had pero… pero nagawa ko pa ring masaktan ito. Napakasama
ko talaga.” Sabi nito.
Natahimik ang dalawa.
Pamaya-maya…
“Sana…
maging masaya ka na… sana… hindi ka na masaktan pang muli… iyon lamang ang
hinihiling ko para sayo para mawala na iyong sakit na dulot ko sayo…” sabi
ni Aeron na bumasag sa katahimikan.
Tipid na napangiti si Gian.
“May
isang tanong sana ako sayo.” Sabi ni Gian.
“Ano
iyon?” tanong ni Aeron.
Napabuntong-hininga si Gian.
“Sabi
mo sa akin di ba… Nawalan ka nang pagmamahal para sa akin? Nawalan nga ba
talaga o baka dahil sa una pa lang… hindi mo na ako mahal kaya sa una pa lang,
wala ka na talagang pagmamahal para sa akin?” tanong ni Gian.
Napatitig si Aeron kay Gian.
“Ikaw
ang makakasagot diyan sa tanong mo dahil kung ako ang tatanungin… alam at
ramdam ko sa sarili kong minahal kita… minahal rin kita ng sobra, tinumbasan ko
ang pagmamahal mo para sa akin… pinaramdam ko sayo iyon. Ewan ko lang kung
naramdaman mo iyon.” Sabi ni Aeron na hindi natitinag ang tingin kay Gian.
Napaiwas naman nang tingin si Gian.
Napabuntong-hininga siya. Bakit niya ba kasi natanong pa iyon e sa totoo lang,
naramdaman rin naman niya na minahal siya nito.
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan ng
dalawa. Nakaiwas pa rin ang tingin ni Gian habang titig na titig naman sa kanya
si Aeron.
“Minahal
kita Gian… tunay na minahal kita pero… ang pagmamahal kong iyon sayo… hindi
nanatili sa akin hanggang sa huli. And I’m sorry for that.” Sabi ni Aeron
na muling ikinatingin sa kanya ni Gian. Napatango ito.
“Ganun
nga yata talaga sa mundong ito… walang bagay na nananatili hanggang sa huli…
kahit nga ang buhay, natatapos at nawawala… pagmamahal pa kaya?” sabi ni
Gian. Napabuntong-hininga ito.
“Gian…”
“Naiintindihan ko
na ang lahat ngayon… and thank you na naging bahagi ka hindi lamang ng buhay ko
kundi pati na rin ng puso’t-isipan ko… Mawala man siguro ang nararamdaman ko
para sayo sa paglipas ng panahon… pero alam ko na ang mga alaala nating dalawa ay
mananatili sa akin… isang alaala na magpapaalala sa akin na minsan, nagmahal
ako ng sobra at nasaktan... Mga alaalang nagbigay sa akin ng leksyon na siyang
mababaon ko sa panghabang-panahon.” Sabi
kaagad ni Gian.
Tipid na napangiti si Aeron. Napatango-tango
ito.
“So is
it a goodbye for the two us?” tanong ni Aeron.
Napatango si Gian. “Yeah… a goodbye for us.” Sabi nito.
Napatango si Aeron.
“Malapit
na ring ma-grant ang divorce nating dalawa… malapit na rin tayong maging malaya
sa isa’t-isa at iyon na talaga ang hudyat na tapos na ang lahat sa ating dalawa
bilang mag-asawa… at sana, sa pagtatapos na iyon, may magsimula muli sa pagitan
nating dalawa… iyon ay ang pagiging magkaibigan.” Sabi ni Aeron.
Tipid na napangiti na lamang si Gian. Aminado
siyang nasasaktan ngayon pero kahit papaano’y magaan na ang pakiramdam niya.
Alam niya sa kanyang sarili na napatawad na niya si Aeron. Alam niya na hindi
nito sinasadya na masaktan siya kaya nga napatawad rin niya ito sa paglipas ng
panahon, mahirap lang talaga para sa kanya na kalimutan ang mga nangyaring
masasakit sa pagitan nilang dalawa.
-END OF CHAPTER 23-
#WhereDoBrokenHeartsGo?
CHAPTER 24
Kaagad
na ininom ni Jericho ang isang shot glass ng whisky na kakabigay pa lamang sa
kanya ng bartender. Ubos niya ito kaagad. Pabagsak na ipinatong muli sa may bar
counter ang baso at nanghingi pa ulit. Hindi nito alintana na nakakaraming baso
na rin ang naiinom nito at mukhang hindi man lamang ito nalalasing.
“Mabuti
at hindi pa bumibigay ‘yang mga lamang loob mo… ang dami mo na ring naiinom a.”
sabi ni Jake, kaibigan ni Jericho at kasama niya ngayon sa loob ng bar kung
saan naroon sila ngayon. Nakaupo ito sa isang mataas na upuan na gawa sa bakal
katabi ng inuupuan ni Jericho at umiinom rin ito pero hindi naman iyong tipong
nilulunod nito ang sarili sa alak hindi gaya ni Jericho.
Malakas man ang tugtog sa loob pero
nagkakarinigan pa rin naman sila.
Napatingin si Jericho sa kaibigan simula high
school. Maituturing na niyang bestfriend ang bente-kwatro anyos na binata na
kasing edad niya dahil na rin sa ito ang naging kasa-kasama niya simula pa nung
nag-aaral sila hanggang sa ngayon. Kasama niya sa lahat ng kagaguhan,
kalokohan, masaya at malungkot mang pangyayari sa buhay niya.
Gwapo at matipuno si Jake, matangkad lamang
ito ng ilang pulgada kay Jericho. Moreno, pilipinong-pilipino ang dating. Isa
itong manager sa isang sikat na fast food chain sa bansa.
“Hanggang
kailan mo ba balak uminom ng uminom? Baka mamaya, hindi mo mamalayan, puro alak
na ang laman ng katawan mo at mapuno na ‘yan... biglang umapaw at lumabas ang
lahat ng alak na nainom mo sa katawan mo dahil punong-puno na.” sabi pa ni
Jake.
Napaiwas nang tingin si Jericho. Muling
ininom ang alak na kakabigay lang muli ng bartender sa kanya.
Napapailing na lamang si Jake. Alam naman
kasi niyang may pinagdaraanan ang kaibigan.
“Ikaw
rin naman kasi… Ilang beses ka na ring binigyan ng pagkakataon ni Harlem pero
wala kang pagbabago… nagagawa mo pa rin siyang lokohin at saktan kaya iyon…
napuno at hiniwalayan ka na. Naubusan na ng chance na maibibigay sayo kasi
sinaid mo.” sabi ni Jake. “Kasalanan
mo rin kung bakit ka nasasadlak ngayon sa sitwasyong ito.” Sabi pa nito.
Alam niyang below the belt na ang sinabi niya pero may gusto lang kasi siyang
iparealize sa kaibigan kaya niya iyon sinabi.
Sinamaan ni Jericho nang tingin si Jake.
“Huwag
mo akong samaan nang tingin… Hindi ako nasisindak.” Sabi ni Jake.
Napabuntong-hininga ito. “Pare… sa
tingin ko naman… mahal na mahal mo siya… magkakaganyan ka ba kung hindi? Pero
kasi ang hindi ko maintindihan sayo e bakit kahit mahal mo siya, hindi
mawala-wala sayo ang pagiging palikero? Nagagawa mo pa ring tumingin at pumatol
sa iba na ikinakasakit naman ng damdamin ng syota mo?” mga tanong ni Jake.
Minsan rin kasi, hindi niya ito maintindihan kahit na alam niya sa kanyang
sarili na kilala na niya ito. Ewan ba niya.
Napaiwas nang tingin si Jericho. Medyo
nagsisisi siya kung bakit nasabi-sabi pa niya ang lahat ng nangyari sa kanyang
kaibigan. ‘Yan tuloy, sinasabihan siya.
“So…
ano nang plano mo ngayon? Mukhang wala na talaga siyang balak na balikan ka
kahit anong gawin mong pag-chat sa kanya sa fb… hanggang tingin ka na lang sa
malayo pagkatapos… ito maglalasing ka. Paulit-ulit na lang ang ginagawa mo
araw-araw.” Sabi ni Jake. Alam nito ang lahat ng nangyari at kilala naman
nito si Harlem dahil minsang nagkita na rin sila nito at nagkausap.
Hindi muna sumagot si Jericho.
Napabuntong-hininga ito.
“Hindi
ako susuko… Marami pa akong pwedeng gawin para muli siyang bumalik sa akin.” Sabi
ni Jericho.
“Oo
nga… Marami ka pang pwedeng gawin… pero ang tanong… magtagumpay kaya lalo na
ngayon na mukhang may pumapasok na sa eksena… Nagkakaroon na ng ibang interes
si Harlem.” Sabi ni Jake.
Napatingin muli si Jericho kay Jake.
“Oo…
Sisiguraduhin kong magtatagumpay akong maibalik siya sa buhay ko… Iyong bagong
lalaki niya? Wala iyon…” maangas na sabi ni Jericho.
Napatango si Jake.
“Iba
ka rin talaga Pare… Sinabi na sayo ni Harlem na tapos na kayo at sumuko na siya
sayo pero ikaw… hindi mo matanggap at ayaw mo pa ring isuko siya…” sabi ni
Jake.
Napailing-iling si Jericho.
“Mahal
ko siya kaya wala sa bokabularyo ng taong nagmamahal ang salitang pagsuko…
Lahat talaga ay gagawin ko para maibalik lamang siya sa akin at sisiguraduhin
kong hindi na siya muling aalis.” Sabi nito.
Napangisi si Jake.
“Sana
nga pare… At kung magtagumpay ka man sa mga ginawa mo… na maibalik mo siya sa
piling mo… Huwag mo na sanang uulitin na lokohin at saktan siya dahil sa totoo
lang… nakakatanga ang paulit-ulit na maloko at masaktan.” Sabi nito.
Hindi na nagsalita si Jericho.
- -
- - -- -- - - - - - - - - - - - -
“Ok
lang kayo Sir?” tanong ni Harlem kay Gian na tulalang nakaupo sa swivel
chair nito. Nasa loob sila ngayon ng opisina ng huli at nakatayo naman ang una
at hawak ang mga folders na ibibigay sana niya kay Gian ngunit napansin nga
nito ang pagkakatulala ng huli.
“Sir…”
pagtawag muli ni Harlem.
Bumalik sa sarili si Gian. Napatingin kay
Harlem.
“Ok
lang ho ba kayo?” tanong ni Harlem.
Napabuntong-hininga si Gian saka tumango.
“Yes…
I’m ok.” Sabi nito.
Napatango naman si Harlem.
“Oo
nga po pala Sir… Ito na ho iyong list of employees na makakatanggap ng back pay
nila this month.” Sabi ni Harlem sabay abot ng mga folders kay Gian.
Napatango naman si Gian saka kinuha mula kay
Harlem ang folder. Hindi naiwasan na sa pagkuha ni Gian, nadampi ang kamay niya
sa kamay ni Harlem. Napatingin sila sa isa’t-isa at isang ngiti ang sumilay sa
kanilang mga labi.
Nilapag ni Gian ang folder sa office desk
niya. Hindi naaalis ang tingin kay Harlem.
Si Harlem naman, hindi nakayanan ang tingin
ni Gian kaya napaiwas ito. Napakamot ng ulo dahil sa hiya na naramdaman.
“Nagkausap
na kami.” Biglang sabi ni Gian na muling ikinatingin ni Harlem.
“Ho?” pagtatakang
tanong nito.
Tipid na napangiti si Gian.
“Nag-usap
na kami ni Aeron… Nanghingi siya muli nang tawad sa akin at… pormal na tinapos
na namin ang lahat sa pagitan naming dalawa.” Sabi nito.
Napabuntong-hininga.
Napatango si Harlem.
“Ano
hong nararamdaman niyo ngayon?” tanong nito.
“Uhmm…
Ang totoo, medyo malungkot pero… mas nangingibabaw iyong kagaanan ng
pakiramdam… Kasi ngayon, maayos na ang lahat sa pagitan naming dalawa.” Sabi
ni Gian.
Napatango lamang si Harlem.
“Ganun
ho ba… Mabuti naman kung ganun.” Sabi nito.
Napangiti si Gian.
“Sige
ho Sir… Balik na ho ako muli sa trabaho.” Sabi ni Harlem.
Napatango na lamang si Gian.
Muling natulala si Gian nang makaalis na si
Harlem. Kanina pa kasi laman at naglalaro sa isipan niya ang naging usapan nila
ni Aeron. Sa totoo lang, nagtatanong siya sa kanyang sarili ngayon kung bakit
kahit na may lungkot siyang nararamdaman dahil sa naging pag-uusap nila ni
Aeron e may bahagi sa kanya na hindi kagaya dati na nasasaktan e ngayon ay
hindi na. Oo, aminado siya na sa unang pagkikita muli nila ni Aeron pagkatapos
ng lahat ng nangyari ay bumalik ang lahat sa kanya… pero nung muli silang
magkita… lungkot na lamang ang naramdaman niya at hindi na siya nasaktan. Sa
tuwing maiisip nga niya ang lahat ng nangyari sa pagitan nila noon… lungkot na
lamang ang nararamdaman niya at hindi na siya nasasaktan pa kahit na alam niya
sa kanyang sarili na iyon na ang pinakamasakit na naranasan niya pagdating sa
pag-ibig.
Bakit nga ba? Dahil ba sa tanggap na niya ang
lahat? Dahil ba sa unti-unti na rin niyang nakakalimutan iyong sakit? O dahil
baka… unti-unti na ring nawawala sa puso niya ang pagmamahal para rito at may
pumapalit ng bago?
Napailing na lamang si Gian.
Napabuntong-hininga. Hindi kasi niya maintindihan sa sarili kung bakit.Hindi
nga lang ba niya maintindihan o baka naman… hindi lang niya maamin sa sarili
niya na alam niya kung bakit.
-END OF CHAPTER 24-
#WhereDoBrokenHeartsGo?
CHAPTER 25
“Uuwi ka na ba?” tanong
ni Gian kay Harlem. Dalawa na lamang sila ngayon dito sa HR department dahil
karamihan ay umuwi na.
Napatingin si Harlem kay Gian.
“Oho
Sir… Bakit ho? May ipapagawa pa ho ba kayo?” tanong nito.
Napailing si Gian saka napangiti nang tipid.
“Wala
naman… Ahm… Gusto ko lang kasi na samahan mo ako.” Sabi nito na ikinakunot
ng noo at ikinasalubong ng magkabilang kilay ni Harlem.
“Samahan
ho? Saan?” tanong nito.
Napangiti na si Gian.
“Sa
isang lugar na matagal ko na ring hindi napupuntahan.” sabi nito.
Napatango naman si Harlem.
“Ganun
ho ba… Pero bakit kailangan kasama pa ho ako?” tanong nito.
“Ahm…
Wala lang… Gusto lang kitang isama… Bakit? Ayaw mo ba? Pagod ka na ba at
kailangan mo nang magpahinga?” tanong ni Gian.
Napailing si Harlem.
“Hindi
pa naman ho ako pagod…” sabi nito. Napabuntong-hininga ito. “Sige ho… Sasama ako.” Sagot pa nito na
nakangiti.
Napangiti lalo si Gian.
“Salamat…”
sabi nito.
Napatango si Harlem. “Sige ho… aayusin ko lang itong mga gamit ko para makaalis na ho tayo
kaagad.” Sabi nito.
Napatango si Gian. “Sige… Kunin ko lang iyong gamit ko sa opisina.” Sabi nito.
Napatango naman si Harlem.
Tumalikod na si Gian at naglakad na papunta
sa opisina nito. Nakasunod naman ang tingin sa kanya ni Harlem na tipid na
napapangiti.
- -
- - - - - - - - - - - - - -
Kapwa nililibot nila ang tingin sa paligid ng
lugar na pinuntahan nila ngayon. Medyo maraming tao pa rin kahit na medyo gabi
na nung mga oras na iyon.
Maliwanag sa lugar na pinuntahan nila.
Sari-saring kulay ng ilaw ang kanilang nakikita dagdagan pa na marami ka ring
makikitang kung ano-anong bagay na pwedeng masakyan na ikinasisiya ng mga
nagpupunta rito, lalo na ng mga bata.
“Sir…
Seryoso ho ba kayo na dito ninyo gustong pumunta?” pagtatakang tanong ni
Harlem. Naitanong niya ito kasi nakakapagtaka lamang para sa kanya na ito ang
gustong lugar na puntahan ni Gian.
Napangiti si Gian. Napatango ito.
“Oo…
Pasensya ka na kung nadamay pa kita sa pag-iral ng pagiging isip-bata ko ngayon
a… Ewan ko ba at bigla kong naisipan at ginusto na pumunta rito.” Sabi ni
Gian.
Napatango na lamang si Harlem.
Nandito sila kasi ngayon sa isang amusement
park. Oo, isang amusement park na madalas puntahan ng mga bata kasama ang mga
magulang nila.
“Bakit?
Ayaw mo ba sa lugar na ito?” tanong ni Gian.
Napailing naman si Harlem. “Hindi naman sa ayaw pero kasi… bihira na
lamang rin akong pumunta sa ganitong klase ng lugar dahil hindi na rin naman
angkop sa edad ko na pumunta pa rito… Saka wala rin naman akong dahilan na
magpunta rito dahil wala naman akong anak o batang inaalagaan na mahilig sa
ganitong klase ng lugar.” Sabi nito.
Napangiti si Gian. “Hindi lang naman pambata ang lugar na ito… Para rin ito sa mga kids at
heart na gustong maranasan muli na maging bata at maging masaya.” Sabi
nito.
Napatitig si Harlem kay Gian.
“Bakit
Sir? Malungkot ho ba kayo kaya gusto niyo rin na pumunta rito?” tanong ni
Harlem.
Napailing naman si Gian.
“Hindi
naman sa malungkot ako… pero… sige na nga… aaminin ko… gusto kong pumunta rito
kasama ka.” Sabi nito na ikinagulat ni Harlem.
“Ho?
Kasama ako?” tanong ni Harlem.
Napatango si Gian.
“Naisip
ko kasi… Ngayong nagkausap na kami ni Aeron at opisyal nang natapos ang lahat
sa aming dalawa… May mga narealize ako… iyon ay ang simulan na ang pagiging mas
malapit ko pa sayo… At isa sa mga naisip ko ay ang umpisahang ayain ka sa
labas… sa mga ganitong lugar.” Sabi ni Gian.
“Ano
hong ibig ninyong sabihin?” pagtatakang tanong ni Harlem. Hindi rin kasi
niya maintindihan.
“This
is a date Harlem… The two of us now are dating.” Sabi ni Gian.
Napaiwas nang tingin si Harlem. Nagsimulang
dagain sa kaba ang dibdib niya.
‘Date?’ tanong nito sa isipan.
Nagulat na lamang si Harlem ng bigla niyang
maramdaman na may humawak sa kanan niyang kamay kaya kaagad siyang napatingin
roon. Nakahawak ngayon sa kamay niya ang kamay ni Gian.
Nagpatingin-tingin siya sa paligid. Wala pa
namang nakatingin sa kanila ngayon kaya naman aalisin na sana niya ang kamay
niya sa pagkakahawak ni Gian ng biglang humigpit naman ang hawak nito kaya
hindi niya maalis. Napatingin siya sa mukha ni Gian.
“Sir…
Baka may makakita…”
“Don’t mind them…
Ano naman kung may makakita?” nakangiting wika
nito.
“Pero…”
“Halika na at
bumili na tayo ng tickets para makasakay na tayo sa mga rides. Ok.” Sabi
kaagad ni Gian habang nakangiti saka kaagad na hinila si Harlem papunta sa
bilihan ng tickets.
Napasunod na lamang si Harlem sa kanya.
Napatingin ito sa magkahawak kamay nila ni Gian. Nag-aalala man siya dahil baka
makita ng mga tao ang magkahawak nilang kamay at pag-usapan sila ay hindi rin
niya maiwasang hindi makaramdam ng kilig dahil hawak ni Gian ang kamay niya.
- -
- - - - - - - - -- - - -
Nagsimula ang saya sa pagitan ng dalawa. Kung
saan-saang rides sila sumakay. Sigawan at tawanan ang nangyari sa kanila dahil
sa tuwing sasakay sila ng mga rides, hindi nila mapigilang hindi sumigaw at
tawanan ang reaksyon ng isa’t-isa.
Kitang-kita ng isa’t-isa ang saya sa piling
nila.
At ngayon, nasa ferris wheel at sakay silang
dalawa sa isa sa mga cubicle nito. (hindi ko kasi alam tawag dun so kayo na
magtama kung anong tawag). Magkatapat silang nakaupo. Si Harlem sa kanan at si
Gian sa kaliwa.
Nakatingin si Harlem sa labas ng bintana at
kitang-kita sa mukha nito ang pagkamangha dahil sa nakikitang ganda ng paligid
mula sa labas. Nasa taas pa sila kaya nakikita rin nito ang buong amusement
park sa baba.
“Ang
ganda naman ng view.” Natutuwang sabi ni Harlem.
Napatango naman si Gian na hindi natitinag
ang titig ngayon kay Harlem. Natutuwa ang pakiramdam niya dahil kasama niya
ngayon si Harlem.
Busy pa rin sa kakatingin si Harlem sa labas
kaya hindi niya namalayan na umupo na sa tabi niya si Gian. Nagulat na lamang
si Harlem at kaagad na napatingin kay Gian na katabi na niya dahil bigla siya
nitong inakbayan.
“S-Sir…”
“Let’s stay like
this for a while.” Sabi kaagad ni Gian na
nakapikit na ang mga mata habang nakaakbay pa rink ay Harlem. Ramdam na ramdam
nito ang mabilis na pintig ng puso na hindi normal ang bilis.
Natahimik naman si Harlem. Katulad ni Gian,
mabilis at malakas ang tibok ng puso niya lalo na ngayon at nakaakbay pa sa
kanya si Gian.
Namayani ang katahimikan sa pagitan ng
dalawa.
“I
want you to be mine.” Mahinang sabi ni Gian sabay dilat ng mga mata.
Napatitig ito kay Harlem na kanina pa rin nakatitig sa kanya pero naputol
lamang dahil sa narinig na sinabi ni Gian.
“Ho?” pagtatakang
tanong ni Harlem kahit na narinig naman nito ang sinabi ni Gian.
Napangiti si Gian.
“Ngayon…
sigurado na ako sa kung anong itinitibok ng puso ko… Na hindi na siya ang
namamayani sa loob nito kundi ikaw na… sinakop mo na ang halos kabuuan ng puso
ko.” seryosong sabi ni Gian. “Tunay
na mahal na kita Harlem.” Sabi pa nito.
Napaiwas nang tingin si Harlem. Mas lalong
lumakas ang tibok ng kanyang puso dahil sa sinabi nito.
“Sir…
Baka…”
“Hindi ako
nagkakamali sa nararamdaman ko Harlem… Alam ko na sa sarili ko na wala na siya
dito sa puso ko at napalitan mo na siya…” sabi
kaagad ni Gian.
Hindi nagsalita si Harlem.
“Kailan
kaya kita matatawag na akin? At kailan mo kaya ako matatawag na iyo?” tanong
ni Gian.
Hindi muli nagsalita si Harlem. Wala siyang
masabi.
“Sa
totoo lang… gusto ko na magkaroon tayo ng ugnayan… ng mas malalim na ugnayan…
iyong masasabi kong akin ka at iyo ako… gusto ko na magkaroon tayo ng label.” Sabi
ni Gian. Napabuntong-hininga ito. “Pero
sinabi mo sa akin nun na manatili na muna tayong ganito… na magkaibigan…
magkatrabaho… sa una, pumayag ako pero habang tumatagal… may ninanais ako… iyon
ay ang maging tayo at magkaroon ng relasyon.” Sabi pa nito.
“S-Sir…”
Napatigil
na lamang sa pagsasalita si Harlem ng bigla na siyang halikan ni Gian sa labi.
Nanlalaki ang mga mata nito habang nakadampi na sa labi niya ang labi ng huli.
Dahan-dahang iginalaw ni Gian ang sariling
labi na nakadampi sa labi ni Harlem at inumpisahan ang mas malalim na halik.
Napapikit naman na ng mga mata si Harlem at
hindi na niya napigilang gumanti sa halik. Sa halik na lamang muna niya
ipaparamdam ang tunay na nadarama.
Napayakap sila sa isa’t-isa habang
naghahalikan. Kasabay ng kanilang paghahalikan ay ang pagsabog ng fireworks sa
kalangitan na kitang-kita mula sa labas ng bintana. Napakaganda ng nasabing
fireworks display, kasing ganda nang nangyayari sa kanila ngayon sa loob ng
ferris wheel.
Pamaya-maya ay naghiwalay na ang kanilang mga
labi. Nagdikit ang kanilang mga noo at parehong habol ang hininga dahil sa
malalim na halik.
“Mahal
na mahal na kita Harlem… At hindi ako titigil na iparamdam sayo iyon… Hindi rin
ako titigil na gumawa ng paraan para lumagpas sa pagiging magkaibigan at
magkatrabaho ang ugnayan nating dalawa… Gusto kong maging akin ka at maging iyo
ako kaya simula ngayon… Gagawin ko ang lahat para mangyari ang kagustuhan ko.” nakangiting
wika ni Gian. “Nagawa muling magmahal ng
puso ko pagkatapos masaktan at dahil iyon sayo… kaya turn ko naman para gumawa
ng paraan para muling magmahal ng puso mo at sisiguraduhin kong ako ang
mamahalin niyan. Sisiguraduhin ko na kagaya ng sayang nararamdaman ko ngayon
dahil sayo ang magiging saya ng pakiramdam mo ng dahil sa akin.” Sabi pa
nito.
Hindi makapagsalita si Harlem.
Nagkakandahalo-halo ang nararamdaman niya ngayon. Hindi na nga niya ma-define
ang tunay na nararamdaman niya dahil sa nagkahalo-halo na nga ito.
Niyakap ni Gian si Harlem. Mahigpit.
“Ikaw
ang dahilan ng lahat Harlem… Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na ako
nasasaktan… kung bakit masaya na ako ngayon… Kaya naman ipinapangako ko sayo na
ako naman ang magiging dahilan para hindi ka na masaktan at sumaya ka nang
muli.” Sabi ni Gian. Hinalikan nito ang pisngi ni Harlem.
Napangiti na lamang si Harlem. Gumanti sa
yakap na ibinibigay sa kanya ni Gian. Sa totoo lang… mahal naman na rin niya
ito. Halatang-halata naman pero nag-aalala siya kasi hindi buo itong pagmamahal
na nararamdaman niya para rito dahil hanggang ngayon, alam niya sa kanyang
sarili na mahal pa rin niya ang una. Na may natitira para ring pagmamahal para
kay Jericho. Kaya nga hanggang ngayon ay ayaw pa rin niya na lumagpas sa mas
malalim na ugnayan silang dalawa dahil ayaw naman niyang ipasok ang sarili sa
isang relasyon gayong may iba pang laman ang kanyang puso. Ayaw niyang masaktan
si Gian at ayaw niyang matawag ito na panakip butas dahil hindi naman niya ito
ginagawang panakip butas. Alam rin naman niya na hindi siya nito ginawang
panakip butas dahil kung tutuusin, kusa lang naman na umusbong ang nararamdaman
nito para sa kanya. Hindi siya nito ginamit. At ayaw rin niyang matawag na
nagamit niya ito.
Lihim na napabuntong-hininga si Harlem.
‘Ano nang gagawin ko? Mahal na talaga niya
ako gayong hindi pa buo ang pagmamahal ko para sa kanya… Gusto na niyang mas
lumalim pa ang ugnayan naming dalawa…’ sabi nito sa isipan. Gusto
sana niyang magsalita at kausapin si Gian pero nauunahan siya ng damdamin at
konsensya na rin dahil alam niya na masasaktan niya ito oras na magsalita siya
na hindi pa buo ang pagmamahal niya para rito at hindi pa siya handa para sa
relasyong gusto nito. Hay! Hindi na niya alam ang gagawin, kung paano sasabihin
rito ang totoong nasasaloob ng hindi ito masasaktan.
-END OF CHAPTER 25-
#WhereDoBrokenHeartsGo?
CHAPTER 26
“Talaga? Totoo ba
‘yan?”
“Oo
beh… Totoo… Nakita kaya sila ni Jaime kahapon kaya totoo ang sinasabi ko. Siya
kasi ang nagsabi sa akin na ‘yun nga.”
“Pero
baka naman hindi… Nagkamali lang siya siguro nang nakita.”
“Ewan… pero
mukhang kumbinsido kasi siya na totoo dahil sa mga nakita niya.”
“Kung totoo man
‘yan… Di ba hindi pwede na magkaroon sila ng relasyon lalo na’t nasa iisang
trabaho lang sila? Conflict kaya iyon lalo na kung nasa mataas na posisyon ang
isa…”
“Hindi naman beh…
Wala naman sa rules ng kumpanya natin na hindi tayo pwedeng makipagrelasyon sa
katrabaho… Pero iyon nga lang, tama ka, conflict iyon dahil pwede silang
pag-isipan ng ibang katrabaho natin... Oras kasi na magkaroon ng relasyon ang
dalawang magkatrabaho lalo na’t nasa mataas na posisyon ang isa… diyan papasok
na pwedeng kampihan ni isa iyong isa kapag nagkamali ito sa trabaho… basta
iyong mga ganun.”
“Ay ang taray
naman… Talagang pinandigan nila ah at nakita pa sila…”
“Yeah… Ganun
talaga.”
Napapailing
habang napapangiti si Harlem. Naririnig niya kasi ang mga usapan ng mga
katrabaho niya at sa totoo lang, natatawa siya sa mga ito dahil sa ang aga-aga
e chismisan ang inaatupag.
‘Sino kaya ang pinag-uusapan nila?’ tanong
ni Harlem sa isipan. Wala pa kasi siyang kaalam-alam na sila ni Gian ang
pinag-uusapan ng mga ito at ng halos lahat ng empleyado sa HR department. Ang alam
lang niya, dalawa sa mga empleyado ng department nila ang pinag-uusapan ng mga
ito na mayroon raw relasyon.
Hindi naman kasi niya iniisip na sila iyon ni
Gian dahil unang-una, wala naman silang relasyon. Magkaibigan lamang sila pero
hindi rin niya maiwasang isipin na baka sila ang pinag-uusapan ng mga ito dahil
ayon sa narinig niya, kahapon daw nakita ang dalawa ng isa sa mga katrabaho
nila. E kagabi sila umalis ni Gian at pumunta sa amusement park. Sila kaya ang
nakita? Napailing si Harlem. Imposible dahil gabi naman na sila gumala ni Gian
at sigurado siya na halos lahat ng katrabaho niya ay nakauwi na sa mga bahay
nito. Alangan namang mamasyal pa ang mga ito pagkatapos ng mag-hapong trabaho.
Ayaw niyang isipin na sila ang pinag-uusapan kahit na may posibilidad na
pwedeng sila nga ang laman ng usapan ng mga ito.
- -
- - - - - - - - - - - -
“Usap-usapan
kayo ng lahat.” Napapangiting wika ni Lance. Napatingin naman sa kanya si
Gian na napatigil sa pagta-type sa laptop nito. Nasa loob sila ngayon ng
opisina ng huli.
“Anong
ibig mong sabihin?” pagtatakang tanong ni Gian.
“Kayo
ni Harlem… Mukhang kayo ang laman ng usapan ng mga empleyado.” Sabi ni
Lance.
Napaiwas nang tingin si Gian.
“At
paano mo naman nasabi na kami ang pinag-uusapan nila?” tanong nito na
nagpatuloy sa pagtatype sa laptop.
“Di ba
pumunta kayo ng amusement park ni Harlem kagabi?” tanong ni Lance na muling
nagpatingin kay Gian sa kanya at napatigil sa pagta-type.
Nangunot ang noo at nagkasalubong ang
magkabilang kilay ni Gian.
“Paano
mo nalaman?” pagtatakang tanong nito. Hindi naman niya sinabi rito na
pumunta sila ni Harlem sa amusement park kagabi.
Napangiti si Lance.
“Friend
tayo sa facebook di ba? At nakita ko ang mga post mong pictures kasama siya…
Kaya nalaman ko.” sabi nito. “At
mukhang may iba ring katrabaho natin ang nakakita sa inyo kagabi doon.” Sabi
pa nito.
Napatango si Gian. Napabuntong-hininga.
“Bahala
silang pag-usapan kami… Wala naman akong pakielam.” Sabi ni Gian.
Napatango si Lance saka napangiti.
“So…
ano iyong nangyari sa inyo ni Harlem kagabi? Namasyal lang ba kayo o… baka date
na iyon?” tanong ni Lance.
Napatitig si Gian kay Lance. Napangiti.
“Nag-date
kami.” Sagot nito.
“Wow
pare… Asensado na ah… Nakikipag-date ka na ngayon.” Pang-aasar na sabi ni
Lance.
“Asensado
ka diyan…” napapailing na natatawa si Gian.
“Kung
date ang nangyari… Ibig sabihin niyan… nag-uumpisa ka nang manligaw sa kanya
ganun ba?” tanong ni Lance.
Napatango si Gian. Wala naman ng dahilan pa
para itanggi at magsinungaling siya.
“Hanep
a… Nanliligaw… Ano na bang status ni Harlem diyan sa puso mo?” tanong ni
Lance na naupo na sa kanang upuan na nasa harapan ng office desk ni Gian.
Tipid na napangiti si Gian.
“Status?
Ahm… Sabihin na nating… nasakop na niya ang puso ko… Mahal ko na siya at umamin
na ako sa kanya.” Sabi nito.
Napangiti naman lalo si Lance. “Naks naman! Ibig sabihin… wala na si Aeron
diyan sa puso mo at si Harlem na ang pumalit ganun ba?” tanong nito.
Napatango si Gian.
“Ganun
na nga… Sa totoo lang… sa una pa lang na makita ko si Harlem… ramdam kong may
kakaiba… pakiramdam ko… siya na iyong taong magpapasaya at magpapakumpleto sa
buhay ko… at hindi nga ako nagkamali dahil dumating rin iyong panahon na
narealize kong mahal ko nga siya at kinumpleto niya ang buhay ko kaya ako
masaya ngayon.” Sabi ni Gian na ikinangiti ni Lance.
“Good
to hear that… Pero… paano na si Aeron?” tanong ni Lance.
Tipid na napangiti si Gian.
“Nagkausap
na kami… Actually, kinausap niya ako… humingi siya ng tawad at tinanggap ko…
naayos na ang lahat sa aming dalawa… oo, aaminin ko na sa una… nalungkot ako…
bumalik ang lahat pero as time goes by… narealize kong hindi na ako nasasaktan
ng dahil sa kanya… iyon ay dahil naman kay Harlem… dahil siya na ngayon ang
nilalaman ng puso ko at nagpapasaya sa buo kong pagkatao.” Bakas ang tuwa
sa boses ni Gian.
Napatango si Lance habang napapangiti.
“Mabuti
naman at hindi mo na pinigilang buksan muli ang puso mo para magmahal ng iba…
kita mo na… hindi ka na nasasaktan ngayon at masaya ka.” Sabi ni Lance.
Napangiti si Gian.
“E si
Harlem? Anong status mo sa puso niya? Sinabi na rin ba niyang mahal ka niya?” tanong
ni Lance.
Nawala ang malawak na ngiti ni Gian at naging
tipid ito.
“Ramdam
kong mahal niya ako… Sinabi naman na niya sa akin na may nararamdaman siya para
sa akin… ang kaso…”
“Anong kaso?” tanong
kaagad ni Lance kasi hindi itinuloy ni Gian ang sasabihin.
Napabuntong-hininga si Gian.
“Ramdam
ko kasing hindi pa buo ang pagmamahal niya sa akin… Na hanggang ngayon ay mahal
niya pa rin ‘yung ex niya.” sabi ni Gian. Iyon ang pakiramdam niya
pagdating kay Harlem.
Napailing-iling si Lance.
“Naku!
Diyan ka patay! Mahirap na kalaban ang ex lalo na kung laman pa rin ito ng puso
ng taong mahal mo na...” sabi ni Lance.
Tipid na napangiti si Gian.
“Pero
gagawin ko naman ang lahat para mahalin na rin niya ako ng buong-buo…
Sisiguraduhin kong makakalimutan at mawawala sa puso niya ang ex niya.” sabi
ni Gian. “Sisiguraduhin kong magiging
masaya siya habang nasa piling ko hanggang sa marealize niya na mahal na niya
ako ng buong-buo.” Sabi pa nito.
Napangiti si Lance.
“That’s
the spirit Gian… Pero paalala ko lang sayo a… Hindi porket magagawa mo ang
lahat e magtatagumpay ka sa nais mo… May mga bagay kasi na kahit anong buhos mo
ng galing at lahat… sa huli, hindi mo pa rin ito napagtatagumpayan. Tandaan mo…
pagmamahal ang ipaglalaban mo ngayon at pagdating sa pagmamahal… ang
pinaglalaban rito ay ang puso kung saan minsan tuso… Dahil ang puso… hindi ‘yan
katulad ng isipan na biglang nagbabago… Ok, sabihin na nating pwedeng mabago
ang puso… ang nilalaman nito lalo na kung gagawin mo ang lahat… maaaring
mahalin ka na rin ng buo ni Harlem pero minsan… hindi rin nangyayari na
napagbabago ng kahit sino ang nilalaman ng puso ng isang tao dahil ayaw nito…
gusto minsan kasi ng puso… kung sino ang unang minahal nito… siya rin ang
magiging huli. Kaya goodluck sayo Gian… sana mahalin ka na rin ng buo ni Harlem
para maging masaya na kayo pareho.” Sabi ni Lance. Alam rin kasi nito ang
kwento ng pag-ibig ni Harlem dahil naikwento sa kanya ni Gian. Hindi man lahat
pero may konklusyon siya.
Napatango si Gian.
“At
isa pa… Kung sakali man… kung sakali lang naman na… mabigo ka kay Harlem…
again… lagi mo lang isipin ang mga nangyari sayo sa nakaraan… iyong mga
natutunan mo para alam mo na kung paano malalagpasan muli ang sakit at
kalungkutan.” Sabi pa ni Lance.
“Lance
naman… Masyado ka naman yatang negative diyan…”
“Hindi ako
negative Gian… Nagpapaalala lang ako. Alam mo naman sa mundong ito… hindi mo
alam ang mga mangyayari. Mga mangyayaring pwedeng magpasaya sayo at pwede ring
ikabigo at ikalungkot mo… Kailangan mo lang maging handa sa mga unpredictable
na ginagawa ng tadhana.” Sabi kaagad ni Lance.
Napatango si Gian.
“Oo
na…”
-END OF CHAPTER 26-
#WhereDoBrokenHeartsGo?
CHAPTER 27
Kaagad
na nilapag ni Harlem ang kanyang dalang bag sa may swivel chair. Kakarating at
kapapasok lamang niya ngayon sa opisina.
Napakunot ang kanyang noo at nagkasalubong
ang kanyang magkabilang kilay ng may mapansing nakapatong sa may mesa niya.
Isang baso ng kung anumang inumin na hindi niya pa alam kung ano. Napansin rin
niyang may nakadikit na sticky note roon na may nakasulat. Kinuha niya ‘yon at
binasa.
“You’re
like a coffee to me… you are the one who makes me feel alive everyday. J Drink this honey… -Gian”
Hindi
napigilang hindi mapangiti ni Harlem sa nabasa. Hindi man niya iyon direktang
narinig mula sa labi ni Gian pero pakiramdam niya, dinig na dinig niya iyon at
hindi niya maiwasang hindi kiligin. Simple lamang ang ginawa nito pero masasabi
niyang isa ito sa mga sweet na nagawa ni Gian para sa kanya.
Kaagad na binuksan ni Harlem ang kanyang bag,
kinuha roon ang isang notebook at binuklat iyon. Pagkatapos ay doon niya
nilagay ang sticky note. Napangiti siyang muli at tinitigan niya pa iyon
pagkatapos muli ay ibinalik niya ang notebook sa kanyang bag.
Naupo na si Harlem sa kanyang swivel chair.
Kinuha ang baso ng kape na medyo mainit-init pa, tinanggal ang takip nun at
humigop.
Ang hindi niya alam at napapansin, sa hindi
kalayuan, nakatayo si Gian at nakatingin sa kanya. Hindi maalis ang ngiti sa
labi lalo na’t dahil nakita nito ang reaksyon ni Harlem na naging masaya dahil
sa kanyang munting ginawa. Masaya siya na napasaya niya kahit papaano si
Harlem.
- -
- - - - - - - - - - - - -
Magkatabing nakatayo ngayon sa rooftop ng
building sila Harlem at Gian. Parehong nakatingin sa maaliwalas na kalangitan.
Break nila ngayon at dahil may natitira pang oras, dito nila naisipang pumunta
pagkatapos na sabay kumain.
“Salamat
ho pala sa kape na ibinigay ninyo.” Sabi ni Harlem sabay ngiti.
Napatingin si Gian sa kanya. Napangiti rin
ito.
“Wala
iyon… Gusto ko ring maranasan mo na maging kape ako sa buhay mo… na siyang
nagpapagising sa buong pagkatao at puso mo.” Sabi ni Gian.
Napangiti lalo si Harlem. Napatingin na rin
siya kay Gian.
“Oo
nga pala… Alam mo bang pinag-uusapan na tayo ng mga katrabaho natin?” tanong
ni Gian.
Napatango si Harlem. Alam na niya nung isang
araw pa na sila nga ang pinag-uusapan ng mga ito at wala naman siyang
pakiealam. Hindi naman masasakit ang mga sinasabi ng mga ito kaya hayaan na
lamang.
“Huwag
mo na lamang silang pansinin… Marahil kaya ganun sila kasi naiinggit sila sa
atin dahil tayo… natagpuan na natin sa isa’t-isa ang forever samantalang sila…
hindi pa.” pabirong sabi ni Gian na ikinangiti ni Harlem.
Hindi na nagsalita si Harlem. Tumingin na
lamang muli ito sa maaliwalas na kalangitan.
Pamaya-maya ay naramdaman ni Harlem na
hinawakan ni Gian ang kanyang kanang kamay at bahagya nitong pinisil.
“Gustong-gusto
ko talaga na laging hawakan ang mga kamay mo… pakiramdam ko kasi… hawak ko na
ang mundo… Mundong puno ng saya… ikaw ang mundo ko Harlem… ikaw ang kasiyahan
dito sa puso ko.” sabi ni Gian.
Napatingin si Harlem kay Gian. Isang ngiti
muli ang sumilay sa labi nito.
“Salamat
a.” sabi ni Harlem.
“Bakit
ka naman nagpapasalamat.” Pagtatakang tanong ni Gian.
Mas lalong napangiti si Harlem.
“Kasi
ganyan ka.” Sagot nito. “Ganyan ka
kabait… ganyan ka kung magmahal.” Sabi niya pa.
Napangiti si Gian. Mas lalong humigpit ang
hawak nito sa kanyang kamay.
“Ganito
talaga ko kung magmahal… Kaya siguradong mabubusog ka.” Sabi nito na
ikinangiti ni Harlem.
- -
- - - - - - - - - - -
Naalimpungatan at nagising mula sa mahimbing
na pagkakatulog si Harlem dahil sa tunog ng kanyang cellphone. Naniningkit pa
ang kanyang mga mata na napatingin sa orasan na nakasabit sa pader.
“Grabe…
ang aga-aga pa… Sino ba itong tumatawag na ito?” naiinis na tanong ni Harlem
sa kanyang sarili. Alas kwatro trenta’y dos pa lamang kasi ng madaling araw.
Tuloy lamang sa pagtunog ang kanyang
cellphone kaya naman naiinis niyang kinuha ito sa may bed side table at kaagad
na sinagot. Hindi na tiningnan ang pangalan ng tumatawag.
“Hello?”
inaantok ang boses na sabi nito. Napahikab pa.
“Sir…
Kayo ho ba si Harlem?” tanong ng isang boses lalaki mula sa kabilang linya.
“Yeah…
Ako nga bakit?” tanong ni Harlem.
“Ah
Sir… Iyong kaibigan niyo ho kasing si Sir Jericho… Lasing na lasing at
nakatulog na ho rito sa bar namin… pwede ho bang pakisundo siya?” tanong ng
lalaki na mukhang bartender yata at nagtatrabaho sa bar.
Kaagad na napaupo si Harlem sa kama.
“Ano?
Si Jericho?” tanong ni Harlem.
“Oho
Sir… Sana ho masundo niyo na siya kasi magsasarado na ho kami. Hindi na rin ho
kasi namin siya matanong par asana alamin kung saan ang bahay niya para kami na
lang sana ang maghahatid kaso tulog na tulog na ho.” Sabi nito.
Napakamot naman sa ulo si Harlem saka
napapikit.
“Bakit
ako pa ang tinawagan ninyo? Marami namang kaibigan ‘yan na pwedeng magsundo sa
kanya.” May inis na sabi ni Harlem. “Siguro
naman marami siyang contacts diyan sa cellphone niya.
“E
Sir… Halos lahat ho kasi ng contact na narito, natawagan na namin kaso wala
hong sumasagot e. Kayo lang ho ang sumagot sa tawag.” sabi mula sa kabilang
linya.
Napabuntong-hininga si Harlem. Naiinis siya
kay Jericho. Bakit ba kasi hindi pa nito binubura ang number niya? ‘Yan tuloy.
Ginulo-gulo niya ang magulo nang buhok.
“Sir…”
“Sige sige…
pupunta na kaagad ako diyan.” Sabi kaagad ni
Harlem. “Saan nga ba iyong bar na iyan?”
tanong pa nito.
Sinabi naman sa kanya ng lalaki kung anong
pangalan ng bar at saan ito matatagpuan.
Kaagad na binaba ni Harlem ang tawag. Muling
ibinalik ang cp sa may bedside table pagkatapos ay kahit na inaantok-antok pa
ng konti at tinatamad ay tuluyan na siyang umalis sa kama para mabilis na
makapag-ayos at makaalis na.
“Maglalasing-lasing
kasi… Hindi naman kayang dalhin ang sarili.” Naiinis na sabi ni Harlem
pagkalock niya ng pintuan ng condo unit niya.
- -
- - - - - - - - - - -
Kaagad na inihiga ni Harlem ang katawan ng
tulog na tulog na si Jericho sa kama nito. Nandito na sila sa condo unit ng
huli. Alam pa rin naman niya ito kahit na may katagalan na ang panahon nang
huli siyang makapunta rito.
Naginat-inat si Harlem at hinilot-hilot ang
leeg at balikat. Paano naman kasi, masyado siyang nangalay sa pag-alalay kay
Jericho mula sa bar hanggang sa pag-akyat rito sa condo. Wala pa naman siyang
dalang kotse kaya pati sa taxi ay inaalalayan niya ito. Nakakapagod lalo na’t
may kabigatan rin ang lalaking ito.
Napatitig si Harlem sa gwapong mukha ni
Jericho na pulang-pula dahil sa kalasingan.
“Bwisit
ka talaga… Hanggang ngayon ba naman… nagiging pahirap ka sa buhay ko? Kitang
tulog na tulog ako tapos gagambalain ako ng dahil sayo… Naku… Kahit kailan ka
talaga.” Inis na inis na sabi ni Harlem. Napabuntong-hininga.
Nanatiling nakatitig ang mga mata ni Harlem
sa mukha ni Jericho. Aminado siya na hanggang ngayon ay napakagwapo nito sa
kanyang paningin. Kunsabagay, gwapo naman talaga ito kaya nga maraming
nahuhumaling na kanya namang ikinasasakit dahil pinapatulan ng lalaking ito ang
mga nahuhumaling rito.
Napabuntong-hininga si Harlem.
Nilibot ni Harlem ang mga mata sa paligid.
Tipid siyang napangiti. Hindi pa rin kasi nagbabago ang ayos ng mga gamit rito
sa kwarto ng dating kasintahan. Kahit na iyong mga gamit sa labas ay wala ring
pinagbago. Naalala niya, siya ang nag-ayos ng lahat ng gamit na narito sa loob
ng condo unit ni Jericho. Nakikita pa rin niya ang paligid dahil sa mga ilaw ng
lampshades na nagbibigay liwanag sa kabuuan ng kwarto.
Muling napabuntong-hininga si Harlem. Bakit niya
ba inaalala pa iyon?
Muling tiningnan ni Harlem si Jericho. Tulog
na tulog talaga ang mokong. Naisipan niyang kunin ang kumot na nasa paanan ng
huli at ibalot na sa katawan nito. Bahagya pa siyang napayuko dahil sa inaayos
niya rin ang unahang laylayan ng kumot para malagay ito sa itaas na bahagi ng
katawan ni Jericho.
Pero halos magulantang siya sa mga sumunod na
nangyari na nagpatigil sa mundo niya. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang
mapayakap sa kanya si Jericho dahilan para mapunta siya sa ibabaw nito,
maglapit ang kanilang mga mukha at magdampi ang kanilang mga labi.
Hindi makagalaw si Harlem kaya hanggang
ngayon, nakadampi pa rin ang malambot na labi nito sa labi niya. Parang bumalik
sa kanya ang lahat… ang lahat ng nararamdaman niya para rito. Ng dahil sa
halik.
Nakita ni Harlem na bahagyang dumilat ang mga
mata ni Jericho, namumula iyon pero nagniningning.
Gustong umalis na ni Harlem sa ibabaw ni
Jericho at para mahiwalay na rin ang labi niya sa labi nito pero hindi niya
magawa dahil sa bukod sa nakayakap ito sa kanya, hindi pa siya makagalaw dahil
talagang gulat at tulala siya.
Pamaya-maya ay muling pumikit si Jericho.
Naramdaman ni Harlem na gumagalaw-galaw ang labi nito sa labi niya. Pinigilan
niya ang sarili na pagalawin ang sariling labi at tumugon. Ayaw niyang may
mangyari. Ayaw niyang makalimutan na ilang beses na siya nitong sinaktan.
Pero sariling damdamin ang nagtraydor kay
Harlem dahil hindi nagtagal… tumugon siya sa halik. Napayakap siya sa katawan
nito at mas idiniin ang nakapatong na katawan sa katawan ng nakahiga na si
Jericho. Nadala na siya… nadala siya sa temptasyon… at damdamin.
Habang naghahalikan ay parehong pinaglalakbay
nila ang kamay sa kanilang mga katawan. Damang –dama ng nakapasok na palad ni
Harlem sa damit ni Jericho ang ganda at tigas ng katawan nito. Mas lumaki ito
kumpara sa dati. Dama niya ang init nang singaw na nanggagaling rito.
Napapaungol naman nang mahina si Jericho sa
paghawak ni Harlem sa katawan niya. Mas pinagbuti rin nito ang paghawak sa
katawan ni Harlem na ikinaungol rin ng huli. Dama nito ang magandang pangangatawan
ni Harlem. Hindi rin nakaligtas sa mga kamay nito ang matambok na pwetan ni
Harlem na bahagya nitong pinisil.
Pareho na silang pinagpapawisan dahil sa init
ng kanilang mga katawan.
Kapwa dama na ng isa’t-isa ang naninigas na
pagkalalaki na parehong nagbubungguan kahit na nasa loob pa ito ng mga suot
nilang pang-ibaba.
Nadala na sila. Nag-iinit na ang kanilang mga
katawan pati na rin ang paligid.
Hanggang sa nangyari na ang hindi dapat
mangyari. Naging isa ang kanilang mga katawan ng madaling araw na iyon. Halos
makalimutan na nila kung ano nga ba ang tunay na sitwasyon nilang dalawa.
- -
- - - - - - - - - - - -
Tulalang nakaupo sa gilid ng kama si Harlem.
Bihis na siyang muli at iniisip niya ngayon ang nangyari sa kanila ni Jericho.
Ang mainit na pangyayaring mukhang kay hirap na namang kalimutan para sa kanya.
Napatingin siya kay Jericho na ngayon ay
tulog nang muli. Mula sa gwapo nitong mukha, hanggang sa hubad pa rin nitong
katawan kaya naman malaya niyang napagmamasdan ang ganda ng katawan nito. Mula
sa magandang hulma ng mga balikat nito, maumbok na dibdib na may pares nang mga
utong na hanggang ngayon ay namumula at mamasa-masa dahil hindi niya kanina
iyon tinigilan na susuhin. Halata sa kanya kanina ang pananabik rito. Sa
pawisan nitong mga abs na alam niyang may halo ring laway niya dahil
dinila-dilaan niya ito. Hanggang sa mapatingin siya sa malambot na nitong
kargada na kanyang sinubo at talagang sinisip at sa dalawang bola nitong
nakalaylay na parang candy niyang pinaglaruan sa kanyang bibig. Napansin niyang
lumaki iyon kumpara sa dati kaya naman nahirapan rin nitong ipasok iyon sa
kanyang butas dahil na rin sa bukod sa lumaki nga iyon, matagal rin na hindi
napasukan ang kanya kaya medyo sumikip. Nasaktan nga siya nung una pero
kinalaunan ay nasarapan siya.
Napahilamos sa mukha si Harlem gamit ang dalawang
palad. Mistulang nakalimutan niya ang lahat dahil sa nangyari. Nakalimutan niya
ang atraso nito. Nawala siya sa kanyang sarili. Nakalimutan niya… nakalimutan
niya.
“Ano
ba itong napasukan ko… Bakit ba kasi sinundo-sundo ko pa siya? Bakit ba ako nagpadala
sa bugso ng damdamin ko? Bakit? Bakit?” naiinis na sabi ni Harlem sa
sarili. Sinisisi niya rin ang kanyang sarili dahil sa nangyari.
Napabuntong-hininga ito.
Bigla niyang naalala si Gian. Nalungkot siya
nang maalala ito.
“Sorry…”
malungkot na sabi nito sa sarili.
Pamaya-maya ay tumayo na ito mula sa
pagkakaupo sa gilid ng kama at naglakad na palabas ng kwarto ni Jericho.
Kailangan na niyang makaalis rito bago lumitaw ang araw.
Wala na si Harlem. Dumilat ang mga mata ni
Jericho. Napangiti nang matamis. Alam niya ang mga nangyari. Naramdaman niya
ang lahat dahil ang totoo, hindi naman siya ganun kalasing.
“Tawagan mo si Harlem diyan sa cellphone ko.”
Sabi ni Jericho doon sa bartender sabay abot ng cp niya rito.
“Si Harlem ho?” tanong nito.
“Oo… Nasa speed dial siya, pindutin mo na
lang iyong 1… kapag sumagot. Sabihin mo na sunduin ako rito. Sabihin mo lasing
na lasing ako at nakatulog na ako rito...” sabi ni Jericho.Kilala na rin
kasi siya ng bartender na ito dahil palagi rin siyang nandito.
“Pero Sir… Hindi naman kayo lasing…”
“Huwag ka ngang epal diyan… Basta sundin mo
ang inuutos ko sayo… Huwag kang mag-alala… Babayaran kita.” Sabi kaagad ni Jericho.
Napakamot na
lamang sa ulo ang bartender saka kinuha ang cp mula rito at sinunod ang inuutos
sa kanya ni Jericho.
“Umpisa
pa lang ‘yan Harlem… Dahil sisiguraduhin kong pagkatapos ng nangyari sa atin
ngayon… may susunod pa. Hindi ka na matatahimik at ikaw na rin ang kusang
babalik sa akin. At magiging masaya na rin tayong dalawa muli.” Sabi ni
Jericho sa sarili sabay ngiti. Napapikit ito ng mga mata. Muling dumaloy sa
kanyang alaala ang nangyari sa pagitan nila ni Harlem at hindi maiwasang tumayo
at tumigas muli ang manoy nito na nasa otso pulgada, mushroom ang ulo at kasing
kulay ng kanyang balat sa katawan. Hinawakan niya iyon ng mahigpit at
inumpisahang batiin. Nag-iinit siyang muli kaya gusto niya magpalabas muli.
-END OF CHAPTER 27-
#WhereDoBrokenHeartsGo?
CHAPTER 28
“Hindi pumasok si
Harlem? Bakit daw?” tanong ni Gian kay Lance.
Nasa loob sila ngayon ng opisina ng una.
Nagkibit-balikat si Lance. “Ewan… Teka, di ba dapat alam mo ‘yun?” tanong
nito.
Napabuntong-hininga si Gian. “Wala nga akong kaalam-alam na hindi siya
papasok ngayon… Hindi nga nagtetext sa akin.” Sabi nito.
Tipid na napangiti si Lance.
“Baka
naman may inasikaso lang… Hindi nakapagpaalam sayo.” Sabi ni Lance.
Napatango na lamang si Gian. Hindi nito
maiwasang hindi mag-alala.
- -
- - - - - - - - - - -
Nakaupo ngayon sa sofa si Harlem na nasa loob
ng kanyang condo unit. Tulala dahil hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa
isipan niya ang nangyari sa kanila ni Jericho.
Paulit-ulit na nagpe-play iyon sa utak niya
kahit na pilit niya iyong inaalis at kinakalimutan.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Iyon ang
dahilan kaya hindi siya nakapasok ngayon sa opisina. Dahil siguradong
matutulala lamang siya dahil sa kakaisip.
Speaking of opisina, naalala niya si Gian.
Pakiramdam niya, para rin siyang nagtaksil rito kahit wala naman silang
relasyon. Mahal siya nito at alam rin naman niya sa kanyang sarili na may
nararamdaman rito pero still, nagawa niya pa ring madala sa tukso ng dating
kasintahan.
Muli siyang napabuntong-hininga.
Pamaya-maya ay narinig niyang tumunog ang
cellphone niya na nakapatong sa may mesa sa gilid ng sofa. Kinuha niya iyon at
nakita niya mula sa screen na tumatawag si Gian. Sinagot niya iyon.
“Hello…”
“Bakit hindi ka pumasok? May sakit ka ba?” tanong
kaagad ni Gian. Halata sa boses nito ang pag-aalala kaya hindi nito maiwasang
hindi mapangiti.
“Wala
akong sakit… May inasikaso lang ako. Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam
na hindi papasok…” pagsisinungaling na sabi ni Harlem.
Napabuntong-hininga naman mula sa kabilang
linya si Gian.
“Mabuti naman at wala kang sakit… Ok lang na
hindi ka nakapagpaalam… Tapusin mo na lamang muna kung anong inaasikaso mo.”
Sabi ni Gian.
“Oo…
Salamat.” Sabi ni Harlem.
“Sige… Tatawag na lang ulit ako mamaya sa
break. Medyo marami rin kasi akong dapat gawin ngayon.” Sabi
ni Gian.
“Ok.” Sagot
ni Harlem.
“Bye…” sabi ni Gian. “I
love you.” Malambing na dugtong
pa na sabi nito.
Napapikit ng mga mata si Harlem. Ang sarap
pakinggan sa tenga ng sinabi nito. Tatlong salita na gustong-gusto na marinig
ng kahit sino.
“Bye
Gian.” Sabi ni Harlem. Ito na kaagad ang nagbaba ng tawag.
Napabuntong-hininga. Bakit parang ang hirap ngayon para sa kanya na sumagot sa
sinabi nito?
- -
- - - - - - - - -
“Wow!
Kakilig naman… I love you.” Pang-aasar na sabi ni Lance na nakarinig sa
usapan ng dalawa. Ginaya pa nito ang boses ni Gian sa pagsabi ng I love you.
Sinamaan naman siya nang tingin ni Gian pero
nakangiti..
“Tumigil
ka nga diyan.” Sabi nito.
Natawa lang si Lance.
“Anyway,
nagrespond ba siya sa I love you mo?” tanong ni Lance na ikinawala ng ngiti
ni Gian. Napansin iyon ni Lance.
“Mukhang
hindi… Pero di bale Pare… hindi rin magtatagal at magkakaroon na rin ng sagot
‘yang I love you mo.” Sabi ni Lance.
Napabuntong-hininga naman si Gian.
“Hindi
naman ako naghihintay na masagot niya kanina ‘yung I love you ko dahil hindi
naman siya tanong…”
“Pero umamin ka…
kahit hindi siya tanong… umasa ka na masasagot niya.” sabi
kaagad ni Lance.
Napaiwas na lamang nang tingin si Gian.
Napabuntong-hininga muli.
- -
- - - - - - - -
Muling napatingin si Harlem sa cellphone niya
dahil muli iyong tumunog. Akala niya si Gian muli ang tumatawag pero nangunot
ang kanyang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay niya nang makita mula sa
screen ng cellphone niya na may nagtext, isang unknown number. Binuksan niya
iyon at binasa.
“How’s
your day? I hope it’s fine… lalo na’t naging maganda at masarap ang nangyari sa
pagitan nating dalawa kaninang madaling araw.”
Biglang
kinabahan si Harlem. May hinala na siya kung sino ang nagtext dahil sa nabasa
niya. Ibig sabihin… alam din nito ang nangyari. Natural, pareho silang gumawa
kaya alam talaga nito. Hindi nga lang niya alam kung tunay nga bang lasing
talaga ito o sinadya lang nito ang lahat para may mangyari.
“Jericho…
Paano mo nalaman ang number ko? Lintik ka naman… Hindi mo na nga ako
tinitigilan sa utak ko… pati ba naman… Tsk!” naiinis na sabi ni Harlem
sabay lapag muli ng cellphone niya sa mesa. Napahiga siya ng upo sa sofa at
napapikit ng mga mata. Nalilito na siya at nagkakandahalo-halo na ang mga
nararamdaman niya.
-END OF CHAPTER 28-
#WhereDoBrokenHeartsGo?
CHAPTER 29
“May problema
ba?” tanong ni Gian sa kaharap na si Harlem.
Nakaupo ang mga ito sa pandalawahang mesa na nasa loob ng isang convenience
store. Kasalukuyang breaktime nila ngayon at dito nila naisipang kumain at
magpahinga.
“Ha?” pagtatakang
tanong ni Harlem kahit na narinig naman niya.
“Tulala
ka kasi diyan saka parang balisa ka kaya I thought… may problema ka.” Sabi
ni Gian.
Tipid na napangiti si Harlem. Napailing ito.
“Wala
ito… Masyado lang kasi akong nai-stress sa inaasikaso ko kahapon kaya ganito
ako ngayon.” Sabi ni Harlem.
Napatango naman si Gian.
“Gusto mo ba na tulungan kita sa inaasikaso
mo?” tanong nito.
Napailing si Harlem.
“Huwag na… ayoko ring makaabala pa sayo, saka
kayak o naman na iyon gawin ng mag-isa.”
Sabi nito na ikinatango na lamang ni Gian.
“Sige… Kumain na muna tayo.” Sabi ni
Gian.
Napatango naman si Harlem.
- - - - - - - - - - - - - -
Napakunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Harlem dahil
sa pagtataka. Nandito na kasi siya ngayon sa tapat ng pintuan ng condo unit
niya at nagtataka siya kung bakit bukas iyon. Bigla siyang kinabahan dahil baka
napasok na siya.
Kaagad
na pumasok si Harlem sa loob at nagulat siya dahil hindi magnanakaw ang nasa
loob ngayon kundi si… Jericho na prenteng-prenteng nakaupo sa sofa at
nakatingin na sa kanya. Ngiting-ngiti pa ito. Nakaramdam tuloy siya ng
bahagyang kaba.
“Welcome home Harlem.” Sabi nito.
Nawalan ng ekspresyon ang mukha ni Harlem.
“Anong ginagawa mo rito? Saka paano kang
nakapasok sa condo unit ko?” walang emosyong tanong nito.
Napangiti si Jericho.
“Nandito ako kasi nandito ka… Tungkol naman
sa pagpasok ko rito… Remember this?...” sabi nito saka tinaas ang kanang
kamay na may hawak na susi. “Duplicate
key na binigay mo sa akin noon na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tinatapon
kasi alam ko na magagamit ko pa rin ito. At tama nga ako… nagamit ko siya…”
“Umalis ka na.” sabi
kaagad ni Harlem na pumutol sa sinabi ni Jericho. Umiwas ito ang tingin.
Tumayo sa kinauupuan niya si Jericho. Dahan-dahang lumapit kay Harlem.
“Harlem…”
“Huwag kang lalapit.” Sabi
kaagad ni Harlem. Napahinto naman si Jericho.
Napabuntong-hininga si Harlem bago tumingin kay Jericho.
“Di ba sinabi ko na sayo na tigilan mo na
ako? Bata ka ba para paulit-ulit kitang pagsabihan?” may inis na sabi ni
Harlem.
Nakatitig lamang si Jericho kay Harlem.
“Jericho… Matagal na tayong tapos kaya wala
ka ng karapatan pa na magpunta pa rito at makipagkita pa sa akin…”
Harlem… Ramdam kong mahal mo pa rin ako
hanggang ngayon.” Sabi kaagad ni Jericho na
pumutol sa sinasabi ni Harlem. “Kaya
hindi ako titigil sayo dahil mahal rin kita… hindi pa tayo tapos dahil may
nararamdaman pa rin tayo para sa isa’t-isa. Huwag kang magsinungaling sa akin.
Naramdaman ko iyon nung last na may nangyari sa ating dalawa.” Sabi pa
nito.
Napaiwas nang tingin si Harlem. Ayaw niyang makita ni Jericho na sang-ayon
siya sa sinabi nito.
“Tungkol doon sa nangyari sa atin…
Kalimutan mo na…”
“Bakit ikaw ba? Nakalimutan mo na?” tanong
kaagad ni Jericho.
Natahimik si Harlem.
“Please Harlem… Magkabalikan na tayo… alam
ko na gusto mo rin iyon…”
“Hindi na.” sabi
kaagad ni Harlem na tumingin na kay Jericho. “Ayoko nang makipagbalikan pa sayo dahil alam mo kung bakit? Kasi ayoko
ng maulit ang pangtatarantado mo sa akin ng paulit-ulit… ayoko nang maging
tanga muli na patatawarin ka pero uulitin mo lang rin naman ang kasalanang
pinatawad ko. Jericho… tama na ang ilang beses… tama na.” sabi nito.
Natahimik si Jericho.
“Umalis ka na.” sabi ni Harlem.
Napabuntong-hininga ito.
“Mahal mo pa rin ako kaya hindi ako
titigil…”
“May iba na akong mahal Jericho.” Sabi
kaagad ni Harlem. “Marahil… sabihin na
nating may nararamdaman pa rin ako para sayo… pero hindi na ganun kabuo… hindi
na ganun kasolido dahil may isang tao na ngayon ang sumasakop na sa buong puso
ko… at habang dumadaan ang araw… mas nagiging mahal siya ng puso ko at ikaw…
unti-unti ka nang nawawala.” Sabi pa nito. Napailing-iling si Jericho. “Jericho… Hindi lahat ng bagay sa mundo…
permanente… pati na rin ang pagmamahal ko sa isang tao na matagal ring naging
bahagi ng buhay ko at ikaw iyon, dahil dumating rin iyong time na nawawala na
rin ang pagmamahal na iyon at napapalitan na ng pagmamahal ko sa iba. Sa taong
bagong nagpapasaya at nagbibigay kulay sa mundo ko.” sabi pa ni Harlem.
Totoo ang sinasabi niya.
“Kaya Jericho… iyong sinasabi mong
naramdaman mo na mahal pa kita nung may mangyari ulit sa ating dalawa… sa
tingin ko, hindi iyon pagmamahal kundi isa lamang tawag ng laman. Aaminin ko,
nasabik ako na muli kang makasalo sa isang mainit na tagpo… pero hindi ibig
sabihin nun ay mahal na mahal pa rin kita. Nadala lang ako.” Sabi pa nito.
“Hindi ‘yan totoo. Ramdam kong mahal mo pa
rin ako.” Sabi ni Jericho.
Napailing si Harlem. “Kung ‘yan
ang gusto mong isipin…” sabi nito saka tumalikod mula kay Jericho.
Pero
hindi pa man nakakalayo nang lakad si Harlem ay bigla na siyang hinawakan ni
Jericho sa kanang braso at hinila pabalik at paharap rito saka biglaang
hinalikan siya sa labi. Mapusok, nag-iinit ang halik ni Jericho na pilinipilit
naman ni Harlem na huwag tumugon. Pumipiglas pa nga siya.
At
nagtagumpay si Harlem sa pagpiglas niya dahil nakawala siya kay Jericho.
Naihiwalay niya ang labi niya rito. Hindi na siya nadala sa halik nito.
“Ano bang ginagawa mo ha? Sinabi ko na sayo
ang lahat kaya sana maintindihan mo. Tapos na ang sa atin at hindi na iyon
madudugtungan gaya ng gusto mo.” May diin na sabi ni Harlem.
Napakagat-labi si Jericho para mapigilan ang nagbabadyang pagtulo ng
luha. Ang sakit… masakit para sa kanya ang mga sinabi nito pero wala siyang
magawa kundi sisihin rin ang sarili dahil alam niya, kaya ayaw na nito sa kanya
kasi kasalanan niya.
“Kaya Please Jericho… Tigilan mo na ako at
umalis ka na.” sabi ni Harlem. Kahit papaano’y nakakaramdam siya ng awa at
sakit para kay Jericho pero nakapagpasya na siya, kahit na may nararamdaman pa
siya rito, hindi na niya pipiliing makipagbalikan pa rito dahil ayaw na niya.
Hindi
na nagsalita pa si Jericho. Tumalikod na ito mula kay Harlem at naglakad
palabas ng unit. Kailangan na niyang tanggapin na kahit anong gawin niya, wala
na… hindi na babalik sa kanya si Harlem at hindi na babalik sa dati ang lahat
sa kanila.
Naiwan
si Harlem na nakatayo pa ring nakasunod ang tingin sa kanya at
napabuntong-hininga.
“Patawarin mo ako Jericho… pero ayoko na
talagang makipagbalikan sayo.” Sabi nito sa sarili. Napapikit ng mga mata
at napabuntong-hininga. “Dahil kung
meron man akong gustong makasama ngayon at sa darating pang panahon… hindi na
ikaw iyon.” Sabi pa nito habang nakikita sa kanyang pagpikit ang imahe ng
mukha ng lalaking minamahal na niya ngayon.
-END
OF CHAPTER 29-
#WhereDoBrokenHeartsGo?
EPILOGUE…
Sabay na naglalakad
ngayon sa loob ng park sila Harlem at Gian. Dito nila naisipang pumunta
pagkatapos ng mahabang araw nang pagtatrabaho.
Nadarama ng kanilang mga balat ang malamig na simoy ng hangin.
Napakasarap malanghap nun dahil nasa syudad man ang nasabing park e masasabing
fresh pa rin ang hangin dahil maraming puno’t halaman sa paligid.
Napapatingin si Gian kay Harlem. Napapansin niya ang pagkakatulala nito
habang naglalakad. Napabuntong-hininga siya.
“May problema ba Harlem? Ilang araw ko nang
napapansin sayo na lagi kang natutulala at parang nababalisa.” Tanong at
sabi ni Gian. “Siguro naman pwede kong
malaman kung anong dahilan niyan… Pwede ba?” tanong pa nito.
Naputol ang pagkakatulala ni Harlem at napatingin kay Gian.
Napabuntong-hininga ito.
“Ang totoo… Si Jericho ang nasa isipan ko.”
sabi ni Harlem.
Napaiwas nang tingin si Gian. Nasaktan siya sa nalaman dahil siya ang
kasama nito pero iba ang nasa isipan.
“Bakit mo naman siya naiisip?” tanong
ni Gian. Kahit masakit, nagtatanong pa rin siya para malaman ang sagot.
Huminto sa paglalakad si Harlem. Napahinto rin
si Gian.
“Magpapakatotoo ako sayo Gian dahil ayokong
magsinungaling sayo.” Sabi ni Harlem. Tahimik lamang si Gian na nakatingin
kay Harlem at naghihintay ng sasabihin nito. Muling napabuntong-hininga si
Harlem. “May nangyari sa amin last week…
Isang pangyayari na hindi dapat nangyari pero nangyari na… Sa totoo lang...
bumalik ang lahat sa akin pagkatapos nun… Hindi ko iyon makalimutan kaya naman
kung napapansin mo… Lagi akong tulala at balisa.” Sabi pa nito.
Napatango si Gian.
“Pagkatapos nang nangyaring iyon… Nais ni
Jericho na makipagbalikan sa akin.” Sabi ni Harlem.
Napatango muli si Gian.
“So sasabihin mo ba sa akin na tigilan na
kita kasi makikipagbalikan ka na sa kanya?” malungkot na tanong ni Gian.
Hindi
nagsalita si Harlem. Nakatitig lamang siya kay Gian.
Napabuntong-hininga si Gian saka napatango.
“Naiintindihan ko… Masakit man sa akin pero
kailangang tanggapin. Nagmahal ako ng isang taong may mahal nang iba…”
“Mahal kita.” Sabi
kaagad ni Harlem na ikinahinto ni Gian sa pagsasalita. Nagulat siya sa sinabi
nito.
“A-Anong sinabi mo?” tanong ni Gian.
“Mahal kita.” Sabi muli ni Harlem. “Mahal na mahal na kita.” Sabi pa nito.
Unti-unting napangiti si Gian.
“Hindi ko na ninais na makipagbalikan sa
kanya dahil bukod sa ayoko na talaga… may narealize ako pagkatapos ng lahat ng
nangyari sa pagitan naming dalawa nitong nakaraang linggo… na malaki na ang
nasakop mo sa puso ko. Na ikaw na ang mas mahal nito… na ikaw na ang
hinahanap-hanap at nagpapasaya sa kanya.” Sabi nito habang tinuturo ang
dibdib, sa tapat kung nasaan ang puso.
Mas
lalong napangiti si Gian.
“Mahal na mahal na kita Gian… at alam ko sa
sarili kong ikaw na ang para sa akin dahil iyon ang itinuturo ng aking puso.” Sabi
pa ni Harlem.
Kaagad na niyakap ni Gian nang sobrang higpit si Harlem. Sobrang saya ng
pakiramdam niya. Parang sasabog sa saya ang puso niya.
“Akala ko matagal pa akong maghihintay na
mahalin mo rin ako.” Sabi nito.
Gumanti nang yakap si Harlem. Napangiti.
Saksi
ang buwan at mga bituin ngayon sa kasiyahang kanilang nararamdaman.
Alam
nila na marami pang mangyayari… lalo na at mapupunta na sa mas malalim na
ugnayan ang kanilang samahan. May mga pangyayaring magaganap na magpapasaya at
magpapalungkot na kanilang pagsasaluhan dahil ngayon… mahal na nila ang
isa’t-isa.
Salamat at ang kanilang mga sugatang puso noon… ay napaghilom na… ng
isa’t-isa.
-THE
END-