#Untrue
CHAPTER 51
Pumasok sa loob ng bahay ni Riley
sila David at Maxwell. May mga dala silang bagpack kung saan nakalagay sa mga
iyon ang ilan nilang mga gamit na kailangang-kailangan.
“Pansamantala... dito na muna kayo manatili sa bahay ko habang inaayos
ang bahay mo Maxwell.” Sabi ni Riley. Nagpunta kasi ito sa clinic at doon
niya nalaman ang mga nangyari at pansamantalang pagtira sana nila David at
Maxwell doon pero pinigilan niya dahil na rin sa isa iyong clinic, siguradong
hindi magiging komportable ang dalawa kung doon pansamantalang mananatili.
Napatango-tango naman si David
at Maxwell.
“Salamat.” Sabi ni Maxwell.
Napangiti naman nang tipid si
David. Nililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay ni Riley. Hindi kalakihan at
walang second floor pero maayos naman.
“Pasensya kung maliit itong bahay ko.” Sabi ni Riley dahil nakita
niyang nililibot ni David ng tingin ang bahay niya.
“Ok lang.” Sabi ni David.
“Bale... may isa pa akong kwarto dito, doon na lang kayong dalawa muna
manatili.” Sabi ni Riley.
Napatango-tango naman sila
David at Maxwell.
“Maupo na muna kayo... ikukuha ko lang kayo ng maiinom.” Sabi ni
Riley.
“Sige.” Sabi ni Maxwell.
Tinalikuran na ni Riley si
David at Maxwell at nagpunta sa kusina. Nilapag naman ng dalawa ang mga dala
nilang bagpack sa sahig at naupo sa mahabang sofa na malapit lang sa kanila.
“Mabuti na lang at pinatuloy tayo dito ni Riley... sa totoo lang may pag-aalangan
rin akong manatili doon sa clinic.” Sabi ni Maxwell.
“Oo nga e... pakiramdam ko rin hindi tama na doon tayo tumira...
siguradong matitigil ang trabaho ninyo kung nagkataon.” Sabi ni David.
Napatango-tango si Maxwell.
Mabuti na lang din at hindi ginulo ang clinic niya dahil kung nagkataon, dagdag
problema rin iyon sa kanya.
“Oo nga pala... ok na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Maxwell.
Napatingin si David kay
Maxwell. Napangiti ito ng tipid saka tumango.
“Ako nga ang dapat nagtatanong sa iyon ngayon kung ayos ba ang
pakiramdam mo pagkatapos ng nangyari doon sa bahay.” Sabi ni David.
Napangiti si Maxwell.
“Ok lang iyon.” Sabi ni Maxwell. “At least walang nangyaring hindi maganda sa atin.” Sabi pa nito.
Napatango-tango si David.
Naputol ang usapan ng dalawa ng
dumating na si Riley bitbit ang isang tray na naglalaman ng tatlong baso ng
orange juice. Nilapag niya iyon sa gitnang mesa.
“Naubusan ako ng cookies at biscuit kaya ‘yan na muna.” Sabi ni
Riley.
“Ok na ‘yan.” Sabi ni Maxwell na kaagad kinuha ang isang baso at
uminom.
Napangiti naman ng tipid si
Riley. Naupo ito sa single sofa na katabi lamang ng inuupuan nila David at
Maxwell.
“May mga nakuha bang mahahalagang gamit sa inyo?” tanong ni Riley.
Muling nilapag ni Maxwell sa
tray ang baso ng orange juice na naubos niya.
“Wala.” Sabi ni Maxwell.
“Sigurado ka?” tanong ni Riley.
Napatango-tango si Maxwell.
“Ibig sabihin... panggugulo lang talaga ang pakay niya... pero pa iyon
sigurado.” Sabi ni Riley. Napabuntong-hininga ito. “Ito na ba ang sinasabi ko... sigurado na hindi pa doon natatapos ang
lahat.” Sabi pa nito.
“Handa naman kami sa mga posible pang mangyari.” Sabi ni Maxwell.
Si David naman, tahimik lang.
“Gaano kayo kahanda?” tanong ni Riley. “Kung ‘yung ginawa nga niya ngayon... nagulat kayo, paano pa kaya sa
susunod na siguradong mas matindi?” tanong pa nito.
Napabuntong-hininga si Maxwell.
“Ang bawat bagay at pangyayari ay may sanhi at bunga... at ang mga
nangyayari ngayon ay bunga ng mga sanhi na ginagawa ninyo.” Sabi ni Riley.
Napayuko si David.
Napabuntong-hininga ito. Kung tutuusin, siya ang puno’t-dulo ng lahat, siya ang
sanhi ng mga hindi magagandang bunga na nangyayari ngayon.
“Sa ngayon ay magpahinga na muna kayo. Bukas na tayo muli mag-usap.” Sabi
ni Riley.
- - - - - - - - - - - - - - -
- - - - -
Nasa loob na ng kwarto sila
David at Maxwell. Magkatabing nakahiga sa iisang kama na hindi kalakihan pero
kasya ang dalawang katawan. Parehas na nakatitig ang mga mata sa kisame. Halata
sa kanila ang malalim na pag-iisip.
“Gising ka pa?” biglang nagsalita si Maxwell.
“Oo.” Sagot naman ni David. Hindi naaalis ang tingin sa kisame gaya
ni Maxwell.
Tipid na napangiti si Maxwell.
“Alam mo... masaya pa rin ako sa kabila ng mga nangyayari.” Sabi
nito.
Napatingin si David kay
Maxwell.
“Kasama kasi kita... pakiramdam ko, makakaya ko ang lahat basta ba nasa
tabi lang kita.” Sabi ni Maxwell.
Tipid na napangiti si David. Sa
totoo lang, iyon rin ang nararamdaman niya pero may bahagi sa kanya na sinisisi
rin niya ang kanyang sarili kung bakit nangyayari ang mga ito at kung siya
lalayo, tiyak na mapapahamak ang mga taong nasa paligid niya, tiyak na
madadamay sa gulo niya si Maxwell.
Napatingin si Maxwell kay
David. Napangiti ito nang makitang nakatingin sa kanya si David.
Tumagilid ng higa si Maxwell.
Tinaas niya ang kaliwang kamay at hinaplos ang pisngi sa mukha ni David.
“Mahal na mahal kita.” Sabi ni Maxwell.
Napangiti si David.
“Mahal na mahal kita.” Pag-uulit ni Maxwell.
Tumagilid ng higa si David,
umusog para ilapit ang sarili kay Maxwell. Niyakap niya ito at ipinikit ang mga
mata saka nilagay ang mukha sa parteng dibdib nito. Naririnig niya ang malakas
at mabilis na tibok ng puso nito na ikinapayapa ng kanyang kalooban.
Napangiti lalo si Maxwell.
Niyakap na rin niya si David. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito at nanatili
ang labi doon. Ipinikit ang mga mata.
Sa posisyong iyon, payapang
nakatulog ang dalawa bago pa sumapit ang madaling araw.
#Untrue
CHAPTER 52
Gising na ang diwa ni Maxwell pero
nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Naginat-inat siya sa ibabaw ng kama at
kinakapa niya rin ito para mahawakan si David.
Dahan-dahang idinilat ni
Maxwell ang kanyang mga mata. Sa naningkit na mga mata ay tiningnan niya ang
kabilang side ng kama. Kaya pala wala siyang makapa ay dahil siya na lamang ang
nakahiga ngayon sa kama at wala na sa tabi niya si David.
Napabuntong-hininga si Maxwell
saka dahan-dahang bumangon. Umupo ito sa kama. Kinusot-kusot ang mga mata para
maging malinaw ang tingin.
Tiningnan ni Maxwell ang
bintana. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. Napangiti siya dahil sa ganda ng
umaga.
Umalis ng kama si Maxwell.
Naglakad patungo sa bintana pero napahinto siya dahil nahagip ng kanyang mga
mata ang side table kung saan may nakapatong na isang nakatiklop na papel.
Nangunot ang noo ni Maxwell pero ang hindi niya maintindihan ay bigla siyang
kinabahan sa hindi malamang kadahilanan.
Huminga ng malalim si Maxwell.
Out of curiosity ay dahan-dahan siyang naglakad palapit sa mesa. Kinuha sa
ibabaw ang nakatiklop na papel.
Sinipat niya iyon nang tingin.
Pamaya-maya ay umupo sa gilid ng kama si Maxwell at dahan-dahang binulatlat ang
nakatiklop na papel.
Isang liham...
Maxwell,
Marahil
gising ka na at wala na ako sa tabi mo kapag nabasa ang sulat kong ito. Sinadya
kong iwanan ka nang natutulog pa at lihim na magpaalam sayo para hindi na
masakit para sa ating dalawa ang paghihiwalay.
Gustuhin
ko mang manatili sa tabi mo ngunit kung ipagpipilitan ko pa ang aking
kagustuhan... tiyak na ang kaligtasan ng iyong buhay ang magiging kapalit... at
ayokong may mangyaring hindi maganda sayo ng dahil sa akin.
Patuloy na binabasa ni Maxwell
ang sulat. May mga bakas ng luha ang bawat parte ng papel.
Patawad
kung napako ang pangako kong manatili pa sa tabi mo... alam kong pagiging
makasarili itong ginawa ko pero kung ang kaligtasan mo ang kapalit... mas
pipiliin kong maging makasarili kaysa sa mapahamak ka ng dahil sa akin sa huli.
Habang nasa tabi mo ako, siguradong hindi siya titigil at mas nanaisin ko pang
buhay ko na lang ang guluhin niya at hindi ang sayo dahil isa kang mabuting tao
at hindi mo hangad ang ganung klaseng trato.
Maraming
salamat sa lahat. Utang ko sayo ang buhay ko. Ang pagmamahal mo ang siyang
naging lakas ko. Ang mga alaala nating dalawa ang aking babauunin sa aking
paglisan at titiyaking hindi malilimutan.
Hindi kita
iniwan dahil sa gusto ko... iniwan kita dahil iyon ang makakabuti para sayo.
Masakit sa akin ngunit mas pipiliin kong tiisin ito kaysa manatili ako sa tabi
mo habang nagbabadya ang kapahamakang ako ang dulot.
Paalam
muna sa ngayon Maxwell... kung sakaling tayo’y muling magtagpo, sana maayos na
ang lahat... ‘yung hindi na kailangang maulit ang ganito.
Mahal kita
Maxwell... pero kailangan muna kitang iwan at harapin ang lahat ng nag-iisa.
David
Kaagad na pinunasan ni Maxwell
ang mga tumulong luha mula sa kanyang mga mata. Mabilis na tumayo at lumabas ng
kwarto. Naabutan niya sa kusina si Riley na nagulat sa kanyang ayos nang
mapatingin ito sa kanya.
“O... Anong nangyari sayo? Namumugto ang mga mata mo...”
“Si David? Nakita
mo ba siyang lumabas dito?” tanong kaagad ni Maxwell.
Nangunot ang noo ni Riley.
“Ha? Kayo ang magkasama di ba?” tanong nito.
Tinaas ni Maxwell ang hawak na
papel.
“Umalis siya.” Nanghihinang sabi nito na ikinalaki ng mga mata ni
Riley.
“Ano? Umalis siya?” gulat na tanong ni Riley.
Hindi na nakapagsalita si
Maxwell. Napahawak ito sa mesang malapit sa kanya dahil pakiramdam niya ay
babagsak siya dahil sa matinding panghihina ng tuhod. Kitang-kita sa mukha nito
ang sakit.
“Hindi ito totoo... hindi niya ako pwedeng iwan... nangako kami sa
isa’t-isa na walang iwanan...” sabi ni Maxwell.
Awang-awa naman si Riley habang
nakatingin kay Maxwell lalo na nung tumulong muli ang mga luha nito. Mula nang
mawala si Gavin, ngayon na lamang muli niya nakita si Maxwell na ganito
kamiserable at gaya ng dati, hindi naman niya alam kung ano ang gagawin para
mapagaan ang kalooban nito.
- - - - - - - - - - - - - - - -
- - - -
Sakay ng bus na kasalukuyang
binabaybay ang kalsada. Nakaupo sa bandang dulo, kaliwa katabi ng bintana si
David. Nakatingin ang mga matang lumuluha sa labas. Walang dala kundi ang
sarili, ang mga damit na suot, ang natirang pera sa kanyang wallet at ang sugatang
puso.
Hindi niya alam kung saan
hahantong ang sakit na nararamdaman niyang ito gaya ng hindi niya pagkaalam
kung saan tutungo ang bus na kanyang sinakyan. Basta-basta na lang kasi siya
sumakay at hindi na rin niya inalam kung saan ito papunta. Sinabi na lamang
niya sa konduktor na sa pinakahuling ruta siya ibaba.
‘Hindi
ko inaasahan sa pagtakas ko mula kay Bertrant ay matatagpuan ko ang isang gaya
mo Maxwell at ang pag-ibig na matagal ko na ring gustong maramdaman... at
ngayon ay muli na naman akong tumakas dala ang sakit at pagmamahal na wala ng
kasiguraduhan kung madudugtungan at matutumbasan pa.’ Sa isip ni David. ‘Patawarin
mo ako... marahil duwag nga ako gaya ng naunang sinabi mo sa akin noon... pero
ngayon, hindi dahil kay Bertrant kaya ako naduduwag kundi dahil sayo... dahil
sayo na ayokong mapahamak ng dahil sa akin... ayokong madamay ka sa gulong
meron ako.’ Sabi pa nito sa isipan.
Suminghot-singhot si David.
Pinunasan ang mga luhang wala na yatang tigil sa pagtulo.
‘Patawarin
mo ako.’ Sa isip ni David
pagkatapos ay napatakip ito ng palad sa mukha at doon humagulgol. Hindi
alintana na napapatingin na sa kanya ang mga pasaherong kasama niya sa loob ng
bus lalo na ang katabi niyang matandang babae.
“Ok ka lang ba iho?” tanong ng matanda.
Patuloy pa rin sa paghagulgol si
David. Hindi niya pinansin ang matanda.
Nakaramdam naman ng awa ang
matandang babae. Sa kanyang pakiwari ay mabigat ang pinagdadaanan ng binata.
Naramdaman na lamang ni David
na may humaplos sa kanyang likod. Bahagya siyang tumigil sa paghagulgol at mula
sa palad, sinilip niya ang katabi niyang matanda na nakatingin sa kanya habang
hinahaplos ang kanyang likod.
“Kung ano man ‘yan iho... siguradong malalagpasan mo rin. Walang
ibinibigay na pagsubok ang Diyos na hindi natin kakayanin.” Sabi ng
matanda.
Pinilit na tumigil ni David sa
pag-iyak. Kinuha ang panyo mula sa bulsa at pinunas iyon sa buong mukha niya
saka tiningnan ang matandang babae.
“Salamat ho.” Sabi ni David.
Napangiti nang tipid ang
matanda.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Napapangisi si Bertrant habang
nakaupo ito sa kanyang swivel chair at tinitingnan ang mga hawak na papel.
“Sinasabi ko na nga ba... tama na noon pa ang kutob ko.” Sabi ni
Bertrant sa sarili. “Ipinabago mo ang
mukha mo para hindi kita makilala... Tsk!” sabi pa nito.
Kumuyom ang magkabilang kamao
ni Bertrant. Nalukot ang papel na hawak.
“Ngayon... oras na para ibalik ka sa akin at pagbayaran ang lahat.” Sabi
nito. Nanlilisik ang mga matang nakatingin lamang sa isang direksyon dito sa
loob ng kanyang opisina.
#Untrue
CHAPTER 53
Hindi mapakali si Maxwell.
Pabalik-balik siya ng lakad habang tinatawagan niya ang cellphone ni David. Mas
lalo pa siyang nag-aalala dahil ring lamang ng ring ang cellphone nito at hindi
sinasagot.
Nilapitan naman siya ni Riley.
Napahinto sa paglalakad si Maxwell nang makita niya ang hawak na cellphone ni
Riley na kasalukuyang nagriring. Sa puntong iyon ay mas lalong nakaramdam ng
kawalang pag-asa si Maxwell dahil ang hawak na cellphone ni Riley ay ang gamit
ni David. sa madaling salita, iniwan nito ang cellphone dito sa bahay.
Nanghihinang itinigil ni
Maxwell ang pagtawag at inalis ang cellphone mula sa tapat ng tenga niya.
Napaupo ito sa mahabang sofa na malapit lang sa kanya.
“Nakita ko itong cellphone na
nakapatong sa tokador.” Sabi ni Riley.
Napapikit ng mga mata si
Maxwell. Napahilamos ng mukha gamit ang magkabilang palad.
Pamaya-maya ay biglang tumayo
si Maxwell. Nagmamadaling maglakad papunta sa kwarto.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Riley.
Napatigil sa paglalakad si
Maxwell. Tiningnan nito si Riley.
“Hahanapin ko siya.” Sabi ni Maxwell na ikinagulat ni Riley.
“Pero Maxwell... hindi nga natin alam kung nasaan siya...”
“Kailangan ko
siyang hanapin.” Sabi kaagad ni Maxwell. “Hindi
ako matatahimik dito.” Sabi pa nito.
“Pero...”
“Kahit nasa impyerno
pa siya... hahanapin ko siya doon at isasama ko pabalik.” Sabi kaagad ni
Maxwell at kaagad nang tinalikuran si Riley at pumasok sa kwarto para magbihis.
Napailing-iling na lamang si
Riley.
Pamaya-maya ay kaagad na ring
lumabas si Maxwell sa kwarto. Mabilis lamang itong nagbihis ng polo at
pantalon. Hindi na ito nag-abalang magsapatos pa sa halip ay tsinelas na lamang
ang isinuot.
“Babalik ako kaagad...”
“Pero Maxwell...”
“Sigurado na hindi
pa siya nakakalayo... dito ka muna.” Sabi kaagad ni Maxwell at
nagmamadali na itong lumabas.
Naiwan si Riley na labis ang
pag-aalala.
- - - - - - - - - - - -- - - - - -
Lagpas limang oras nawala si
Maxwell bago ito bumalik sa bahay. Laglag ang magkabilang balikat.
Sinalubong naman siya ni Riley.
“Anong nangyari?” tanong nito. Alam na niyang hindi nahanap ni
Maxwell si David dahil ito kasama.
Napatingin ang malulungkot na
mga mata ni Maxwell kay Riley. Napailing-iling lamang ito saka tuluyang pumasok
sa loob ng bahay.
Nakasunod naman ang tingin ni
Riley sa bigong si Maxwell.
- - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - -
Nakaupo ng pa-indian sit habang
tinitingnan ni David ang malawak na dagat. Amoy niya ang samyo nito at ramdam
niya ang pinong buhangin na banayad sa kamay at may kalamigang hanging
dumadampi sa kanyang balat.
Napangiti ng tipid si David.
Gusto niya ang nakikita ng kanyang mga mata ngayon, ang papalubog na araw na
ang sinag ay nagre-reflect sa tubig ng dagat. Napakaganda sa paningin at
pakiramdam niya, kahit papaano ay nalilimutan niya ang krisis na kinakaharap
niya ngayon.
Hindi pa rin alam ni David kung
saan siya nakarating. Pakiramdam nga niya ay nasa dulo na siya ng Pilipinas.
Walang katao-tao liban lang sa kanya pero may mga nakita siyang bangka sa
paligid na tiyak ginagamit ng mga taong naninirahan dito para sa hanapbuhay.
Hanggang ngayon ay wala pa
siyang konkretong plano kung paano mabubuhay. Ang gusto lamang niya ay lumayo.
Ayaw na niyang matagpuan pa ni Bertrant at ayaw rin niyang madamay pa si
Maxwell kaya mas pinili na lamang niya ang ganitong pagpapasya.
Tiningnan ni David ang paligid.
Sa bandang dulo ay may mga nakikita siyang bahay na gawa sa kahoy. Ilan lamang
iyon kaya marahil ay tahimik din dahil konti lamang ang naninirahan dito.
Napabuntong-hininga si David.
Muling tumingin sa dagat.
‘Kumusta
na kaya siya?’ tanong ni David sa
sarili. Ayaw niyang isipin na baka hinahanap na siya nito ngunit sigurado
siyang oo. Ayaw lamang niyang mag-alala pa. Nakapagpasya na siya at hindi na
iyon mababago pa.
Napabuntong-hininga na lamang
si David.
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
“Handa na ang pagkain... tara na at kumain na tayo.” Sabi ni Riley
nang nilapitan niya ang tulalang si Maxwell na nakaupo sa mahabang sofa.
“Ayoko.” Walang emosyong sabi ni Maxwell na kahit tapunan man lang
nang tingin ay hindi nito nagawa kay Riley. Nakatingin lamang ito sa iisang
direksyon.
“Pero Maxwell...”
“Wala akong
gana... ikaw na lang.” Sabi kaagad ni Maxwell.
Napabuntong-hininga si Riley.
Kung titingnan niya si Maxwell, para itong namatayan. Bumalik sa kanya ‘yung
mga panahong nawala si Gavin, ganitong-ganito rin ito. Hindi makausap ng
maayos, walang gana sa pagkain, laging tulala.
“Sige... kapag nagutom ka, may mga pagkain sa kusina. Kumain ka lang.” Sabi
ni Riley.
Walang nakuhang sagot si Riley
mula kay Maxwell. Napailing-iling na lamang ito. Nag-aalala man siya pero wala
naman siyang magawa para rito.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Nakatayo sa pintuan si Maxwell
habang nakatingin ng diretso kay Bertrant na nasa harapan niya. Nasa likod
naman ni Bertrant ang mga tauhan nitong hindi lalagpas sa sampu ang bilang at
nakatayo sa kanya-kanyang pwesto at binabantayan ang amo.
Nasa tabi naman ni Maxwell si
Riley na bukod sa nag-aalala sa una ay nag-iisip rin kung bakit biglang
nagpunta dito si Bertrant. Nagtataka sa kung ano na naman ang kailangan nito.
Napangisi si Bertrant. Diretso
itong nakatingin kay Maxwell.
“Long time no see.” Sabi nito.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Maxwell. Walang emosyon.
Mas lalong napangisi si
Bertrant.
“Nabalitaan ko ang nangyari sa bahay mo... wala kayo doon kaya
nagtanong-tanong ako sa mga kapitbahay mo at iyon, dinala nila ako dito.” Sabi
ni Bertrant. “Tungkol naman sa kung
bakit ako nandito... may kailangan kasi akong kunin sayo... hindi mo kasi
binabalik.” Sabi pa nito.
Kumuyom ang magkabilang kamao
ni Maxwell. Diretso pa rin ang tingin kay Bertrant.
Nakita naman ni Bertrant ang
pagkuyom ng kamao ni Maxwell. Ngumiting demonyo ito.
“Hindi ako nagpunta dito para manggulo... binabawi ko lang kung ano ang
pagmamay-ari ko pero kung magmamatigas ka siguradong may gulong magaganap.” Sabi
ni Bertrant.
Lalong dumiin ang pagkuyom ng
magkabilang kamao ni Maxwell. Naging galit ang tingin nito kay Bertrant.
“Ibalik mo na sa akin ang asawa ko.” Sabi nito.
“HAYOP KA!” nanggigil sa galit si Maxwell na kaagad niyang sinugod
si Bertrant at bubugbugin na sana ngunit...
“MAXWELL!” sigaw ni Riley na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa
mga tauhan ni Bertrant. Gulat na gulat sa pwede nilang gawin kay Maxwell.
Napatigil si Bertrant.
Tiningnan niya ang mga tauhan ni Bertrant. Nakaposisyon at nakatutok sa kanya
ang mga baril na hawak ng mga ito.
Napangisi si Bertrant.
“Sinabi ko sayo na hindi ako manggugulo pero iyon yata ang gusto mo.” sabi
nito.
Nanlilisik ang mga mata ni
Maxwell na tiningnan si Bertrant.
“Gago ka.” Nanggigil sa galit na bulong nito.
Natawa si Bertrant.
“Sino kaya sa atin ang mas gago?” tanong nito. “Ako ba na kinukuha lang kung ano ang pagmamay-ari ko o ikaw na
nang-aakin ng hindi sayo?” tanong pa nito.
Galit na galit pa rin ang
tingin ni Maxwell.
“George... akin na ang mga papel.” Pagtawag ni Bertrant sa isa sa
mga tauhan niya.
Kaagad namang lumapit sa kanya
ang tauhan na si George.
“Ito ho Mr. President.” Sabi nito saka inabot ang pinapakuha nito.
Kinuha naman iyon ni Bertrant
ng hindi inaalis ang tingin kay Maxwell. Napangisi ito. Bumalik naman sa
kanyang pwesto si George.
“Nakikita mo ba itong mga papel na ito?” tanong ni Bertrant.
Napatingin doon si Maxwell.
Ngumiting demonyo si Bertrant.
“Ito ang nagpapatunay na ang inaangkin mong asawa ay asawa ko.” Sabi
nito.
Napatingin muli ang mga mata ni
Maxwell kay Bertrant. Halata ang gulat.
Nanlalaki naman ang mga mata ni
Riley dahil sa gulat sa narinig.
“DNA test na magpapatunay na ang asawa mo ay ang asawa ko... na ang
inaangkin mo ay ang pagmamay-ari ko.” Sabi ni Bertrant. Napangiting
tagumpay.
Diretsong nakatingin si Maxwell
kay Bertrant. Nanggigil sa galit.
“Hindi ito peke... ‘yung gulo sa bahay mo... mga tauhan ko ang may
gawa. Ang mga personal na ginagamit niya, pinasuri ko at lumabas na tama nga
ang mga kutob ko noon pa.” Sabi ni Bertrant.
Mas lalong kumuyom ang
magkabilang kamao ni Maxwell.
“Kaya sa ayaw at sa gusto mo... kukunin ko ang asawa ko at ibibigay mo
siya sa akin dahil iyon ang gusto ko.” Sabi ni Bertrant.
“Wala na dito ang asawa mo.”
Kaagad na napatingin si
Bertrant kay Riley. Nangunot ang noo nito.
“Anong sinabi mo?” pagtatakang tanong ni Bertrant.
“Umalis na siya... kaya hindi mo na siya makukuha sa amin.” Sabi ni
Riley.
Namuo ang galit kay Bertrant.
Hinarap niya ang mga tauhan niya.
“Hanapin niyo siya! HANAPIN NIYO SIYA!” malakas na sigaw ni
Bertrant.
Kaagad namang tumalima sa utos
ni Bertrant ang mga tauhan nito. Ang iba ay naghanap sa paligid at ang iba ay
pumasok sa loob ng bahay ni Riley na hinayaan naman ng huli.
“Mr. President... wala na nga siya...”
“ANONG WALA!
HANAPIN NINYO!!!!!” malakas na sigaw ni Bertrant. Kaagad nitong tiningnan si Maxwell at
Riley. “Nasaan ang asawa ko? Saan siya
nagpunta?” magkasunod na tanong nito.
Napailing-iling si Riley.
“Hindi namin alam... basta bigla na lang siyang umalis...”
“Hindi pwede!
HINDI PWEDE!!!!!” malakas na sigaw kaagad ni Bertrant na halos bumingin kay Riley. “ARRRRGGGGGHHHHHHHHH!” nanggigigil sa
galit at frustration si Bertrant.
Masama naman ang tingin ni
Maxwell kay Bertrant. Sa totoo lang, ito ang sinisisi niya sa biglaang pag-alis
ni David.
#Untrue
CHAPTER 54
“Nakita niyo ba dito ang taong ito?” tanong ni Maxwell
sa nilapitan niyang matandang lalaki. “Mas
maliit lang sa akin ng konti, mestiso, magandang lalaki.” Sabi pa nito
habang pinapakita ang litrato ni David na nasa cellphone nito.
Tiningnan naman ng matanda ang
litrato ni David. Nangunot ang noo pagkatapos ay tiningnan muli si Maxwell saka
umiling-iling.
“Hindi iho... pasensya na.”
“Salamat ho.” Sabi na lamang ni
Maxwell saka lumayo na sa matanda.
Isang binata naman ang nakita
at nilapitan niya. Kagaya ng naging tanong at sinabi niya sa matanda ang naging
tanong at mga salita niya rito at pinakita rin ang picture ni David na mukha ni
Gavin ang nakikita.
“Hindi ko siya nakita.” Sabi ng binata.
Napatango-tango na lamang si
Maxwell saka nagpasalamat. Lumayo na rin siya dito.
Nakita ni Maxwell si Riley na
kanina niya pa kasama at tumutulong sa kanya na magtanong-tanong sa mga tao
dito. Lumapit naman si Riley kay Maxwell.
“Ano? Nakita ba nila dito si David?” tanong ni Maxwell kay Riley.
Napailing-iling si Riley.
“Hindi din nakita ng mga napagtanungan ko si David dito.” Sabi
nito.
Napabuntong-hininga naman si
Maxwell.
“Baka hindi dito sa bus terminal na ito sumakay si David.” sabi ni
Riley.
“Siguro nga.” Sabi ni Maxwell. Kanina pa kasi sila dito at halos
lahat ng taong nandirito ay napagtanungan na nila. Kahit ang mga driver at
konduktor ng bus ay natanong na rin nila ngunit wala kahit isa sa mga ito ang
nakapagsabi na nakita nila dito si David.
“Doon sa kabila... tiyak na may makakakilala sa kanya doon dahil ito at
ang bus terminal na iyon lang ang meron dito sa lugar natin.” Sabi ni
Riley.
Napatango-tango si Maxwell.
“Sige puntahan natin.” Sabi nito. ‘Hindi pwedeng maunahan ako ni
Bertrant sa paghahanap sa kanya.’ Sabi pa nito sa isipan. Naalala niya
ang mga huling sinabi nito bago umalis sa teritoryo niya.
“Sa
oras na malaman ko na itinatago mo lang siya... titiyakin ko sayong
pagbabayarin din kita kasama niya... tandaan mo, nahanap ko siya sayo kaya
hindi malayong mahanap ko siya ulit.”
Napabuntong-hininga si Maxwell.
“Tara na.” Sabi ni Riley.
“Sige.” Sabi ni Maxwell at sabay ng umalis ang dalawa sa bus
terminal na iyon para puntahan naman ang isa.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Bakas sa mukha ni David ang
pagod. Hindi na niya nabilang kung ilang oras siyang nagpalakad-lakad hanggang
sa makarating siya dito sa lugar na ito.
Huminto sa paglalakad si David.
Nilibot ang tingin sa lugar na napuntahan ng kanyang mga paa. Tipid siyang
napangiti.
Nasa gilid siya ng kalsada.
Malapit sa kinaroroonan niya ay nakikita naman niya ang plaza. Meron din siyang
nakitang mga kainan dito. Sa kanyang palagay, ito ang bayan ng lugar na ito
kung saan ang sentro ng komersyo at puntahan ng mga taong nakatira dito.
Napahawak si David sa kanyang
tiyan. Bukod sa narinig niya ay naramdaman din niya ang pagkulo nun.
“Gutom na ako.” Sabi nito sa sarili. Napabuntong-hininga.
Inalis niya ang pagkakahawak sa
kanyang tiyan at kinuha ang wallet niya. Tiningnan ang nilalamang pera.
“Mag-iisang kanin na lang ako at kalahating ulam. Iinom na lang ako ng
maraming tubig para mas mabusog.” Sabi ni David sa sarili. Kung dadamihan
niya kasi ang pagkain, tiyak na mauubos ang konting pera niya na nasa kanyang
wallet.
Muling naglakad si David at
nagtungo sa isa sa mga kainang nakita niya. Napangiti siya ng tipid dahil
naalala niya ang minsang kumain sila ni Maxwell sa ganitong klaseng kainan. Gawa
din kasi sa kubo ang kainan, mas maliit nga lamang ito kumpara sa kinainan nila
ni Maxwell.
Napabuntong-hininga si David.
Pumunta na lamang siya sa counter para umorder ng kakainin niya.
- - - - - - - - - - - - - -
- - -
“Sigurado kayo Manong? Nakita niyo siya?” nabuhayan ng pag-asa si
Maxwell habang kausap ang isa sa mga driver ng bus sa pangalawang bus terminal
na pinuntahan nila ni Riley matapos ang ilan pang pagtanong-tanong sa mga taong
nandirito.
“Oo... Kamukha niya ‘yung nasa litratong pinakita mo.” sabi ni
Manong. “Mukha lang akong matanda pero
matalas pa ang isip ko at matandain pa ako sa itsura ng mukha.” Sabi pa
nito.
Napangiti si Maxwell.
“Sa inyo siya talaga sumakay?” tanong ni Maxwell.
“Oo iho...”
“Saan siya
nagpababa?” tanong kaagad ni Maxwell.
“Sa pinakahuling ruta ko. ‘Yun nga lang hindi ko na alam kung saan ang
eksaktong kinaroroonan niya dahil tiyak pumunta na iyon sa sadya niyang lugar
doon.” Sabi ni Manong.
“Ok lang... pwede bang pakisabi sa akin ang ruta niyo para kaagad ko
siyang mapuntahan?” tanong ni Maxwell.
“Oo ba.” Sabi ni Manong.
Palapit naman si Riley kay
Maxwell. Nagtanong-tanong din ito sa mga taong nandito sa bus terminal na ito.
“O anong balita?” tanong ni Riley nang makalapit siya.
Napatingin naman si Maxwell kay
Riley. Nakangiti ito.
“Malalaman na natin kung nasaan siya.” Sabi nito.
Hindi rin napigilang mapangiti
ni Riley. Sa wakas.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Matapos kumain ay muling
naglakad-lakad si David. Malalim na ang gabi kaya medyo nag-aalala na rin siya
sa sarili niyang kaligtasan lalo na at dayo lamang siya sa lugar na ito.
Nadaanan ni David ang isang
simbahan. Halatang libong taon na ang edad dahil sa mala-antigong arkitektura
nito pero kakikitaan pa rin ng ganda.
Napangiti nang tipid si David.
“Ang tagal ko na rin palang hindi pumapasok sa simbahan.” Sabi nito
sa sarili. Napabuntong-hininga.
Dahan-dahan siyang naglakad
papunta sa harapan ng simbahan. Nang makarating ay tumayo siya sa tapat ng
nakasarado ng pintuan. Nag-sign of the cross.
“Pasensya na ho kung hindi ako madalas na nakakadalaw sa iyong tahanan
pero huwag kayong mag-alala dahil hindi ko pa rin naman kayo nakakaligtaan
dahil sa palagian rin akong nagdarasal. Maraming salamat dahil tinulungan niyo
akong makarating ng ligtas sa lugar na ito... sana ho patuloy niyo lang akong
gabayan para palagi akong ligtas. Hinihiling ko rin ho na sana... sana gabayan
niyo rin ‘yung mga taong tumulong sa akin at naging bahagi ng buhay at puso
ko... lalo na siya. Katulad ng hindi niyo pagpapabaya sa akin ay huwag niyo rin
ho siyang pabayaan... ilayo niyo siya sa kapahamakan at huwag hayaang maging
malungkot at masaktan.”
Pinunasan ni David ang luhang tumulo
mula sa kanyang mga mata. Hindi niya maikakaila na sa kabila ng kanyang paglayo
ay ang pagkasabik na nararamdaman para kay Maxwell.
“Maraming salamat sa lahat Lord... Amen.” Sabi ni David saka muling
nag-sign of the cross bilang pagtatapos sa kanyang dasal.
Naupo si David sa gilid ng
simbahan. Sinandal ang likod sa batuhan na nagsisilbing harang na tinatamnan ng
mga halaman. Napatingala nang tingin sa kalangitan. Muli siyang nagbalik-tanaw
sa samahan nila ni Maxwell. Ang mga alaalang nagpapasaya sa kanya at hindi na
sigurado kung madurugtungan pa.
- - - - - - - - - - - - - - - -
- - - -
“Patuloy niyo lang siyang hanapin... At si Maxwell... patuloy niyo lang
din sundan kasama ‘yung kaibigan nila. Huwag na huwag niyong aalisin ang
atensyon niyo sa kanila dahil siguradong may mga alam din sila kung nasaan si
David. Maliwanag?”
Nakatayo sa tapat ng malaking
bintana ng kanyang kwarto si Bertrant. Kausap ang isa sa mga tauhan niya sa
cellphone na nasa tapat ng kanyang tenga. Bakas sa mukha nito ang galit at
pagkadismaya. Akala niya kasi ay matatapos na ang hanapan ngunit hindi pa pala.
Mukhang nakatunog si David kaya mas pinili na lang nitong lumayo ng nag-iisa.
“Sundin niyo ang lahat ng inutos ko... ayoko ng palpak sa pagkakataong
ito.” Sabi pa ni Bertrant saka kaagad nang ibinaba ang tawag.
Napabuntong-hininga si
Bertrant. Humigpit ang hawak niya sa cellphone dahil sa pagkuyom ng dalawa
niyang kamao.
“Talagang ginagalit mo ako David... sige lang, pahirapan mo pa ako.
Iniipon ko lang ang lahat ng ginagawa mo at sa oras na mapasaakin ka ulit,
titiyakin ko sayong isasabog ko ang lahat ng kabayaran sa mga ginagawa mo.” sabi
ni Bertrant. Nanlilisik ang mga matang nakatingin sa telebisyon.
#Untrue
CHAPTER 55
Hindi napigilan ni Maxwell ang
mapangiti habang tinitingnan niya ang kanyang larawan na iginuhit mismo ni
David para sa kanya. Dumadaloy sa
kanyang alaala ang mga pangyayaring naganap nung mga panahong magkasama sila ng
mga oras na iyon.
Nasa loob siya ng kwarto ni
David. Hindi kasi siya makatulog ngayong gabi kaya naisipan niyang puntahan na
lamang ang kwarto nito at alalahanin ang mga pinagsamahan nilang dalawa.
Umayos siya ng upo sa paanan ng
kama. Hindi niya maiwasang ma-excite sa pag-alis niya bukas para puntahan si
David. Hahanapin niya ito kahit nasaan pa ito at hindi hahayaang maunahan siya
ni Bertrant.
Aminado si Maxwell na namimiss
na niya si David ng sobra-sobra. Kung pwede lang sanang hilahin ang oras para
mag-umaga na ay gagawin niya para kaagad nang mapuntahan ito. Gusto nga sana
niya na ngayong gabi na lamang umalis ngunit pinigilan siya kanina ni Riley
dahil bukod sa malalim na ang gabi ay delikado na rin para bumiyahe lalo na at
malayo ang lugar na pupuntahan.
Naputol ang pagre-reminisce ni
Maxwell ng maramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone na nasa bulsa.
Kaagad niyang kinuha iyon sa kanyang suot na short at tiningnan ang screen.
Nakita niyang tumatawag si Riley. Kaagad niyang sinagot iyon.
“Hello.”
“Sabi ko
na nga ba at hindi ka pa natutulog.”
Napangiti si Maxwell sa narinig
na sinabi ni Riley.
“Excited lang ako para bukas.” Sabi nito.
“Kailangan
mong matulog para may lakas ka kinabukasan.” Sabi ni Riley.
“E bakit ikaw hindi ka pa natutulog?” tanong ni Maxwell.
“May
inaayos lang ako... pagkatapos nito magpapahinga na rin ako kaya ikaw ganun na
din ang gawin mo.” sabi ni Riley.
Napatango-tango si Maxwell.
“Salamat a.” Sabi nito. “Salamat
sa pagtulong mo.” sabi pa nito.
Napabuntong-hininga si Riley
mula sa kabilang linya.
“Kaibigan
mo ako kaya at iyon ang obligasyon ko sa buhay mo.” sabi nito. “Sa totoo lang... may pagtutol
akong nararamdaman sa mga nais mong gawin ngunit alam ko naman na wala lang
sayo kahit tumutol ako... kapag puso na ang siyang nagdesisyon, kahit anong
pagtutol ng iba at ng isip mo... ang pasya pa rin ng puso ang siyang
masusunod.” Sabi pa nito.
Napangiti nang tipid si
Maxwell.
“Mahalaga ka rin sa akin at ang bawat salita mo ay may kahulugan kapag
aking naririnig... ngunit pagdating sa mga sinasabi mo na may kinalaman na kay
David... kahit na alam ko namang makakabuti iyon para sa akin kaya mo nilalahad
ay hindi ko naman masunod dahil mas matimbang pa rin siya... mas matimbang pa
rin ang kagustuhan kong sundin ang sinisigaw ng puso ko kahit na alam kong may
kaakibat na kapahamakan ang nais nitong gawin ko.” Mahabang sabi ni
Maxwell.
“Ganun
talaga ang puso... hindi nito alam kung tama o mali na ang tinitibok at
nagiging laman, hindi na nito alam kung ikakapahamak ba ng taong nagmamay-ari
sa kanya ang gusto nitong isigaw. Kaya nga ang iba, sinasabi nilang traydor ang
puso ngunit marami pa rin ang sinusunod ito dahil wala na rin namang magagawa
kahit todong kontrahin pa ito ng isipan.” Sabi ni Riley.
Napatango-tango si Maxwell.
“O
siya... tapusin ko na itong inaayos ko. Tumawag lang ako para i–check kung
tulog ka na. Magkita na lang tayo bukas. Matulog ka na.” Sabi ni Riley.
“Sige... salamat.” Sabi ni Maxwell.
Ibinaba na ni Maxwell ang
tawag. Nilapag sa kama ang kanyang cellphone. Muling tiningnan ang drawing ni
David. Napangiti ito.
- - - - - - - - - - - - - -
- - - - -
Dahan-dahang iminulat ni David
ang kanyang mga mata. Kaagad rin siyang napapikit dahil sa pagtama ng liwanag
sa kanyang mga mata.
Ininat-inat niya ang ulo at
katawan. Matapos iyon ay muli siyang dumilat. Kinusot-kusot ang mga mata kaya
nakita na niya ng malinaw ang paligid.
Natawa si David.
“Nakatulog pala ako dito.” Sabi niya sa sarili. Hindi niya
namalayan na sa pagtambay niya sa harapan ng simbahan ay nakatulog na siya.
Tiningnan niya ang simbahan.
Bukas na ang mga pintuan. Nagtaka tuloy siya kung bakit hindi man lang siya
ginising para paalisin.
Nagkibit-balikat na lamang si
David. Kinuha ang panyo sa bulsa saka ipinunas sa mukha.
Matapos magpunas ng mukha ay
saka na siya tumayo. Nilibot ang tingin sa paligid. Wala pang masyadong tao
dahil nagliliwanag pa lamang ang kalangitan sa mga oras na iyon.
Naramdaman ni David ang pagkulo
ng tiyan kaya hinawakan niya ito. Gutom na naman siya. Napabuntong-hininga ito.
Nagsimula na siyang maglakad
muli. Maghahanap na muna siya ng tindahan na pwede niyang bilhan kahit ng
tinapay lang.
- - - - - - - - - - - - - - - -
-
“1,000 ang upa... libre na ang kuryente at tubig. 1 month deposit at
two months advance.” Sabi ng landlady kay David.
Matapos kumain ni David ay
naglakad-lakad siya para maghanap ng titirhan at maswerte naman siyang nakakita
ng naka-paskil na room for rent na tinitingnan niya ngayon.
Isang kwarto lamang na maliit
at gawa sa bato ang paupahan na may kusina at banyo. May kama na gawa sa kahoy,
mesa at upuan. Iyon lang ang gamit na ayon sa kausap niyang landlady ay iniwan
na ng dating umuupa. Kung titingnan, pwede na itong tirhan ng iisang tao lang.
Kinuha ni David ang wallet niya
sa bulsa at binilang ang lamang pera.
“5,100.” Bulong na sabi ni David sa sarili. Napabuntong-hininga
siya. Hindi niya alam kung kakasya pa itong pera niya sa mga susunod na araw
lalo na at wala naman siyang ibang pinagkukunan. Mababawasan pa dahil
magbabayad siya ng upa kung sakaling ito na nga ang kunin niya para tirhan.
“Ano? Kukunin mo ba ito?” tanong ng landlady. “Murang-mura na ang upa dito. Hindi rin bahain sa lugar na ito dagdagan
pa na bagong ayos lang ang bubong kaya hindi mo proproblemahin ang tulo kung
sakaling uulan.” Sabi pa nito.
Napatingin si David sa
landlady. Tipid itong napangiti.
“A... Pwede po bang makiusap?” tanong ni David.
“Ano iyon?” tanong ng landlady.
“Uhmmm... Kung pwede 1 month deposit at advance na muna ang bayaran ko?
Saka ka na ‘yung kulang. Medyo kulang kasi ang dala kong pera ngayon.” Sabi
ni David.
“Ay ano ba yan.” Sabi ng landlady na namaywang pa kaya lumantad ang
mga taba sa braso at malaking tiyan. Mataba kasi ito.
“Babayaran ko rin naman.” Pakiusap ni David.
Napanguso ang matabang
landlady. Nag-isip ito.
“O siya... sige-sige... sa susunod na buwan ibigay mo ang kulang a.” Sabi
ng landlady.
Napangiti si David.
“Salamat ho.” Sabi nito.
Napatango-tango na lamang ang
landlady. Nilahad ang kamay.
“Akin na ang pera.” Sabi nito.
“Ok po.” Sagot ni David. Kinuha nito sa wallet ang pambayad at
ibinigay sa landlady.
“Oo nga po pala... may alam po ba kayong pwede kong pasukan na trabaho?
Kahit ano ho basta marangal.” sabi ni David sa landlady na abala sa
pagbibilang ng pera pero ng marinig ang sinabi niya ay napatingin ito sa kanya.
“Kailangan mo ng trabaho?” tanong nito.
Napatango-tango si David.
Tiningnan ng landlady si David
mula ulo hanggang paa. Napangiti pa ito.
“Alam mo... mukha kang mayaman at hindi na kailangan magtrabaho.” Sabi
ng landlady. Nasabi iyon ng landlady dahil sa gwapong mukha at porma ni David.
Pilit namang napangiti si
David. Napakamot pa ito sa ulo.
“Siguro tumakas ka lang sa pamilya mo no?” tanong pa ng landlady.
Tsismosa.
“A hindi po...”
“O siya... sa
munisipyo ka pumunta... alam ko may mga job openings doon. I-tsek mo na lang.” Sabi kaagad ng
landlady.
Napatango-tango si David.
“Saan ho ba ang munisipyo dito?” tanong nito.
“Sa labasan may sakayan ng tricycle... sabihin mo sa driver ihatid ka
sa munisipyo at alam na nila iyon.” Sabi ng landlady.
“Okay.” Sabi ni David.
“O sige at aalis na ako... ikaw na ang bahala dito sa bahay.” Sabi
ng landlady.
Napatango-tango na lamang si
David.
Umalis na ang landlady at
naiwan si David sa loob. Nilibot niya nang tingin ang paligid ng kwartong
tutuluyan niya. Napangiti siya nang tipid dahil kahit papaano ay maganda na rin
itong tirhan.
“Ito na ang simula ng bago kong buhay... kailangan kong tumayo sa
sarili kong paa at hindi umasa sa iba... Kakayanin ko ito... kaya mo ito
David.” sabi ni David sa sarili.
#Untrue
CHAPTER 56
Sa loob ng umaandar ng bus,
magkatabing nakaupo sa pandalawahang upuan na nakapwesto sa kaliwa at bandang
dulo sila Maxwell at Riley. Sa huling ruta ang punta nila gaya ng sabi ng
driver na nakausap ni Maxwell kung saan doon bumaba si David. Ito rin ang
driver na siyang nagmamaneho ngayon ng bus na sinakyan nila.
Nakatingin sa labas ng bintana
si Maxwell. Ito kasi ang malapit doon kaya malaya siyang nakikita ang paligid
at nadadama ang preskong simoy ng hangin dahil nakabukas ang bintana.
Napatingin naman si Riley kay
Maxwell. Napangiti ito ng tipid.
“Ok ka lang?” tanong ni Riley.
Napatingin si Maxwell kay
Riley. Napatango ito.
“Sana mahanap natin kaagad siya doon.” Sabi ni Riley.
“Sana nga.” Sabi ni Maxwell. Napabuntong-hininga.
“Matulog ka na kaya muna... mukhang kulang ka pa sa tulog.” Sabi ni
Riley. Tinap nito ang kanang balikat. “Ito
ang balikat ko... gawin mo munang unan.” Sabi pa nito.
Napailing-iling si Maxwell.
“Huwag na... hindi rin naman ako makakatulog dahil sa sobrang
pananabik.” Sabi nito. “Ikaw na muna
ang matulog... mahaba pa ang biyahe.” Sabi pa nito.
“Ok... gisingin mo na lang ako kapag nakarating na tayo.” Sabi ni
Riley.
Napatango-tango naman si
Maxwell.
Umayos ng upo si Riley.
Sinandal ng mabuti ang likod sa upuan at nilapat ang ulo sa headboard na meron
ang upuan. Ipinikit ang mga mata saka nag-relax para makatulog.
Nanatili namang nakatingin si
Maxwell sa nakapikit ng si Riley. Napangiti rin ito. Malaki ang pasasalamat
niya na nandyan pa rin si Riley sa tabi niya sa kabila ng lahat. Masasabi niya
tunay itong kaibigan.
Matapos tingnan ni Maxwell si
Riley ang bumalik ang tingin nito sa bintana at nag-enjoy sa pagtingin-tingin
sa paligid.
- - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - -
Nasa loob ng isang furniture
shop si David na matatagpuan sa bayan. Dito siya pinapunta ng mga
taga-munisipyo na i-charge sa pagbibigay ng trabaho sa mga nakatira sa lugar
nila.
Sa kanang bahagi ng mesa
nakapwesto ang inuupuan ni David. Nasa harapan naman niya ang manager na siyang
kumakausap sa kanya at binabasa ang pinasa niyang resume.
“Hindi ka pala talaga tagarito.” Sabi ng manager saka tiningnan si
David.
Napatango-tango si David.
“Lumipat ho ako dito kahapon.” Sabi nito.
“Wala ka pang experience sa kahit anong trabaho.” Sabi ng manager. “Bakit?” tanong pa nito.
“A... Kasi ho nagpokus ako sa pagpipinta... doon ko ibinuhos ang buong
panahon ko at iyon rin ang ginawa kong pagkakitaan.” Sabi ni David. Hindi
nito nilagay sa resume na nagtayo si Gavin ng restaurant kaya hindi iyon nasali
sa usapan nila.
Napatango-tango ang manager.
“Huwag ho kayong mag-alala... wala man akong experience pa sa trabaho
ay gagawin ko naman ho ang best ko kung sakaling mapapasok ako dito. Madali rin
naman ho akong matuto kaya hindi niyo ako magiging problema kalaunan.” Sabi
ni David.
Matamang tiningnan ng lalaking
manager si David. Medyo nakaramdam naman ng hiya si David. Sa tantya niya ay
nasa late-thirties na ang edad nito at mukhang pamilyado na.
Muling tiningnan ng manager ang
resume na pinasa ni David. Binasa ang iba pang nakasulat doon.
Matyaga namang naghihintay si
David.
Pamaya-maya ay tinigil na rin
ng manager ang pagbabasa. May kinuha itong papel mula sa loob ng folder na
nakapatong sa gilid ng mesa. Nilapag iyon sa harapan ni David.
Napatingin naman doon si David.
“Employment contract... sa oras na mapirmahan mo ‘yan at makapagpasa ka
na ng mga necessary requirements ay makakapagsimula ka na. Arawan ang bayad
dito at ipapasok sa account mo ang sweldo mo.” sabi ng manager na
ikinatingin ni David.
“Tanggap na ho ako?” tanong ni David.
Napatango-tango ang manager
saka napangiti ng tipid.
Napangiti si David.
“Salamat ho.” Sabi nito.
- - - - - - - - - - - - - - - -
-
Mag-isang naglalakad si David
papunta sa sakayan ng mga tricycle. Uuwi na kasi siya.
Hindi niya maiwasang matulala
habang naglalakad. Iniisip niya kasi ang mga ipapasa niyang requirements para
sa trabaho. Ngayon lang niya narealize na wala nga pala siyang dalang kahit ano
bukod sa mga id na nasa wallet niya.
Napabuntong-hininga si David.
Huminto sa paglalakad.
“Paano ‘to?” tanong niya sa sarili. Akala niya tuloy-tuloy na ang
swerte niya pero hindi pala.
Muling naglakad si David.
Halata sa mukha ang pagiging problemado.
- - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - -
Bumaba ng bus sila Maxwell at
Riley. Sumalubong sa kanila ang malamig na hangin ng lugar na ito. Sariwang-sariwa
gaya ng sa lugar nila dahil marami ring mga puno at halaman.
Nilibot nang tingin ni Maxwell
ang kabuuan ng lugar. Medyo maraming tao dito sa terminal.
“Grabe... nanakit ang pwetan ko sa tagal ng biyahe natin.” Sabi ni
Riley na iniinat-inat ang katawan.
Napatingin naman si Maxwell kay
Riley. Natawa ito.
“Ok lang ‘yan... nakatulog ka naman.” Sabi nito.
“Ang babaw lang kaya ng tulog ko... alam mo naman na hindi ako sanay na
matulog sa gumagalaw na lugar gaya ng sasakyan.” Sabi ni Riley.
Napangiti si Maxwell. Mabuti na
lang at mag-uumaga sila umalis kaya bago magtanghali ay nakarating na sila
dito.
“O... Nandito na tayo... Saang lugar natin siya unang hahanapin?” tanong
ni Riley.
Umiwas nang tingin si Maxwell.
Napabuntong-hininga ito.
“Mamaya na natin isipin ‘yan... kumain na muna tayo.” Sabi nito at
muling nilibot nang tingin ang paligid para maghanap ng pwede nilang kainan.
Napatango-tango si Riley.
- - - - - - -- - - - - - - - - - - - -
Nasa bahay na si David. Nakaupo
siya sa isang upuan habang nakapangalumbaba sa mesa. Nakatingin sa cup noodles
na hinihintay niyang lumambot ang noodles.
Electric kettle pa lamang ang
kanyang nabibiling kagamitan sa bahay kaya naman kundi sa karinderya siya
kumakain, cup noodles lamang ang kinakain niya. Mabuti na nga lang at malamig
sa lugar na ito kaya kahit wala pa siyang electric fan ay ok lang ‘yun nga lang
medyo malamok kaya may mangilan-ngilang pantal na rin si David sa katawan.
Problemado pa rin si David
tungkol sa ipapasa niyang requirements. Wala kasi siyang maisip na paraan para
maresolbahan ito.
“Ano kayang gagawin ko?” tanong nito sa sarili.
Napabuntong-hininga.
“Hays! Kakain na nga muna ako.” Sabi pa nito sa sarili.
Kinuha ni David ang noodles at
tinanggalan ng takip. Napangiti siya dahil nakita niyang luto na ito. Kinuha
niya ang plastic spoon na kasama ng cup noodles at nagsimula na siyang kumain.
#Untrue
CHAPTER 57
“Anong balita?” tanong ni Bertrant
sa kausap niyang tauhan sa cellphone. Nakatingin ang kanyang mga mata sa labas
ng malaking bintana ng kanyang opisina. Maaliwalas ang panahon kaya naman
gustong-gusto niya na pagmasdan ang paligid.
“Ito Mr. President... nasa isang malayong probinsya kami.”
Nangunot ang noo ni Bertrant.
“Malayong probinsya?” pagtatakang tanong nito.
“Yes Mr. President... sinundan namin hanggang dito sila Maxwell at
‘yung kaibigan niyang Riley ang pangalan.”
“Anong ginagawa
nila diyan?” tanong ni Bertrant.
“Sa tingin namin Mr. President... natagpuan na nila si Sir David.”
Nabuhayan ng loob si Bertrant.
“Talaga?” tanong nito.
“Yes Mr. President... sa ngayon patuloy pa namin silang sinusundan
dahil hindi pa sila nakikipagkita kay Sir David... kapag nakumpirma na namin
ang lahat ay kaagad naming ipapaalam sa inyo.”
“Ok... basta huwag niyong ilalayo ang mga mata ninyo sa kanila at hindi
dapat kayo mahalatang sinusundan niyo sila.” Sabi ni Bertrant.
“Yes Mr. President...”
“Kapag nalaman
niyo na ang eksaktong kinaroroonan ni David... kaagad ninyong ipagbigay alam sa
akin at pupuntahan ko.” Sabi kaagad ni Bertrant.
“Copy Mr. President.”
Napangisi si Bertrant.
“Konting-konti na lang... matataya na kayo sa larong sinimulan ninyo.” Sabi
nito.
- - - - - - - - - - - - - - - -
- -
Magkatabing nakaupo sa isang
bench sila Maxwell at Riley. Nagpapahinga na muna sila pagkatapos nilang kumain
sa isang karinderya.
Napatingin si Riley kay Maxwell
na nakatingin sa paligid ng plaza kung nasaan sila ngayon.
“Saan tayo magsisimulang maghanap?” tanong ni Riley. Napatingin
naman si Maxwell. “Pumunta tayo dito ng
walang kaplano-plano.” Sabi pa nito.
Umiwas nang tingin si Maxwell.
Napabuntong-hininga ito.
“Medyo malaki ang lugar na ito... siguradong gugugol din tayo ng mga
araw sa kakahanap... mas tatagal pa kung nagtatago si David.” sabi ni
Riley.
“Mahahanap rin natin siya... siguro kailangan nating maghiwalay sa
paghahanap. Magtawagan na lang tayo para sa balita.” Sabi ni Maxwell.
Napatango-tango si Riley.
“Nandito na tayo kaya kailangan nating gawin ang lahat para mahanap
siya.” Sabi ni Maxwell.
“Dapat lang... ayoko naman na masayang lang ang ipinunta natin dito.” Sabi
ni Riley.
Napangisi si Maxwell.
“Ang ganda rin dito no.” Sabi nito.
Napatingin din si Riley sa
paligid. Sang-ayon ito sa sinabi ni Maxwell.
“Maganda talaga ang paligid kapag maraming mga puno, halaman at mga
bulaklak.” Sabi ni Riley. “Presko
rin ang hangin... ang sarap langhapin.” Sabi pa nito at lumanghap nga ng
hangin.
Napatingin si Maxwell kay Riley
pero sa pagtingin niya sa gawi nito, parang may napansin siyang kakaiba.
“Riley.” Tawag ni Maxwell kay Riley.
Napatingin si Riley kay
Maxwell. Nangunot ang noo nito.
“O...”
Hindi sumagot si Maxwell. Nakatingin
lamang ito sa iisang direksyon.
Nagtataka naman si Riley. Hindi
kasi sa kanya nakatingin si Maxwell kundi sa iba.
Titingnan ni Riley ang
tinitingnan ni Maxwell.
“Huwag kang titingin.” Sabi kaagad ni Maxwell kaya nahinto si Riley
at muling napatingin kay Maxwell.
“Bakit ba?” tanong ni Riley. Nagtataka na siya sa kakaibang
ikinikilos ni Maxwell.
Tiningnan ni Maxwell si Riley.
“Sa tingin ko may sumusunod sa atin.” Sabi nito na ikinalaki ng mga
mata ni Riley.
“Ano?” tanong nito.
Napatango-tango si Maxwell. May
nakita kasi siyang dalawang taong nakatingin sa kinaroroonan nila na
kahina-hinala rin ang kilos at nung tingnan niya ay kaagad na ikinubli ang mga
sarili sa isang malaking puno na malayo sa kinaroroonan nila.
“Kailangan nating mag-ingat... dapat nga talaga tayong maghiwalay para
mahati rin sila... siguradong marami sila at mga tauhan iyon ni Bertrant.” Sabi
ni Maxwell.
“Okay.” Sabi ni Riley na medyo kinakabahan. Hindi naman niya
akalain na papasundan pa sila ng asawa ni David.
“Sa tingin mo ba... nandoon pa lang tayo sa lugar natin, pinasusundan
na tayo?” tanong ni Riley.
“Posible.” Sabi ni Maxwell. “Basta
mag-ingat na lang tayo. Hindi nila pwedeng makita si David.” sabi pa nito.
Napatango-tango si Riley.
- - - - - - - - - - - - - - - -
- - -
Hindi mapigilang mapangiti ni
David habang tinitingnan isa-isa ang mga dokumentong siya mismo ang may gawa.
Mabuti na lang at may computer shop sa malapit at tanda niya pa ang mga
academic credentials ni Gavin kaya nagawa niyang posible ang pamemeke ng mga
ito. Kumuha lang siya ng gabay at mga imahe sa tulong ni google saka niya
tinype ang mga impormasyon sa bawat dokumentong ipapasa niya sa pagtatrabahuhan
niya.
Siyempre may kaba ring
nararamdaman si David. Hindi iyon mawawala sa kanya lalo na at peke ang mga
ipapasa niyang requirements pero kailangan niyang sumugal para magkaroon ng
trabaho na bubuhay sa kanya.
Napabuntong-hininga si David.
Tinago niya ang mga dokumento sa loob ng isang plastic envelop saka tumayo mula
sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama at ipinatong ang hawak na envelop sa mesa.
Pumunta siya sa kusina. Kumuha
ng cup noodles sa cabinet na nasa itaas ng lababo. Matapos kunin ang cup
noodles ay binuksan niya ito habang lumalapit sa mesa at nang mabuksan ay pinatong
ang hawak doon. Kinuha ang electric kettle saka nilagyan ng tubig at pinakuluan
ito.
Habang naghihintay si David sa
pagkulo ng tubig ay naupo siya sa upuan. Nangalumbaba. Tiningnan ang cup
noodles. Muling napabuntong-hininga.
“Sana hindi mahalata.” Sabi nito sa sarili. Hindi naman sa wala
siyang tiwala sa mga ginawa niyang pekeng dokumento na sa totoo lang mukhang
original rin dahil sa mga papel na ginamit niya na hindi ordinaryo pero
siyempre ay kailangan pa rin niyang mag-ingat at humiling na sana hindi
mahalatang mga peke ito.
Bumalik sa sarili si David nang
marinig na niya ang tunog ng kumulong tubig. Kinuha na niya muli ang electric
kettle saka binuhusan ng mainit na tubig ang noodles na nasa loob ng cup. Tinakpan
iyon at muling naghintay para maluto ito.
#Untrue
CHAPTER 58
Sa bandang gilid ng shop. Nakahilera
ng dalawa at magkaharapan ang walong empleyado. Suot ng mga ito ang kanilang
mga unipormeng pormal na bigay mismo ng kumpanya. Sa kanan ang apat na babae at
sa kaliwa naman ang apat na lalaki kabilang na si David.
“Good morning guys... bago tayo magbukas ng
shop ay nais ko munang ipakilala sa inyo ang bago niyong makakasama dito sa
trabaho.” Sabi ng manager saka tiningnan si David. sinenyasan niya itong lumapit.
Napangiti naman si David at
naglakad palapit sa manager.
“Ladies and gentlemen... siya si Gavin.” Pagpapakilala ng manager.
Tiningnan naman isa-isa ni
David ang mga makakasama niya. Pawang magaganda at gwapo rin ang mga ito dahil
na rin siguro sa line of work nila kung saan bentahe rin sa customer ang itsura
ng mag-aasist.
“Hello... ako si Gavin Dela Cruz.” Pagpapakilala ni David sa
sarili. Medyo nahihiya pa siya.
Napangiti naman sa kanya ang
mga makakasama niya.
“Ito ang unang araw ng trabaho niya... naituro ko na sa kanya ang mga
basics na gagawin niya sa trabaho pero siyempre hangga’t maaari ay gabayan niyo
pa rin siya. Kung may nais siyang itanong, sagutin ninyo ng maayos.” Sabi
ng manager at isa-isang tiningnan ang mga empleyado. Muli rin nitong tiningnan
si David. “Ikaw naman Gavin... kung may
tanong ka, huwag kang mahihiyang lumapit sa akin o sa mga kasamahan mo para
maging maayos ang lahat sa trabaho maliwanag ba?” sabi pa nito.
Napatango-tango naman si David.
Ngumiti.
“Good... so...” sabi ng manager na huminto sa pagsasalita dahil
tiningnan nito ang oras sa wrist watch na suot. “Goodluck sa ating lahat... sana magkaroon kayo ng benta. Do your
best.” Sabi pa nito.
“Yes Sir.” Sabay-sabay na sagot ng lahat.
“Ok.” Sabi ng manager saka ngumiti. “Tara Gavin at ituturo ko sayo ang area mo.” sabi pa nito.
Napatango-tango na lamang si
David.
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
Nakatayo sa tapat ng bintana si Maxwell. Nasa loob sila ngayon ni Riley
ng isang hotel room kung saan pansamantala silang tumuloy para magpahinga.
Nakatingin ang mga mata niya sa labas. Nagugustuhan niya ang view dahil
magandang pagmasdan.
“Maxwell... tapos na akong
maligo.” Si Riley na kakalabas lamang ng banyo.
Lumingon si Maxwell. Napangiti siya nang makita si Riley at ang ayos
nito. Nakatapis lang ng twalya kaya litaw ang magandang pangangatawan.
“Bakit ka ganyan makatingin?” tanong
ni Riley na medyo nakakaramdam ng hiya. Tinakpan pa nga nito ang bumubukol na
kanya sa loob ng twalya. Tagos naman kasi hanggang looban niya ang klase nang
tingin ni Maxwell.
Natawa si Maxwell.
“Epekto
ba ‘yan ng naging bakasyon mo? mas gumanda kasi ang pangangatawan mo kumpara sa
dati.” Sabi nito.
Umiwas nang tingin si Riley. Kinuha ang bagpack nito na nakalapag sa
sahig at naghanap ng masusuot.
“May
mga natutunan kasi akong bagong work out routine na siyang ginagawa ko hanggang
ngayon.” Sabi nito.
Napatango-tango si Maxwell. Tiningnan nito ang sarili.
“Mabuti
ka pa... ako mukhang napapabayaan ko na ang katawan ko.” Sabi ni Maxwell.
‘Yun ang pakiramdam niya.
Muling tiningnan ni Riley si Maxwell.
“Parang
hindi naman.” Sabi nito. Totoo ang sinasabi ni Riley.
“Ganun ba.” Sabi ni Maxwell.
Bigla nitong hinubad ang suot na shirt kaya lumitaw rin ang magandang
pangangatawan nito at tanging ang pang-ibaba na lang na pants ang suot.
Napaiwas naman kaagad nang tingin si Riley
pero nakita pa rin niya iyon ng pahapyaw. Inabala ang sarili sa paghahanap ng
damit hanggang sa humugot na lang siya ng kung anong makuha niya. Tao lang siya
at kahit na kaibigan niya si Maxwell, may pagkakataong tinatablan siya sa
kagandahang lalaki nito.
“Oo nga
pala... anong plano natin sa mga sumusunod sa atin?” tanong ni Riley ng
hindi nakatingin kay Maxwell.
Pinatong muna ni Maxwell ang hinubad na shirt sa kalapit na upuan
pagkatapos ay naglakad ito palapit sa kama saka naupo sa paanan. Umiwas ito
nang tingin kay Riley na napatingin naman muli sa kanya.
“Gaya
nung napag-usapan kahapon... hiwalay tayong maghahanap.” Sabi ni Maxwell.
Napaiwas nang tingin si Riley.
“Pero
nag-aalala pa rin ako.” Sabi ni Maxwell.
“Bakit?”
tanong ni Riley na kasalukuyang nagsusuot ng brief habang nakatapis pa rin
siya ng twalya. Kinukuha niya ang pagkakataon na hindi nakatingin si Maxwell.
Napabuntong-hininga si Maxwell.
“Ngayong
alam na natin na pati ang mga tauhan ni Bertrant ay nandito rin sa lugar na
ito... hindi malayong makita rin nila si David. Wala pa namang kaalam-alam si
David na may alam na si Bertrant sa lahat.” Sabi nito.
Napatango-tango si Riley.
“Tama
ka diyan... Kung dala lang sana niya ang cellphone niya, madali natin siyang
ma-cocontact para balaan.” Sabi nito.
“Kaya kailangan nating magmadali
sa paghahanap. Hindi dapat nila tayo maunahan.” Sabi ni Maxwell.
“Kaya maligo ka na.” Sabi ni
Riley sabay hagis ng twalya kay Maxwell. Sapul sa ulo.
Naiinis na inalis ang twalya at
masamang tiningnan ni Maxwell si Riley na nakabihis na nung mga oras na iyon.
Plain white shirt at hapit na pants na kulay itim ang suot. Isusuot na rin nito
ang rubber shoes niyang white at black din ang kulay.
Tinawanan lang ni Riley si Maxwell.
Napailing-iling na lamang si Maxwell saa tumayo na mula sa kama. Pumunta
sa banyo.
“Hintayin na lang kita sa labas.”
Sigaw ni Riley para marinig siya ni Maxwell.
“Ok.” Sagot
nito.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Napapangiti si David habang naglalakad pauwi. Masaya kasi siya dahil may
bago na siyang cellphone. Kaagad siyang bumili sa isang tindahan sa bayan
pagkatanggap niya ng kanyang unang sweldo ngayong araw.
Barphone lang naman kaya mura ang bili niya pero dahil ito ang unang
beses na nakabili siya ng gadget gamit ang pinaghirapan niyang pera ay sobrang
saya niya. Mahalaga ang cellphone sa lahat lalo na sa kanya.
“Ganito pala ang pakiramdam...
kahit na sobrang napagod ako sa kakatayo at kakasalita kanina, worth it naman.”
Sabi ni David sa sarili.
Aminado siyang naninibago siya sa buhay niya ngayon pero dahil kahit
papaano ay may mga natutunan siya nung tumira siya kay Maxwell, medyo naging
magaan para sa kanya ang lahat.
Isa pa sa nagpapasaya sa kanya ay ang unang karanasan niya ngayong araw
sa trabaho. Masasabi niyang ok naman ang working environment at mababait ang
mga kasama niya kabilang na rin si manager.
Napahinto sa paglalakad si David. Itinago sa bulsa ng suot niyang pants
ang cellphone. Kaagad na napatingin sa likod niya.
Napakamot sa ulo si David. Napailing-iling rin ito saka
napabuntong-hininga.
“Guni-guni
mo lang iyon David... walang sumusunod sayo.” Sabi nito sa sarili. May
mangilan-ngilang tao siyang nakita na kapareho ng nilalakaran pero sa tingin
naman niya ay hindi sumusunod sa kanya ang mga ito.
Muli na lamang tiningnan ni David ang nilalakaran niya at naglakad na
ulit pero this time, may bilis na para kaagad na rin siyang makarating sa
bahay. Kailangan din kasi niyang maglaba ng mga damit na binili niya nung isang
araw sa ukay-ukay sa may bayan.
#Untrue
CHAPTER 59
“Good Morning Ma’am.” Masayang pagbati
ni David sa customer na dumaan sa harapan niya. Ngingiti rin siya na susuklian
naman ng ngiti ng customer.
Paulit-ulit niya iyong ginagawa sa tuwing may
customer na magagawi sa pwesto niya. Kapag tumitingin naman ito ay talaga
namang binubuhos niya ang kanyang effort para ma-introduce ng mabuti ang
product na ibinebenta niya na nagreresulta ng pagbili ng mga ito.
Hindi maikakaila na sa ilang araw pa lamang niya dito sa shop ay isa na
siya sa masasabing pinakamagaling sa larangan ng pagbebenta. Naungusan na nga
niya ang ibang kasamahan niya na mas matagal na sa kanya rito kaya naman hindi
maiiwasang mainggit at sumama ang loob sa kanya.
Ramdam iyon ni David pero hindi na lamang niya binibigyang pansin pa.
Alam naman niya sa kanyang sarili na wala siyang kasalanan at ginagawa lamang
niya ang kanyang trabaho. At the end of the day, ang mahalaga sa kanya ay ang
trabaho at ang sahod niya.
“Yung dalawa sa inyo sabay ng
maunang mag-break.” Sabi ng manager sa kanilang lahat. Medyo magkakalapit
lang naman ang mga area nila sa shop kaya naman pupunta lang ang manager sa
gitna para sabihan sila na maririnig naman nilang lahat.
Napatingin si David sa mga kasamahan niya. ‘Yung mga babae umiwas nang
tingin sa kanya at kung saan-saan ibinaling ang tingin na kunwari ay walang
napansin. ‘Yung dalawa naman ay may inaasist
Bale tatlong lalaki silang walang inaasist sa mga oras na ito at
nakatayo lamang sa mga area nila.
Ang manager naman ay naghihintay lang na may mag-volunteer kung sino ang
mauunang mag-break.
“Mauna na lang kami ni Gavin
Sir.” Si Yuri.
Napatingin ang manager kay Yuri pati na rin si David.
“Ok.” Sagot
ng manager.
Napatingin si Yuri kay David. Ngumiti ito kaya lumabas ang magkabilang
dimples nito at ang mapuputi saka pantay na ngipin.
“Tara
na.” Sabi nito kay David.
Napatango na lamang si David. Tiningnan nito ang manager.
“Mag-break
lang ho kami.” Pagpapaalam ni David.
Napatango na lamang ang manager.
Naunang pumunta sa locker si Yuri at nakasunod naman si David. Malaya
niyang napagmasdan ang magandang likod nito at ang tangkad nito ilang pulgada
rin ang lamang sa kanya.
Hindi maikakaila ni David na magandang lalaki si Yuri. Slim ang
pangangatawan pero hindi naman sobrang payatot dahil kahit nakadamit ito ay
halata pa rin namang may laman. Bumagay nga sa tangkad nito ang hubog ng
katawan. Halata ring may lahing japanese dahil sa chinito nitong mga mata.
Matangos ang ilong at may kanipisan ang mapulang labi na bumagay sa maputla
nitong makinis na balat.
Sa kanilang lahat, si Yuri ang masasabi ni David na palakaibigan. Sa
unang araw pa nga lang niya sa trabaho ay kinausap na siya nito kahit hindi
naman niya ito inaapproach.
“May
baon ka bang pagkain?” tanong ni Yuri habang kinukuha nito ang kanyang bagpack
sa locker.
Napatingin si David kay Yuri. Napailing ito.
“Wala
e.” Sabi nito.
Napangiti si Yuri.
“Parehas
pala tayo... doon na lang tayo kumain sa malapit na karinderya. Mura at masarap
ang mga pagkain dun.” Sabi nito habang nakatingin na kay David dahil nakuha
na nito ang bag at naisarado na ang locker.
Napatango na lamang si David. Tuluyan na nitong kinuha ang bagpack sa
locker niya saka sinara ang pinto.
-
- - - - - - - - - - - - - - -
“Sabihan mo lang ako kung gusto
mo pa ng kanin para mapakuha kita kay Manong Robert.” Sabi ni Yuri kay
David.
Napatingin naman si David kay Yuri.
“Ok na
ako dito.” Sabi nito. Isang kanin at ulam ang binili niya habang si Yuri
naman ay dalawang kanin at isang ulam.
Napangiti naman si Yuri.
“Mukhang nahihiya ka pa rin sa
akin hanggang ngayon.” Sabi nito saka sinubo ang pagkaing nasandok ng hawak
niyang kutsara.
Napangiti naman ng tipid si David.
Nasa loob sila ngayon ng karinderya. Medyo maraming tao karamihan ay mga
trabahador. Masarap naman ang mga pagkain, pasado sa panlasa ni David.
“Oo nga pala... dayo ka lang dito
sa lugar namin di ba?” tanong ni Yuri.
Napatango-tango si David.
“Saan
ka galing?” tanong ni Yuri saka kumain ulit.
“A...
Sa Batangas.” Sagot na lamang ni David kahit na hindi totoo.
“Batangas?”
tanong ni Yuri.
Napatango-tango si David.
“Doon
ako huling nanggaling bago ako napadpad dito.” Sabi nito.
“A...
sabi ko na nga ba at dayo ka lang din dun. Wala ka kasing punto kung magsalita
at sa tingin ko sa Maynila ka galing.” Sabi ni Yuri.
Tipid na napangiti si David.
“Ako rin naman dayo lang dito...
taga- Maynila ako at mga tatlong buwan pa lang nananatili dito. Nagsawa kasi
ako sa Maynila kaya ginusto kong pumunta sa ganitong klaseng lugar, kumbaga for
a change lang. Simula kasi ng ipanganak ako nandoon na ako at dahil malaya
naman akong pumunta sa kahit saan ko gusto kaya ito, napadpad ako dito at
namumuhay mag-isa.” Sabi ni Yuri.
“Mag-isa ka lang?” tanong ni
David.
Napatango-tango si Yuri.
“Only
child lang ako ni Mama... ewan ko lang sa tatay kong hapon.” Sabi ni Yuri. “DH kasi si Mama sa Japan ng makilala niya
ang tatay ko doon, nainlove si Mama at ako ang naging bunga ngunit nung
ipinagbubuntis pa lang ako ni Mama ng iwan siya ni Papa kaya iyon, nagdesisyon
na lang si Mama na umuwi dito sa Pilipinas at buhayin akong mag-isa. Walang
naging lihim sa akin si Mama, lahat sinabi niya sa akin kaya medyo kilala ko
rin ang tatay ko. Sa kasamaang palad, a year ago binawi na ng nasa Itaas si
Mama kaya mag-isa na lang ako.” Sabi pa nito.
“E ang
Papa mo? Dapat puntahan mo siya.” Sabi ni David. Bigla siyang naging
interesado sa buhay ni Yuri.
Napailing-iling si Yuri.
“Hindi
na... para saan pa? Iniwan na nga niya kami noon tapos maghahabol pa ako? Huwag
na lang lalo na at masasabi ko namang maayos na ang buhay ko ngayon. Mahirap
pero nakakaraos at masaya.” Sabi nito saka ngumiti.
Napangiti na lamang ng tipid si David.
“Kumain
ka pa... isang oras lang ang break natin kaya dapat bilisan mo din kumain.” Sabi
ni Yuri.
Napatango-tango na lamang si David.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
“Nasaan
ka?” tanong ni Maxwell kay Riley. Kausap niya ito sa cellphone habang
nakatayo lamang siya sa gilid ng daan.
“Nandito
ako sa Barangay Makahiya... Ikaw ba?” sabi at tanong ni Riley. Naghiwalay na sila para umpisahan ang
paghahanap kay David.
Nilibot nang tingin ni Maxwell ang lugar.
“Hindi
ko pa alam kung anong lugar pero parehas pa naman ang lupang tinatapakan
natin... mamaya sasabihin ko sayo kapag nakapagtanong na ako.” Sabi nito. “May balita na ba sa paghahanap mo sa
kanya?” tanong pa nito.
“Wala
pa... hindi nakita ng mga taong una kong napagtanungan si David.” sagot ni Riley. “Ikaw ba?” tanong pa
nito.
“Wala
pa rin e... basta huwag tayong titigil.” Sabi ni Maxwell. “Oo nga pala... may napapansin ka pa bang
sumusunod sayo?” tanong pa nito.
“Sa
ngayon wala... baka ikaw na lang ang sinusundan nila.” Sabi ni Riley.
“Siguraduhin mo a... sa akin kasi
mukhang wala na rin pero hindi ako kampante dahil siguradong hinuhusayan lang
nila magtago.” Sabi ni Maxwell. “Basta
magtawagan na lang tayo para sa updates. Mag-ingat ka.” Sabi pa nito.
“Mag-ingat ka din.” Sabi ni Riley.
Napabuntong-hininga si Maxwell pagkababa niya ng tawag at pagkatanggal
niya ng cellphone sa tapat ng kanyang tenga. Nilibot nang tingin ang paligid.
“Nasaan
ka na ba David?” tanong nito sa sarili. Muli itong naglakad at nagsimulang
maghanap.
#Untrue
CHAPTER 60
Tapos na ang trabaho ni David
para sa araw na ito. Pagkatapos niyang kunin ang gamit sa kanyang locker at
makapagpalit ng damit ay lumabas na rin siya ng shop.
Huminto muna siya sa tapat at tumayo.
Madilim na ang kalangitan nang
tingnan niya ito ngayon. Napapalibutan ng nagkikislapang mga bituin ang
maliwanag na buwan na malapit ng maging bilog. Tipid siyang napangiti. Ipinikit
niya ang kanyang mga mata at nilanghap ang sariwang hangin na kay lamig din sa
pakiramdam.
Nakarinig ng tunog ng sasakyan
si David kaya muling dumilat ang kanyang mga mata. Bahagya pa siyang nagulat
dahil nasa tapat na niya si Yuri na nakasakay sa motor nito.
Nakatingin si Yuri sa kanya na
may ngiti sa labi.
“Tara na at sumabay ka na sa akin.” Sabi nito.
“Ha?” tanong ni David. Medyo nagulat siya sa naging alok nito.
“Saan ba daan mo?” tanong ni Yuri.
“A... E... Huwag na. Malapit lang naman dito ang sakayan...”
“Saan nga ang daan
mo?” tanong kaagad ni Yuri.
Napakamot naman sa batok si
David. Tinuro niya ang daan papunta sa tirahan niya.
Napangiti si Yuri.
“Tamang-tama at doon rin ang daan ko pauwi.” Sabi nito. “Halika na at sumabay ka na sa akin.” Sabi
pa nito.
“Huwag na... ok lang ako.” Sabi ni David. Hindi maikakaila ni David
na mas astig ang itsura ni Yuri kapag naka-pang alis itong damit kumpara sa
nakasuot ng uniporme. May suot pa kasing leather jacket na itim na bumagay pa
sa pagkakasakay nito sa motor.
“Ayaw mo talaga?” tanong ni Yuri.
Napatango-tango si David. Hindi
na siya nahiyang tumanggi. Mas nakakahiya pa kasi sa kanya kung sasakay siya
rito.
Napangiti si Yuri.
“Ok... so maiwan na kita. Kita na lang tayo bukas.” Sabi nito.
Napangiti na lamang nang tipid
si David.
Muli ng pinaandar ni Yuri ang
motor niya saka na ito umalis. Nakasunod naman ang tingin ni David sa
papalayong si Yuri.
Napabuntong-hininga si David.
“Tama lang ang ginagawa mo David... hindi pwedeng mapalapit ka sa mga
tao dito lalo na ang maging kaibigan sila. Mahirap na.” Sabi nito sa
sarili.
Nagsimula nang maglakad si
David papunta sa sakayan ng tricycle.
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
“Bigo na naman tayong mahanap siya sa araw na ito.” Sabi ni Maxwell
kay Riley. Sumalampak ito ng higa sa kama dito sa loob ng hotel room na
tinutuluyan nila.
Napatingin naman si Riley kay
Maxwell. Dumekwatro ito ng upo sa inuupuan.
“Mahirap talagang hanapin ang isang taong nagtatago.” Sabi ni
Riley.
Hindi sumagot si Maxwell.
Nakatitig na lamang ang mga mata nito sa kisame.
Namayani ang katahimikan sa
pagitan nilang dalawa.
Ilang minuto ang lumipas at
napabuntong-hininga si Maxwell.
“Hangga’t hindi natin siya nahahanap... mas lalong nadaragdagan ang
kaba at pag-aalala ko. Sana bukas matagpuan na natin siya.” Sabi ni
Maxwell.
Nakatingin pa rin si Riley kay
Maxwell. Hindi niya maiwasang makaramdam ng awa kay Maxwell. Kita niya ang
pagod at pag-aalala rito.
“Pagbutihan na lang natin ang paghahanap muli sa kanya bukas.” Sabi
ni Riley.
Napatingin si Maxwell kay
Riley. Napangiti ito nang tipid.
“Salamat talaga sa tulong mo... siguro kung mag-isa lang akong
naghahanap, ewan ko pero baka mabaliw na ako.” Sabi nito.
Napangisi si Riley.
Umiling-iling rin ito.
- - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - -
“Hindi
pa rin nila natatagpuan si Sir David Mr. President... Sa ilang araw na lihim
naming pagsunod-sunod sa kanila ay lagi lang din silang naghahanap at wala pa
ring kaalam-alam sa tunay na kinaroroonan niya.”
Napabuntong-hininga si Bertrant.
Tinalikuran niya ang malaking bintana at naglakad papunta sa swivel chair niya
saka doon naupo.
“Huwag lang sa kanila ang pokus niyo... sabihan mo rin ang ibang tauhan
na maghanap kay David sa buong lugar. Kailangan niyo silang maunahan na
makahanap sa kanya.” Sabi ni Bertrant.
“Ok Mr.
President.”
“Sige... balitaan
mo na lang ako kung may maganda ka ng ibabalita sa akin.” Sabi ni Bertrant
sabay tanggal ng cellphone sa tapat ng kanyang tenga at pinatay na ang tawag.
Dumekwatro ng upo si Bertrant.
Kumagat sa labi nito at tiningnan ang sabitan ng kanyang coat.
“Nasaan ka ba talaga David? Ang galing mong magtago.” May inis na
sabi nito sa sarili. “Sige lang... mas
galingan mo pa pero titiyakin ko sayong mahahanap ka rin.” Sabi pa nito sa
sarili. Napangisi.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Bagong araw, bagong
pakikipagsapalaran na naman sa buhay.
Alas diyes ng umaga ang pasok ni
David sa trabaho pero alas otso-trenta pa lang ay umaalis na siya ng bahay para
pumasok.
Naglalakad na si David papunta
sa sakayan ng tricycle. Hindi pa niya suot ang kanyang uniporme dahil ugali
niyang sa shop na magbihis para rin hindi ito kapitan ng alikabok. Medyo
maalikabok din naman kasi sa lugar na ito dahil hindi naman lahat ng daan ay
sementado.
Napatingin si David sa
kalangitan. Napangiti siya.
“Ang sarap ng init... ang ganda ng araw.” Sabi nito sa sarili.
Hindi nga masyadong malamig ngayong umaga dahil na rin sa maaliwalas ang
panahon at mataas na pagsikat ni Haring araw.
Umiwas nang tingin sa
kalangitan at kinuha ni David ang kanyang cellphone na nasa bulsa. Tiningnan
niya iyon. Napabuntong-hininga.
Bigla niyang naisip si Maxwell.
Kahit na alisin niya ito pero may mga oras na talagang bumabalik ito sa kanyang
isipan.
Kabisado niya ang number nito.
Napaisip tuloy siya kung tawagan o itext niya kaya ito. Hindi niya maikakaila
na nakakaramdam siya ng pagkamiss dito. Miss na niyang marinig ang boses nito,
miss na niyang makita ang mukha nito, miss na niyang masilayan ang ngiti nito,
miss na niyang tumawa kasama ito.
Muling napabuntong-hininga si
David. Napailing-iling rin siya.
“Kung ano-anong naiisip ko.” Sabi ni David sa sarili.
May bagong buhay na siya ngayon
at kahit gustuhin man niyang isama si Maxwell sa panibagong pakikipagsapalaran
niya ngayon ay alam niyang hindi pwede. Mas mabuti ng siya na lang ang
mahirapan kaysa ito.
Itinago na lamang ni David ang
kanyang cellphone sa bulsa. Inayos niya rin sa pagkakasukbit sa balikat niya
ang bagpack na nabilis niya nung isang araw pa sa ukay-ukay.
Muling tiningnan ni David ng
mabuti ang dinaraanan ngunit bigla siyang napahinto sa paglalakad at nanlalaki
ang mga mata.
Mula sa hindi kalayuan,
nakatayo ang hindi niya inaasahang makitang tao. May konting pagbabago man dito
pero kilalang-kilala niya pa rin kung sino ito.
Kinusot-kusot ni David ang
kanyang mga mata dahil baka guni-guni lamang niya dahil kanina ay naiisip
lamang niya ito.
Ngunit sa mas paglinaw pa ng
kanyang mga mata ay mas nakita niya ang taong iyon. Ngayon ay nakangiti habang
nakatingin sa kanya at hindi iyon naalis.
Napahawak si David sa kanyang
dibdib. Ramdam ng kanyang palad ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang
puso.
Nagsimula itong maglakad
palapit kay David na bahagya namang napaatras sa kinatatayuan. Hindi talaga
siya makapaniwala. Malayo na ang kanyang nilakbay ngunit bakit nahanap pa rin
siya?
Hanggang sa makalapit na si
Maxwell kay David. Tumayo ito sa harapan ng huli. Kita sa mata ang pagkasabik
at saya na makitang muli si David.
“Sa wakas.” Sabi ni Maxwell. Kahit siya ay hindi makapaniwalang
ngayong araw na ito itinakda ang kanilang pagkikita.
“A-Anong ginagawa mo dito?” nauutal na tanong ni David.
Napangiti si Maxwell. Sa halip
na sumagot kaagad ay mas lalo nitong nilapit ang sarili kay David saka ito
niyakap nang mahigpit.
Napapikit naman ng mga mata si
David. Hindi niya maikakaila na pati na rin ang yakap ng mga bisig nito ay
nasabik siyang muling maramdaman.
“Dahil nandito ka.” Bulong ni Maxwell. Iyon ang sagot niya sa naging
tanong ni David.
Muling napadilat ng mga mata si
David.
“Wala ka dapat dito.” Sabi nito.
Humigpit ang yakap ni Maxwell
kay David.
“Nangako tayo sa isa’t-isa na laging magkasama kahit ano pa mang
mangyari at ayokong bumali sa pangakong iyon.” Sabi ni Maxwell.
Nakagat ni David ang labi niya
para mapigilan ang nagbabadyang pagtulo ng kanyang luha.
“Alam mo kung bakit ako lumayo...”
“At alam mo rin
kung bakit ako nandito.” Sabi kaagad ni Maxwell. Humiwalay ito sa yakap at
hinawakan sa magkabilang balikat si David. Nagkatitigan sila sa mga mata. “Dahil ayokong mahiwalay sayo... kahit na
mahirapan pa ako, kahit na masaktan pa ako, kahit na buhay ko pa ang maging
kabayaran... handa kong pagdaanan ang lahat ng iyon basta maging masaya lang
ako na kasama ka. Sa lahat, iyon ang pinakamahalaga.” Sabi pa nito.
Napailing-iling si David.
Napangiti si Maxwell. Muli
niyang niyakap si David.
“Huwag ka ng kumontra... ngayong nahanap na kita, hindi ko na hahayaang
mawala ka pa ulit.” Sabi ni Maxwell.
Tuluyan na lamang napaluha si
David. Sa araw din na iyon, hindi siya nakapasok sa trabaho dahil sa hindi
inaasahang pagkikita nila ni Maxwell.
No comments:
Post a Comment