#TheBrokenMansGame
IKAANIM
NA KABANATA: GALIT AT PLANO
“Pabili nga…” sabi
ni Anton sa tindero ng diyaryo sabay abot nito ng pera bilang bayad.
Kinuha naman ng tindero mula sa kanya ang bayad sabay abot ng isang
piraso ng tabloid news paper.
Pagkaabot sa kanya ng tindero ng diyaryo na kanyang binili, inipit muna
niya ito sa kanyang kili-kili at naglakad na papunta sa tindahan ni Aling Nena.
Nang
makarating siya doon, ay kaagad siyang naupo sa sementadong upuan na nasa tapat
ng tindahan.
“Mang Felipe… Isang bote nga…” sabi ni
Anton sa tinderong si Mang Felipe na nagbabantay sa loob ng tindahan.
Napatingin sa kanya si Mang Felipe mula sa loob. “Iinom ka na naman Anton?… Mukhang naging hobby mo na yata ang
pag-inom…”sabi nito kay Anton.
“Mang Felipe naman, walang pakielamanan…
Mabuti nga at nabibili pa ‘yung mga alak niyo eh…” katwiran ni Anton.
“Oo na…” sabi ni Mang Felipe. Kumuha
ito mula sa ref ng isang bote ng malamig na beer. “Oh…” sabi nito sabay abot ng bote kay Anton na binuksan na rin ng
matanda.
Pagkatanggap ni Anton ng bote ay kaagad niyang ininom ang laman nun.
Nasasanay na ang katawan niya sa maraming iniinom na beer araw-araw.
Ipinatong muna ni Anton ang bote ng beer sa upuan na inuupuan niya
pagkatapos ay inalis na niya mula sa pagkakaipit sa kili-kili ang diyaryong
binili niya kanina. Kaagad niya itong binuklat. Bumungad sa mga paningin niya
ang front headline.
Respetado at pinaka-successful na business
tycoon sa Pilipinas, Ikinasal na…
Biglang nag-apoy ang
mga mata ni Anton sa nakitang malaking litrato na nasa unahan pa talaga ng
diyaryong kanyang nabili. Napailing-iling siya at hindi makapaniwala. Namuo ang
mas matinding galit at sakit sa kanyang dibdib.
Kitang-kita ng dalawa niyang mga
mata ang napakalaking litrato. Nasa litratong iyon ang isang lalaking hindi
kailanman naging pamilyar ang mukha sa kanya. Gwapo ito at kahit hindi niya pa
ito nakikita at nakikilala, alam niyang may sinabi ito sa buhay. Nakasuot ang
lalaki ng puting suit na pinapalooban ng isang puti ring polo at black na
necktie.
Katabi ng lalaking nakikita niya sa litrato ang isang babaeng
napakapamilyar hindi lamang sa kanyang mga mata kundi pati sa kanyang isipan.
Ang babaeng kanyang minamahal. Ang babaeng nagwasak rin ng kanyang puso.
Nakasuot ito ng puting wedding gown na mukha talagang pinagawa pa sa isang kilala
at respetadong fashion designer dahil sa mukhang mamahalin ito.
“Paano mo nagagawang ngumiti ng ganyan
pagkatapos mo kong saktan?” tanong ni Anton habang nakatingin sa litrato ni
Diana na naroon rin sa front page katabi ng isang lalaki. “Kaya pala hiniwalayan mo ako kasi…”sabi pa ni Anton pero hindi na
itinuloy pa ang sasabihin. Nanginginig na ang kanyang mga kamay sa sobrang
galit na nararamdaman. Paanong nagagawa ni Diana na magpakasaya habang siya,
nagdurusa at nasasaktan sa ginawa nito? Hindi man lang ba nito naisip ang
kalagayan niya?
“Napakasama mo Diana! Napakasama mo!” galit
na sabi ni Anton sabay hagis ng bote ng beer sa kalsada. Nagulat tuloy ang
ibang taong nakapaligid doon dahil sa ginawa niyang pagbabasag ng bote pero
wala siyang pakielam sa mga ito. Matinding sakit ang pinagdadaanan niya ngayon.
Napahinga ng malalim si Anton at napapikit ng mga mata. Hindi siya pwedeng
maiyak ngayon. Tama na ang isang beses na hinayaan niyang tumulo ang kanyang
luha ng dahil kay Diana.
Muling idinilat ni Anton ang kanyang mga mata at tiningnan muli ang
hawak na diyaryo. Binasa niya ang mga nakalagay doon.
“Kahapon kayo ikinasal… Harold Angelo
Rodriguez, CEO ng Rodriguez International… Kaya pala nagawa mo akong iwan dahil
sa napakayaman ng lalaking nabingwit mo… Kakaiba ka talaga Diana… Kakaiba ka…” galit
na galit na sabi ni Anton habang nakatingin muli ang mga mata nito sa litrato
ni Diana na abot-tenga pa ang ngiti. Parang walang ginawang kasalanan sa kanya.
Biglang nilamukos ni Anton ang diyarong hawak hanggang sa maging parang
bola ito. Napakuyom siya ng kamao sa sobrang galit na kanyang pinipigilan
lamang sumabog.
“Bakit mo ito nagawa sa akin Diana?...
Bakit mo ito nagawa sa akin?... Wala naman akong ginawa kundi ang mahalin ka ng
buong puso ko pero nagawa mo sa akin ito…” sabi ni Anton sa kanyang sarili.
Napatingin si Anton sa maaliwalas na kalangitan. Napakaaliwalas ng
kalangitan pero ang buhay niya, hindi na kasing-aliwalas na gaya ng dati.
“Pagbabayarin kita Diana sa ginawa mong ito
sa akin… Pagbabayarin kita! Guguluhin ko ang buhay mo kasama ng lalaking
ipinagpalit mo sa akin at gagawin ko iyong mala-impyerno… Humanda ka na Diana…
Humanda ka na sa bagsik ng paghihiganti ko… Ipapakita at ipaparanas ko sayo
kung paano magalit ang isang Anton Dela Cruz! Gagawin ko ang lahat para
maranasan mo rin ang sakit at pagdurusa na ipinaranas mo sa akin…”galit na
galit ang mga mata ni Anton kagaya ng galit na galit na tono ng kanyang boses. “Lintik lang ang walang ganti… Isasama ko
na rin ang lalaking sumira sa ating dalawa… Maghintay lamang kayong dalawa…” sabi
pa nito.
- - -- -
-- - - - - -
“Congratulations… You’re wife is 3 months
pregnant…” masayang
sabi ni Doktora sa mag-asawa.
“Talaga ho doc?” hindi makapaniwalang
tanong ni Harold kay Doktora. Hindi kasi siya makapaniwala na after 6 months ng
pagpapakasal nila at honeymoon, nakabuo na rin sila ni Diana.
“Yes Mr. Rodriguez… You will be a Daddy,
soon…” nakangiting sabi ng doktora kay Harold. Nakaupo ito sa kanyang
swivel chair habang nasa harapan naman ng kanyang mesa at nakaupo sa magkabila
at magkatapat na upuan sila Diana at Harold. Nasa opisina sila ngayon ng
doktora.
Napatingin si Harold kay Diana. Tulad niya, abot-tenga rin ang ngiti ni
Diana.
Tumayo si Harold mula sa kanyang inuupuan at nilapitan si Diana. Bigla
niya itong niyakap.
“Thank you so much wifey… Hindi mo lang
alam kung gaano ako kasaya ngayon…” pabulong na sabi nito sa asawa habang
sinusubsob ang mukha nito sa leeg ni Diana. Sa wakas, malapit na siyang maging
isang ama. Malapit na rin niyang matupad ang hiling ng kanyang ina.
Napangiti si Diana. “Ako rin,
napakasaya ko at mas lalo akong masaya dahil napasaya kita. Napakasaya ko at
nagbunga na ang ating pagmamahalan hubby…” sabi ni Diana at niyakap na rin
ng magkabilang braso niya si Harold. Mahal na mahal na niya si Harold. Simula
ng ligawan siya nito hanggang sa maging boyfriend niya ito at ngayon ay naging
mag-asawa na sila, mas lumalim ang nararamdaman niyang pagmamahal dito.
Naghiwalay na sa yakapan ang dalawa. Hindi naaalis ang ngiti sa labi ng
isa’t-isa.
May mga
sinabi pa si Doktora tungkol sa pagbubuntis ni Diana. Mga pointers and
reminders para maging maganda ang pagdadalantao ni Diana at para na rin maging
malusog ang mag-ina.
Tuwang-tuwa naman si Madam Esmeralda sa ibinalita nila Harold at Diana.
Sa wakas, matutupad na ang pinapangarap niyang magka-apo. Akala kasi nila na
false alarm lamang kapag nagsagawa ka ng pregnancy test. Minsan kasi, hindi
accurate ang result nun. Positive naman ang lumabas doon pero mas gusto rin
nila makasigurado kaya nagpunta na sila sa doctor at nagpa-check-up.
Tunay
na ngang masaya ang pagsasama nila Harold at Diana. Wala nang mahihiling pa.
Pero hindi gaya ng fairy tales na habang buhay ng masaya, ang kasiyahan nilang
ito ay malapit ng maputol dahil sa paghihiganting pinaplano na ngayon ni Anton.
Paghihiganting magiging isang laro para kay Anton. Larong sisguraduhin niyang
siya ang magwawagi.
-KATAPUSAN
NG IKAANIM NA KABANATA-
#TheBrokenMansGame
IKAPITONG
KABANATA: ANG MAITIM NA SIKRETO NI HAROLD AT ANG PAGSISIMULA NG LARO NI ANTON
WARNING:
RATED SPG (CONTAINS SCENES NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG READERS PARENTAL CONTROL
IS ADVISE) THEME: SEX
Nakaharap sa may
kalakihang salamin si Anton na nasa loob ng banyo. Hawak-hawak nito ang razor
at kasalukyang inaahit ang kanyang bigote at balbas.
Kitang-kita mula sa repleksyon ng salamin ang gwapo niyang mukha. Ang
mukha na kung saan maraming babae ang naglalaway kapag ito’y nakita. Ang
mapang-akit nitong mga mata, ang may katangusan nitong ilong at ang labi na
pinapangarap ng mga babae na matikman at mahalikan.
Kita
rin sa repleksyon sa salamin ang magandang hubog ng upper body nito. Pantay ang
kulay ng balat sa katawan, ang maumbok at matigas nitong dibdib na kay sarap
himas-himasin, ang may pagkabrown nitong nipples na medyo may kalakihan, ang
tiyan nito na may matitigas na anim na pandesal. Ang buhok nito sa ibaba ng
pusod pababa sa natatakpan at nakatagong puri nito.
“Ito na ang tamang oras para isagawa na ang
mga plano ko… Ito na ang oras nang paniningil…”sabi ni Anton sa sarili.
Gumuhit sa labi nito ang ngiting demonyo.
- - - - -
- -- - - - - - - -
Nakatayo sa kabilang kalsada si Anton habang
nakasunod ang mga tingin nito kay Harold na ngayon ay papasok naman sa bar na
nakatayo naman sa kaliwang kalsada. Talagang hindi nito inaalis ang tingin niya
sa lalaking naging dahilan kung bakit sila nagkasira ni Diana. Namuo na naman
tuloy ang galit na nararamdaman sa kanyang dibdib.
Talagang nag-research siya tungkol kay Harold. Tipikal na negosyante
lamang ito na maraming negosyo at ari-arian. At ngayon nga, hindi na lamang ito
isang ordinaryong negosyante na successful at maraming negosyo kundi isa ng
haligi ng tahanan dahil sa may asawa na ito. Hindi na siya nagtataka kung bakit
ito ang napili ni Diana kaysa sa kanya. Talagang sinusundan niya ito kahit saan
kaya nagmistula siyang stalker ng isang lalaki. Pero ganun talaga kapag may
binabalak. Pati nga ang tirahan nito, alam na niya.
Nang
nakita niya na nakapasok na si Harold sa bar, naglakad na siya patawid sa kabilang
kalsada.
Sandali pa siyang tumayo sa harapan ng bar. Mukhang mamahalin ang
nasabing bar dahil sa labas pa lang, maganda na ito. Dagdagan pa na ang mga
pumapasok na tao dito ay pawang may mga sinabi sa buhay base sa suot na mga
kasuotan ng mga ito. Napatingin tuloy si Anton sa kanyang sarili. Mukha namang
disente at maayos ang kasuotan niya at hindi naman siya papahuli sa mga ito.
May mukha naman siya kaya kahit na mumurahin lang ang damit na kanyang suot,
nadadala naman ito ng kanyang gwapong mukha.
Naglakad na si Anton papunta sa entrance ng bar, may humaharang na guard
para isa-isahing tingnan ang mga taong pumapasok at nag-iinspect na rin. Wala
namang entrance fee sa pagpasok dito sa bar. Marahil binabawi nila ang bayad sa
pagpasok dito sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga alak na kahit beer lang ay
kasing presyo naman ng isang mamahaling alak.
You're the
light, you're the night
You're the color of my blood
You're the cure, you're the pain
You're the only thing I wanna touch
Never knew that it could mean so much, so much
You're the color of my blood
You're the cure, you're the pain
You're the only thing I wanna touch
Never knew that it could mean so much, so much
Pagkapasok ni Anton sa loob ng bar,
bumungad sa kanya ang patay-sinding mga ilaw at malakas na tutog ng kanta…
Tipikal na nakikita sa isang bar.
You're the fear, I don't care
Cause I've never been so high
Follow me to the dark
Let me take you past our satellites
You can see the world you brought to life, to life
Cause I've never been so high
Follow me to the dark
Let me take you past our satellites
You can see the world you brought to life, to life
Pero
tipikal man sa isang bar ang mga malalakas na tugtugin at patay sinding mga
ilaw, nagulat si Anton sa iba pa niyang mga nakita…
So love me like you do, love me like you do
Love me like you do, love me like you do
Touch me like you do, touch me like you do
What are you waiting for?
Love me like you do, love me like you do
Touch me like you do, touch me like you do
What are you waiting for?
Sa
malawak na loob ng bar, nagkalat ang mga tao… Puro lalaki at ‘yung iba ay may
sinabi ang mga itsura dahil mga gwapo ito at ang mas nakakagulat pa, kung hindi
naghahalikan ang mga ito, nagyayakapan o di kaya ay naghihipuan sa kung
saan-saang parte ng katawan. Nakaramdam tuloy siya ng pandidiri. Kahit naman
may kadiliman ang nasabing lugar, naaaninag pa rin naman ng mga mata niya ang
mga tao at nakikita niya ang mga ginagawa ng mga ito.
“Anong klaseng lugar ito?” tanong ni
Anton sa sarili. Pamaya-maya ay napangiting demonyo ito dahil sa naisip. “Mukhang alam ko na kung ano ito… At
mukhang alam ko na kung ano ka… Harold…”sabi pa nito sa sarili habang
nakangiti pa ring demonyo.
Napailing-iling na lamang si Anton at naglakad patungo sa bar counter. “Lalaking-lalaki sa panlabas na anyo pero
lalaki rin pala ang hanap…” sabi nito sa sarili. Hindi niya
inaasahan at inakala na may ganito palang lugar sa syudad. Ang alam niya kasing
mga bar ay ‘yung mga pambabae at panlalaki.
Fading in, fading out
On the edge of paradise
Every inch of your skin is a holy grail I've got to find
Only you can set my heart on fire, on fire
Yeah, I'll let you set the pace
Cause I'm not thinking straight
My head spinning around I can't see clear no more
What are you waiting for?
On the edge of paradise
Every inch of your skin is a holy grail I've got to find
Only you can set my heart on fire, on fire
Yeah, I'll let you set the pace
Cause I'm not thinking straight
My head spinning around I can't see clear no more
What are you waiting for?
“Isang beer nga pare…” sabi
niya sa nakatokang bartender sa counter pagkalapit niya dito.
“Hard ba?” maangas ang boses na tanong ng
bartender kay Anton.
Tumango naman si Anton bilang sagot sa tanong ng bartender.
Umalis na muna sandali ‘yung bartender para ikuha siya ng beer.
Nagsimula namang tumingin-tingin si Anton sa loob ng bar at hinanap ang kanyang
target.
“Ito na ‘yung Beer niyo Sir…” sabi ng
bartender matapos makakuha ito ng beer.
Tinanggap naman iyon ni Anton at ininom na kaagad ang inorder na beer
pagkatapos ay muling inilibot ang mga paningin.
Love me like you do, love me like you do
Love me like you do, love me like you do
Touch me like you do, touch me like you do
What are you waiting for?
Love me like you do, love me like you do
Touch me like you do, touch me like you do
What are you waiting for?
“Bingo!” sabi
ni Anton sa sarili ng makita na ng kanyang mga paningin si Harold. May kausap
itong lalaki. Napangiti siya. “Bukod sa
asawa mo, may iba ka pa palang kalaguyo…” sabi pa nito sa sarili sabay
lagok muli ng beer.
“Mabuti naman pare at dumating ka…” sabi
ni Henry kay Harold. Bestfriend ni Harold at kasosyo na rin sa negosyo. Katulad
niya rin ang lalaking ito.
“Paanong hindi ako darating eh kinukulit mo
ako…” sabi ni Harold sa kaibigan. Katulad niya, gwapo si Henry kaya madali
na rin dito ang makabingwit. May kaliitan nga lang ang height pero kahit na may
kaliitan ito, hindi naman ito pahuhuli sa laki… Minsan na rin kasi itong
natikman ni Harold. In short, nagtikiman
sila pero ang ginawa nila noon ay nanatiling lihim lamang at walang pwedeng
makaalam. Saka isang beses lang naman nangyari iyon. Dahil nga doon ay naging
mag-bestfriends sila kung saan alam nila ang lihim ng isa’t-isa. Dati
Bestfriend… with benefits niya si Henry ngayon bestfriend na lang. Kailanman
din ay hindi sila nagkaroon ng relasyon, bestfriend lang talaga ang tingin nila
sa isa’t-isa.
“Oo nga pala Pare… Congrats at isa ka na
talagang haligi ng tahanan ngayon… Sayang nga lang at hindi ako nakapunta sa
kasal mo… Alam mo naman kapag negosyante, kailangan unahin ang negosyo…” sabi
ni Henry.
Napangiti si Harold. “Ok lang
iyon Pare… Naiintindihan ko kung hindi ka nakadalo… Pero sayang nga lang pare
at hindi kita naipakilala kay Misis…” sabi ni Harold. Hawak na nito ang
isang glass ng wine na kanina pa inorder ni Henry. Uminom siya ng konti.
“Oo nga pala… Speaking of Misis, kumusta na
ang misis mo? Balita ko kasi nanganak na siya…”
“Ah Oo… Lalaki ang naging anak namin at
syempre napakagwapo nito katulad ko… Nasa ospital pa sila ngayon para
obserbahan pa at gawan pa ng ilan pang mga test bago lumabas…” sabi
ni Harold.
“Naks naman! Isa ka nga talagang tunay na
haligi ng tahanan… So anong pakiramdam ng pagiging isang ama at asawa…” tanong
ni Henry.
“Pakiramdam? Bilang asawa, ok naman… Pero
bilang ama ng anak ko, napakasaya ko… Alam mo iyong pakiramdam na sasabog na
iyong puso mo sa sobrang saya kasi sa wakas, nakita mo na iyong anak mo na
matagal mo ring hinintay na lumabas sa tiyan ng nanay niya? Napakasaya ko pare…
Walang mapagsidlan ang saya ko…” sabi nito sabay ngiti ng abot-tenga.
“Mukha nga na napakasaya mo… Sana nga lang
hindi magmana sayo ang anak mo… alam mo na para maituloy pa niya ang lahi ng
mga Rodriguez…” pabirong sabi ni Henry.
“Tarandatado…” natatawang sabi ni
Harold kay Henry.
“Pero ito Pare seryoso… Hindi mo ba
sasabihin sa misis mo?” tanong ni Henry.
Nangunot ang noo ni Harold. “Ang
alin?” tanong nito habang nagtatakang nakatingin kay Henry.
“Alam mo na ang ibig kong sabihin pare…
Kailan mo balak sabihin sa asawa mo ang tunay na ikaw?” tanong ni Henry.
Napaiwas ng tingin si Harold kay Henry.
“Hindi na niya kailangan pang malaman at
hindi niya rin iyon malalaman kung walang magsasabi…”
“Pero pare… Matagal ka nang naglilihim sa
kanya… Asawa mo siya kaya may karapatan siyang malaman ang tungkol sa pagkatao
mo… Paano kung may makita siya? Eh di patay ka na niyan…” sabi
ni Henry.
Napatingin si Harold kay Henry. “Asawa
ko lang siya…” sabi nito. “Saka wala
siyang makikita at malalaman kasi magaling akong magtago…” sabi pa nito.
Ininom muli ang wine na nasa kanyang hawak na baso.
Sa
likod ng gwapong mukha at matipunong katawan ni Harold, nagtatago ang
pagkataong matagal na nitong itinatago sa lahat. Isa siyang discreet bisexual.
Pwede sa babae pero mas gusto niya sa lalaki. Marami na siyang naging
girlfriend dahil na rin sa kagwapuhan niya pero nakikipagrelasyon lang siya sa
mga babae para maging front lamang niya ang mga ito para hindi malaman ng iba
ang kanyang itinatagong tunay na pagkatao.Lalaking-lalaki naman kasi siya sa
panlabas na anyo at sa kilos kaya hindi siya halata kahit na ang mga naging gf
niya, hindi man lang siya nahalata. Pero marami man siyang naging gf, never
naman siyang nagkaroon ng boyfriend. Flings at one night stand lang ang naging
relasyon niya sa mga lalaking nakikilala niya at hindi na lumalagpas pa roon.
Hindi sa ayaw niya ng relasyon, sa totoo nga lang, gusto na niyang maramdaman
kung ano ang pakiramdam ng inlove kahit sa lalaki o babae man niya ito
maramdaman kasi kailanman ay hindi pa niya iyon naramdaman. Gusto niya rin na
magkaroon ng relasyon na seryoso, yung may pagmamahal. Kumbaga, may
pagkadesperate lang siya na mainlove. Ewan ba niya sa sarili niya kung bakit
mahirap yata sa kanya ang ma-fall. Pero naisip niya, kaya siguro hindi pa siya
naiinlove ay dahil para mailigtas siya sa kung anumang panganib ang dala ng
pag-ibig at saka blessing in disguise na rin siguro na hindi pa siya naiinlove
kasi may iniingatan kasi siyang sarili at reputasyon. Ayaw niyang may makaalam
na isa siyang alanganin kaya mas mabuti ng hanggang sex lang ang maging ugnayan
nila ng mga lalaking nakikilala niya para hindi na rin maging komplikado ang
lahat para sa kanya.Kailangan niyang ingatan hindi lamang ang kanyang
reputasyon kundi pati na ang kanyang puso. Alam na rin naman kasi niya na
kumplikado ang pag-ibig para sa mga kagaya niya. Dito nga lang rin siya sa apat
na sulok ng bar na ito nagiging malaya na gawin ang nais niya. Dito niya
nailalabas ang totoong siya na matagal na rin niyang itinatago. Mahirap magtago
pero kailangan niyang gawin iyon para na rin hindi masira ang kanyang
reputasyon at ng kanyang pamilya. Hangga’t kayang itago, gagawin niya. Kahit na
itago pa niya ito habang buhay. Kahit na si Diana, hindi pwedeng makaalam ng lihim
niya. Sapat na ang ina at si Henry na lamang ang makaalam ng kung ano siya.
Pinagkakatiwalaan niya ang mga ito at mabuti naman ay hindi sinisira ng mga ito
ang kanyang tiwala.
Yeah, I'll let you set the pace
Cause I'm not thinking straight
My head spinning around I can't see clear no more
What are you waiting for?
Cause I'm not thinking straight
My head spinning around I can't see clear no more
What are you waiting for?
Napailing
si Henry sa sinabi ng kaibigan. “Bahala
ka… Buhay mo naman ‘yan…” sabi nito sabay inom ng alak na nasa wine glass
na hawak nito. Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.
“Pare… Tingnan mo… Kanina ko
pa napapansin na nakatingin sayo ang lalaking iyon…”sabi
ni Henry kay Harold pero ang tingin, nasa lalaking kanina pa tumitingin kay
Harold.
“Nasaan?” tanong ni Harold at
napatingin rin sa lalaking tinitingnan ni Henry.
Nakita niya mula sa bar counter ang lalaki. Nakatayo ito roon at umiinom
ng beer. Kahit na may kadiliman ang bar, naaaninag pa rin niya na matangkad ang
lalaki. Mukhang gwapo. Talaga ngang nakatingin ito sa kanya.
Hindi
maalis ni Harold ang tingin sa lalaki. Pakiramdam niya, namagnet siya sa lagkit
ng tingin nito. Hindi naman kasi kalayuan ang bar counter sa kinatatayuan nila
kaya nakikita niya pa rin ito. Ang mga mata nito’y parang nang-aakit tumingin.
Mas
lalo pang hindi naalis ni Harold ang tingin dito ng makita niya ang ngiti nito.
Napakgwapo ngumiti.
“Teka lang Pare, Lalapitan ko lang para
tanungin kung bakit siya nakatingin sa akin…” sabi ni Harold pero dahilan
lang niya iyon. Gusto talaga niya na lapitan ang lalaki. Umandar na naman ang
kalandian. Hahaha!
“Sus! Ang sabihin mo, nalibugan ka sa
kanya! Hahaha!” pang-aasar habang natatawa na sabi ni Henry sa papalayo na
sa kanyang si Harold.
‘Tinablan
na siya…’ sabi ni Anton sa kanyang isipan sabay inom sa bote ng beer. Nakita
niya kasi na papalapit na si Harold sa kanya. Napangiti siya. Kanina pa talaga
niya tinitingnan si Harold at inaakit na rin. Alam na rin naman niya kung anong
pagkatao nito. Wala namang tunay na lalaki ang papasok sa ganitong klase ng
bar. Except lang siya kasi siya, kaya siya pumasok dito ay sa kadahilanang may
pakay siya.
“Pare… May problema ka ba? Bakit kanina ka
pa nakatingin sa akin?” maangas pero may pagkamalambing ang boses na tanong
ni Harold sa lalaki ng makalapit siya dito.
Napatingin si Anton kay Harold. Ngayon, magkaharap na sila ng lalaking
tahasang nang-agaw ng nobya. Hindi maitatanggi ni Anton na gwapo itong bago ni
Diana. Pero alam niya na mas gwapo siya at siyempre, tunay siya. Ito… peke.
Sandaling natulala si Harold sa kinatatayuan. Mas gwapo pa pala ang
lalaki kapag malapitan. Ang mga mata nito na kung tumingin ay parang
nang-aakit, ang matangos nitong ilong at ang labi nito na parang kaysarap
halikan. Napapalunok tuloy ng laway si Harold.
Napababa ang tingin nito sa katawan ni Anton. Matipuno ang katawan nito
na hubog na hubog sa suot na polo at kitang-kita niya ang itaas na bahagi ng
dibdib nito na maumbok kasi nakabukas ang first two buttons nito. Muli na
namang napalunok ng laway si Harold.
Napababa pa ng tingin si Harold. Ngayon, nakatitig na ang mga mata niya
sa zipper ng suot nitong pantalon. Halata ang pagkakabukol ng kung ano mang
nasa loob. Nagwawala na tuloy ‘yung kanya. Talagang nag-iinit siya. Hindi na
niya maitago ang sarili niya dahil sa nakakatakam talaga ang lalaki sa paningin
niya.
Napangiti si Anton. Ngiting tagumpay.
“Pare…” kalmado na sabi nito sabay
tapik sa balikat ni Harold kaya nagulat at bumalik naman sa realidad ang huli
at tumingin sa mukha ni Anton. “Masama
ka na bang tingnan ngayon?” tanong ni Anton. Nakita niyang pinagpapawisan
si Harold.
Mabuti na lamang at kahit papaano’y bumalik na sa sarili si Harold.
Tinanggal nito ang pagkakapatong ng malapad na kamay ni Anton sa kanyang
balikat. Ang lakas kasi ng boltahe ng kuryente na naramdaman niya mula rito na
dumaloy sa kanyang… kaya lalong nanigas. Bakat na nga sa suot nitong pantalon
eh.
Tinitigan niya si Anton. “Oo
pare, masamang tumingin lalo na kung hindi naman kita kilala… Teka nga, kilala
mo nga ba ako kaya mo ako tinitingnan?” tanong ni Harold. Pinipilit niya
ang kanyang sarili na maging normal pa rin sa harapan ng lalaking ang lakas ng
epekto sa kanya.
Ngumiti si Anton. “Hindi kita
kilala…”sabi ni Anton. ‘Kilalang-kilala…’ sabi nito sa kanyang
isipan. “Tinitingnan lang kita kasi, may
iba akong nakita sayo… Ewan ko ba…” sabi pa ni Anton. “Oo nga pala… Ako si Anton, ikaw?” pagpapakilala sa sarili at
tanong pa nito sabay lahad ng kamay.
Napatingin si Harold sa nakalahad na kamay ni Anton. Pamaya-maya,
napabuntong-hininga siya saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Anton. Magsapang
ang kamay nito pero ang sarap hawakan. Libo-libo ring boltahe ng kuryente ang
naramdaman niya. Hindi na lamang siya nagpahalata na naaapketuhan siya.
“Harold…” pagpapakilala naman ni Harold
sa sarili. Ito na rin ang unang bumitiw sa pakikipag-kamay.
“Wala ka bang kasama ngayon?” tanong ni
Harold.
Nagkibit-balikat at umiling si Anton. “Wala… Pero ngayon, meron na…” sabi nito sabay ngiti ng matamis kay
Harold. ‘Tablan ka pa…’ sabi ni Anton sa kanyang isipan.
Napatingin si Harold kay Anton at tumitig sa gwapong mukha nito.
“May gusto ka ba sa akin?” diretsahang
tanong nito.
Tumitig si Anton sa mapupungay na mata ni Harold. Ewan niya pero parang
may nararamdaman siyang kakaiba habang nakatitig siya sa mga mata nito. Hindi
na lamang niya pinansin.
“Ikaw? May gusto ka ba sa akin?” mapang-akit
ang boses na tanong rin ni Anton.
“Kanina… Wala, pero ngayon…”
Nagulat
na lamang si Anton ng biglang inilagay ni Harold ang magkabilang braso nito sa
kanyang leeg. Lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Tinitigan siya nito sa mga
mata.
“Meron na…” mapang-akit ang boses na
sabi nito at hindi niya inaasahan ang ginawa nito.
Biglang idinampi nito ang labi sa kanyang labi. Hindi siya makakilos.
Gulat na gulat. Sumisigaw ang kanyang utak na kadiri ang ginagawa nito sa kanya
kaya itulak niya si Harold pero ‘yung katawan niya, parang gustong-gusto ang
nangyayari at hindi niya alam kung bakit.
Damang-dama ng dalawa ang init ng labi ng isa’t-isa. Naging malalim ang
halikan ng dalawa. Bumigay na si Anton. Napayakap na siya sa bewang ni Harold.
Napapikit ng mga mata ang dalawa. Bumuka ang labi nito kaya malayang nakapasok
ang dila ni Harold sa bibig nito. Kapwa naglalaro na ang dila ng bawat isa sa
loob ng kanilang mga bibig habang naghahalikan. Malalim, mainit, mapusok.
Naramdaman na lamang ni Anton na tinanggal ni Harold ang kanang kamay
nito na nakapalupot sa kanyang leeg at bigla na lamang itong pumasok sa kanyang
suot na polo. Wala pa naman siyang suot na sando sa loob kaya damang –dama niya
ang init ng palad nito. Hinahaplos-haplos nito ang kanyang dibdib pati na rin
ang kanyang six pack abs. Ngayon, dama na ng palad ni Harold ang matipunong
katawan ni Anton na kanina pa niya pinaglalawayan.
Napasinghap si Anton ng maramdaman niyang nilalamutak na ni Harold ang
kanyang kaliwang utong. Hindi niya alam kung bakit siya nasasarapan ngayon sa
ginagawa nilang dalawa. Alam niyang lalaki siya at hindi siya kailanman
nalibugan pagdating sa kapwa lalaki pero bakit kay Harold? Tinatablan siya?
Ramdam na ni Harold ang katigasan ni Anton na dumidikit sa kanyang
harapan kaya bumaba ang kamay nito sa zipper ng pantalon ni Anton. Kinapa-kapa
niya ito. Damang-dama ng palad niya mula sa labas ang katigasan at kalakihan
nito na naninikip na sa loob ng suot nitong pantalon. Napansinghap na naman si
Anton sa naramdamang paghawak at pagkapa-kapa ng kapareha sa kanyang
sensitibong parte.
Naghiwalay sa paghahalikan ang dalawa. Habol ang hininga nila. Hawak pa
rin ni Harold ang kaselanan ni Anton. Napadilat sila ng mga mata.
Biglang namatay ang mga ilaw sa loob ng bar. Tanging malakas na tugtugin
na lamang ang nakasindi at nagbibigay ingay sa loob. Ito na ang
pinakamahalagang parte na nangyayari sa loob ng bar na iyon.
Naramdaman na lamang ni Anton na tinanggal sa pagkakabutones ang suot
niyang pantalon at bumaba ang zipper nito. Gustuhin man niyang pigilan pero
talagang tinablan na siya. Marahil ay dahil sa matagal na rin siyang hindi
nakakapagpalabas kaya kahit na alam niyang lalaki ang kapareha niya, wala na
siyang pakielam. Basta ang mahalaga ngayon, mairaos ang libog na kanyang
nararamdaman.
Nabuksan na ang butones at naibaba na ni Harold ang zipper ng suot na
pantalon ni Anton. Ipinasok niya ang kamay niya sa loob. Damang-dama na niya
ang kahabaan at katigasan ni Anton kahit na nasa loob pa ito ng suot na brief.
Nakapaling pa sa kaliwa ang kahabaan nito.
Napaungol naman si Anton sa sensayon ng paghimas ni Harold sa kanya.
Napapapikit pa ito ng mga mata. Hindi niya alam kung saan hahawak at kung anong
gagawin. Mabuti na lamang at patay na ang ilaw kaya walang nakakakita sa
kanilang ginagawa at malakas ang tugtugin kaya walang nakakarinig sa ungol
niya. Ang hindi niya alam, hindi lang naman siya ang mag-isang umuungol doon.
Pamaya-maya, naramdaman na ni Anton na inilabas na ni Harold ang kanya.
Ngayon, hawak-hawak na talaga nito ang kanya. Napaungol muli siya ng maramdaman
ang pagtaas-baba ng mainit nitong palad sa kanyang makamandag na ahas.
Lumuhod si Harold sa harapan ni Anton habang hindi tinatanggal ang kamay
sa pagkakasakmal sa ahas ni Anton. Napangiti siya sa naamoy. Mabango at
lalaking-lalaki ang amoy. Matagal na rin siyang hindi nakakatikim ng laman ng
lalaki.
Naramdaman na lamang ni Anton na may mainit na hangin na bumuga sa
kanyang ahas kaya mas lalong nag-umigting ang kanyang nararamdamang libog.
Pamaya-maya, mas napalakas na ang kanyang ungol ng maramdamang may dumila sa
butas ng ulo ng kanya pagkatapos ay may bumalot na mainit sa kanyang ahas. Alam
na niya ang ginagawa ni Harold at talagang napapaungol siya. Napapikit siya ng
mga mata at dinama ang sarap ng pagtaas-baba ng bibig ni Harold sa kanyang
kaselanan.
Taas-baba si Harold sa ahas ni Anton. Punong-puno ang bibig nito dahil
sa laki ng kay Anton, sa tantya niya, nasa 8 inches ito, mataba ang katawan at
ang ulo. Hindi lamang niya makita kung anong kulay ng ulo nito dahil nga sa
madilim pero ramdam naman ng palad at bibig niya ang laki nito. Ginawa niyang
lollipop ang kahabaan ni Anton.
Pabaling-baling sa kaliwa’t-kanan ang ulo ni Anton at hindi alam kung
saan ihahawak ang kamay, Nanginginig na rin ang kanyang tuhod at anytime,
parang tutumba na siya. Ang sarap ng sensasyong binibigay nito sa kanyang ahas,
talagang higop kung higop at deep throat ang ginagawa nito. Kahit si Diana,
hindi ito nagawa sa kanya. Ang masarap na sandaling ito.
Kahit
na nabubulunan na si Harold ay todo pa rin ang pagblow-job niya sa kahabaan ni
Anton. Nakapikit ang mga mata nito. Sarap na sarap talaga siya sa lasa ng ahas
nito. Nalalasahan na rin niya ang paunang katas na lumabas mula sa ahas nito.
Mas lalo pa siyang ginanahan sa ginagawa dahil naririnig niya ang mga ungol
nito kahit na mas malakas pa ang tugtog ng kanta. Hindi rin nakaligtas sa bibig
niya ang dalawang may kalakihan at nakalawlaw na bola ni Anton na sabay nitong
isinubo at pinaglaruan na lalong nagpa-ulol kay Anton. Bumalik ang kanyang
bibig sa pagsubo sa kahabaan ni Anton. Naramdaman ni Harold ang paghawak ni
Anton sa kanyang ulo at halos sabunutan na nito ang buhok niya. Itinutulak rin
nito ang kanyang ulo para mas lalo pang bumaon sa kanyang bibig ang kahabaan
nito.
Kinapa ni Harold ang zipper ng kanyang suot na pantalon. Ibinaba niya
ito, ipinasok niya sa loob ang kanang kamay at inilabas mula sa kanyang suot na
brief ang naghuhumindig at napakatigas nitong pagkakalaki, nasa 7 inches ang
haba nito, may katabaan rin ang katawan na maugat at malaki ang ulo,
inumpisahan niyang magsariling sikap. Taas-baba ang kamay niya sa kanyang
pagkakalaki.
Namamayani ang ungol sa dalawa. Tanda na sarap na sarap sa kanilang
ginagawa.
Pamaya-maya…
“LALABASAN NA AKO!!!!!” sigaw na sabi
ni Anton ng maramdaman niyang paakyat na sa kanyang ahas mula sa bayag nito ang
katas niya. Mabuti na lamang at mas malakas pa rin ang tugtog kaya hindi
narinig ang isinigaw niya. Lalong napapikit ang kanyang mga mata.
Mas
pinag-igihan pa ni Harold ang ginagawa. Todo deep-throat at sipsip ang ginagawa
niya. Pabilis na rin ng pabilis ang ginagawa niyang pagjajakol sa kanyang
pagkakalalaki.
Pamaya-maya, nanigas na ang mga binti ni Anton, Napa-ungol ito ng todo
pagkatapos ay sumirit ang masagana nitong katas na pumuno lalo sa bibig ni
Harold. Nalasahan niya ang katas nito at nasiyahan siya sa lasa nito. Wala
itong sinayang sa katas ni Anton dahil nilunok niya lahat. Todo sipsip ang
ginawa nito hanggang sa malinis ang kabuuan ng ahas nito. Nanatili sa loob ng
kanyang bibig ang pagkalalaki ni Anton.
Pamaya-maya, nanigas na rin ang mga binti ni Harold at bigla na lamang
sumirit palabas ng kanyang pagkalalaki ang kanyang masaganang katas. Nagkalat
iyon sa sahig pero hindi siya nag-aalala na may makakita nun kasi alam naman ng
iba kung anong ginagawa ng mga tao rito. Saka hindi lang naman sila ang may
ginawang milagro ngayon, marami sila.
Idinilat
na nila ang kanilang mga mata, namamayani pa rin ang kadiliman sa lugar. Nang
maramdaman na ni Harold na lumambot na ang ahas ni Anton,inilabas na niya ito
sa kanyang bibig. Itinago na nito ang sariling pagkalalaki sa loob ng brief at
pantalon. Muling ibinalik sa pagkakabutones ang pantalon. Sinarado ang zipper.Pinunasan
ang bibig na may bakas pa ng katas. Pagkatapos ay pinunasan naman niya gamit ng
panyong ginamit rin niya ang ahas ng hinihingal na si Anton. Itinago na rin
niya ito sa loob ng suot nitong brief at pantalon, binutones ang pantalon at sinara
ang zipper pagkatapos gawin iyon ay tumayo na ito. Hingal na hingal man si
Harold sa ginawa pero inayos niya pa rin ang sarili. Inilapit niya ang kanyang
bibig sa tenga ni Anton.
“Walang makakaalam nito… Maliwanag?” bulong
na sabi ni Harold sa tenga ni Anton. “By
the way… Thank you… It’s a great experience.” Sabi pa nito pagkatapos ay
lumayo na ito rito at naglakad pabalik sa kaibigan nito. Doon nagbukas muli ang
mga ilaw na patay-sindi.
Hindi
nakapagsalita si Anton dahil sa sarap na naranasan niya. Hindi niya inakala na
sa ginagawa niyang ito, dito niya pa mararanasan ang kakaibang sarap ng unang pakikipagtalik
sa kapwa lalaki. Aaminin niya, nasarapan siya kahit na may kaunting pandidiri
siyang nararamdaman Hindi rin niya inakala na napakagaling ni Harold. Mukhang
sanay na sanay itong magpaligaya ng lalaki. Nalulungkot nga lamang siya para
kay Diana dahil maling lalaki pa ang napili nito at napakasalan dahil ang asawa
nito, hindi lang babae ang hanap kundi pati lalaki. Siguro karma na rin iyon ni
Diana. Ambisyosa kasi at mapanakit sa damdamin ng iba.
Tunay ngang wala ka ng pakielam sa kung sino
man ang kapareha mo basta tinablan ka ng libog. Sandali niya tuloy nakalimutan
kung ano nga ba talaga ang tunay niyang pakay.
Napatingin si Anton sa exit ng bar, nakita niya si Harold na papalabas
na kasama ang kaibigan nito, Hindi ito nakatingin sa kanya kasi nakikipagkwentuhan ito sa
kaibigan. Nagtatawanan pa. Muli, naisip niya ang totoong pakay niya kay Harold.
“Ngayong nagkaharap na tayo… Oras na para
ituloy ko pa ang iba kong plano na tiyak, ikagugulantang ninyo…” sabi ni
Anton sa kanyang sarili.
-KATAPUSAN NG IKAPITONG KABANATA-
#TheBrokenMansGame
IKAWALONG
KABANATA: ANG MAINIT NA PAGHAHARAP
Nakatingin si Harold
sa malawak na kalangitan kung saan nagkalat ang mga makikislap na mga bituin at
ang maliwanag na kabilugan ng buwan. Nakatayo siya ngayon sa terrace ng
mansion. Malalim ang kanyang iniisip.
Hanggang ngayon, hindi maalis sa isipan niya ang nangyari noong
nakaraang gabi sa bar. Hindi maalis sa isipan niya ang gwapong mukha ni Anton
at ang mga ginawa niya rito.
Aminado siya, talagang nagwapuhan siya kay Anton. ‘Yung tipong unang
nakita pa lamang niya ang angking kagwapuhan nito, para na siyang nakainom ng
isang nakakalasong kemikal na siyang nagpalambot at unting-unting tumutupok sa
kanya. Hindi rin niya alam nung mga panahong iyon kung bakit kasing bilis yata
ng race car ang tibok ng kanyang puso.
Hindi
naman siya iyong tipo ng bisexual na bumibigay kaagad pagdating sa lalaki.
Minsan, nakakapagpigil pa siya at namimili pero noong nakita niya si Anton,
lahat ng pagpipigil na kaya niyan gawin, hindi niya nagawa. Napakalakas ng
epekto nito sa kanya to the point na pati ang matigas na panlabas na anyo niya,
biglang nawala. Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang kalakas ang epekto
nito sa kanya na hanggang ngayon, ramdam na ramdam niya pa rin.
Napatingin si Harold sa kanyang palad. Hanggang ngayon, ramdam na ramdam
pa rin niya sa mga palad na ito kung gaano katigas at kalaki ang pagkalalaki ni
Anton. Parang ang palad niya mismo ang siyang kumabisa sa itsura at laki ng
pagkalalaki nito. Ang init at ang dulas ng katas nito na parang nakabakas pa
rin sa kanyang mga palad. Hindi tuloy niya naiwasang hindi tigasan sa sarili.
Parang ground lamang na bigla na lamang nagpatayo ng kanya. Napahawak rin siya
sa kanyang labi, hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang sarap ng labi nito.
Napailing-iling si Harold. Hindi na dapat niya iniisip si Anton at ang
mga ginawa nila. Nakalipas na iyon at hinding-hindi na mauulit pa. Napasimangot
si Harold. Hindi niya alam kung bakit sinasabi ngayon ng isip niya na parang
gusto niyang maulit iyon kahit na malinaw naman sa isipan niya na hindi pwede.
Kasalanan na nga iyong ginawa niya dahil naturingan pa naman siyang may asawa
at anak tapos pinagpipilitan pa rin ng isipan niya na dapat maulit iyon.
Naputol ang malalim na pag-iisip ni Harold ng maramdaman niyang may
yumakap mula sa kanyang likuran. Sa amoy pa lamang ng pabango nito, alam na
niya kung sino.
“Ang lalim naman ng iniisip ng hubby ko…
Care to share?” sabi ni Diana. Sinandal nito ang ulo sa
malapad na likod ni Harold. Pareho ng nakasuot ng pantulog ang dalawa.
Napabuntong-hininga si Harold. Narito ang asawa niya, iba naman ang nasa
isipan niya.
“Nothing… May iniisip lang tungkol sa
kumpanya…” pagpapalusot na sabi ni Harold. “Teka nga, gabi na huh, bakit hindi ka pa natutulog?” tanong pa ni
Harold kay Diana.
Napatingin si Diana kay Harold kahit na nakatalikod ito sa kanya. “Bakit ikaw? Hindi ka pa rin naman
natutulog huh?...” sabi ni Diana. Napangiti ito at mas hinigpitan ang yakap
sa asawa. “Saka hindi ako sanay ng hindi
ka katabi sa pagtulog kaya hindi pa ako makatulog…” malambing pa nitong
wika.
Napangiti ng tipid si Harold. “Ikaw
talaga… Oo nga pala, si Kiel?” tanong ni Harold. Ang tinutukoy nito ay ang
anak nilang si Kiel.
“Ayun… Tulog na kanina pa… Kaya matulog na
rin tayong dalawa para maaga tayo magising bukas.” Sabi ni Diana.
Napatango na lamang si Harold sa asawa at tinanggal na ang mga braso ni
Diana na nakayakap sa kanya at humarap dito. “Halika na wifey, matulog na tayo…” sabi nito sabay hawak sa kanang
kamay ng asawa at bahagya ng hinila para mapasunod at maglakad na sila
papuntang kwarto nila.
- - - - - -- - - - - - -
“Dito na lang manong…” sabi
ni Anton sa driver sabay bigay ng bayad niya rito.
Bumaba na siya ng taxi na sinakyan. Sinarado ang pinto nito pagkatapos
ay umalis na ang taxi.
Napatingin si Anton sa malaking mansion na nasa tapat lamang nang
binabaan niya. Napangiti siya ng mapait.
“Buhay prinsesa ka na siguro rito noh…
Kunsabagay, wala nga namang kahirap-hirap maging prinsesa kung gagamitin mo ang
kalandiang taglay mo…” sabi ni Anton sa sarili.
Hindi
maikakaila ni Anton na namangha siya sa laki at ganda ng mansion. Ngayon lang
kasi siya nakakita ng ganitong klase ng bahay. Ang alam niya kasi, sa pelikula
o teleserye lamang siya nakakita ng ganitong klase ng bahay pero ngayon,
kitang-kita na ng kanyang mga mata.
Napatingin si Anton sa malaking gate ng bahay. Napangiti muli siya pero
this time, ngiting tagumpay na.
“WANTED… DRIVER…” pagbasa ni Anton sa
nakapaskil sa gilid ng gate. “Mukhang
mas mapapadali na ang pagpasok ko sa buhay nila… Mukhang sang-ayon sa akin
ngayon ang tadhana ah…” sabi pa nito.
Lumapit si Anton sa gate ng mansion. Mabuti na lamang at lagi siyang
handa dahil may dala siyang resume. Siyempre, dapat kapag may pinaplano ka,
dapat hindi lang puro plano dapat handa ka rin na gawin ang plano mo.
“Anong kailangan mo?” may biglang
sumulpot na guard at lumapit sa kanya. Maangas magsalita ang isang ito eh hindi
naman kagwapuhan.
Napatingin si Anton sa guard. “Available
pa ba ito?” tanong ni Anton at itinuro ang placard na nakapaskil. “Mag-aapply sana ako…” sabi pa nito.
“Marunong ka bang mag-drive ng mamahaling
kotse?” maangas na tanong nito.
Nangunot ang noo ni Anton. Huwag siya nitong inisin umagang-unaga baka
dumanak ang dugo. “Pre… Sa tingin mo ba
mag-aapply ako kung hindi ako marunong mag-drive? Saka ano bang pinagkaiba ng
mamahaling sasakyan sa ordinaryo? Pareho lang naman iyon na dina-drive di ba?” maangas
rin na sabi ni Anton. Tinapatan na niya ang angas nito.
Napatango na lamang ang sekyu. “May
dala ka bang bio-data?” tanong nito.
Napangiti si Anton. “Meron…” sabi
nito sabay tanggal sa likuran ng nakasukbit na dala niyang bagpack at hinawakan
ito. Binuksan at kinuha mula roon ang dala niyang resume. “Oh…” sabi ni Anton sabay abot sa sekyu.
Tiningnan at binasa muna ito ng sekyu. Napatango ito.
“Sige pasok ka… Kailangan na kailangan rin
kasi ngayon nila Ma’am ng driver…” sabi nito at iyon nga, binuksan nito ang
maliit na gate na nasa tabi ng malaking gate at doon siya pinapasok.
Pagkapasok ni Anton sa loob, hindi nga siya nagkamali na mas maganda
talaga ang mansion kapag nakapasok ka sa loob. Bubungad kasi sayo ang mala-hardin
ng eden na garden ng mansion. Ang daming puno, halaman at mga bulaklak.
Nababalutan naman ng Bermuda grass ang magkabilang gilid na bahagi ng lupa at
sa gitna nito ay isang malawak sementadong daan kung saan tumutuloy patungo sa
pintuan ng mansion at sa iba pang bahagi ng bakuran. Sa gitna pa nga may isang
malaking fountain ng anghel.
Napalingon si Anton ng makita niya ang isang babaeng nakaupo sa coffee
table na nasa garden rin. Nagkakape ito habang nagbabasa ng diyaryo. Doon sila
lumapit ng sekyu.
“Ma’am… May nag-aapply po bilang driver…” sabi
ng sekyu sa babae.
Napatigil ito sa pagbabasa at tumingala na tumingin sa kanila. Maganda
ang babae kahit na alam ni Anton na may edad na ito. Mukha kasing veteran
actress ang itsura nito.
‘Ilan
kayang botox ang tinusok sa katawan nito para magmukha pa ring bata?’ tanong
ni Anton sa kanyang isipan habang natatawa.
Napangiti sa kanila ang babae at tumayo ito. “Mabuti naman at may nag-apply na rin sa wakas… Alam niyo kasi, ang
tagal na naming naghahanap ng driver pero wala namang nangangahas mag-apply
dito… Ewan ko ba…” sabi ng babae. Tumingin ito kay Anton. “Ikaw ba ang nag-aaply?” tanong nito.
Tumango si Anton. “Yes Ma’am…” magalang
na sagot ni Anton.
“Ma’am… Ito po iyong bio-data niya…” sabi
ng sekyu sabay abot nito sa babae. Tinanggap naman ito ng huli.
Napangiti ang babae sa sekyu. “Salamat…
Sige maaari ka ng bumalik sa pwesto mo.” Sabi ng babae.
“Sige po Ma’am… Maiwan ko na ho kayo…” sabi
ng sekyu at umalis na nga. Naiwan na lamang doon ay si Anton at ang babae.
Tiningnan at binasa ng babae ang hawak na papel na resume ni Anton.
“Anton Dela Cruz, 25 years old…” may
kalakasan ang boses na basa nito sa nakasulat. Nagpatuloy nitong binasa ang mga
nakasulat pero tahimik na siya.
Pagkatapos magbasa ay muli itong tumingin kay Anton na may nakaguhit na
ngiti sa labi. “Based on your profile, I
admit na marunong ka naman na mag-drive kaya bilang talagang naghahanap kami ng
driver ngayon, kukunin ka na namin…” sabi ng babae.
Napangiti
ng malawak si Anton. “Talaga ho?” tanong
nito.
Tumango si ang babae. “Yes…
You’re hired…” sabi nito.
“ By
the way… Ako nga pala si Esmeralda… Ang isa sa magiging amo mo… ‘Yung dalawa
pa, ‘yung anak ko at ang manugang ko… Kami lang naman ang ipagdadrive mo rito.”
Sabi ni Madam Esmeralda.
Tumango si Anton sa sinabi ng babae.
“Saka isa pa… during your working days…
dito ka sa mansion matutulog, particular sa workers area na naka-aasign sa
bawat trabahador namin dito. May mga sari-sarili kayong kwarto rito…. In short,
magiging stay in ka rito sa bahay… Pero huwag kang mag-alala, kapag day-off mo
naman, pwede kang umuwi sa bahay mo… Saka huwag kang mag-alala, malaki ang
kwarto at kasyang-kasya ka…” pabirong sabi ni Madam Esmeralda. Natawa lang rin
si Anton. ‘Mukhang mabait at palabiro ang nanay ni Harold huh…’ sabi ni
Anton sa kanyang isipan. Siyempre, alam na niya na ito ang ina ni Harold nung
una pa lang.
“Oo nga pala, regarding your salary…
Pag-usapan na lang natin iyon sa mga susunod na araw… It’s that ok?” tanong
ni Madam Esmeralda. Tumango na lamang si Anton sabay ngiti.
Habang sila’y nag-uusap, may lumapit na isang may katandaan ng katulong.
Napatingin tuloy sila rito.
“Ma’am… Pinapatawag po kayo ni Ma’am Diana,
handa na raw po ang almusal…” sabi ng katulong.
“Ah ganun ba… Sige susunod na kami…” sabi
ni Madam Esmeralda. Nag-bow naman ang katulong bilang paggalang pagkatapos ay
umalis na rin ito. Muling napatingin si Madam Esmeralda kay Anton. “Saktong-sakto… Nagluto ang manugang ko…
Halika at sumabay ka na sa amin mag-almusal…”
Napailing-iling si
Anton. “Huwag na po… Nakakahiya naman…”
“No… insist… Saka para maipakilala na rin
kita sa mga magiging amo mo dito sa mansion…” sabi
ni Madam Esmeralda. “Now let’s go…” sabi
nito. Napabuntong-hininga na lamang si Anton at sumang-ayon sa sinabi ng amo.
Nauna
ng maglakad si Madam Esmeralda at nakasunod rito si Anton. Lihim na napangiti
ng mapait si Anton. ‘Ipinagluluto mo pa talaga sila huh… Mabuti pa sila, nakakatikim ng mga
luto mo samantalang ako, hindi…’ sabi ni Anton sa kanyang isipan. ‘Pero
ngayon, makakatikim na rin ako… Ano kayang mas masarap? Iyong putahe na
inihahain mo sa mesa o ‘yung inihahain mo sa kama?’ tanong pa ni Anton
sa isipan.
Pagkapasok nila sa loob ng
mansion ay namangha na naman si Anton sa ganda ng loob. Para tuloy siyang
pumasok sa isang libro ng fairy tale… Mala-fairy-tale kasi ang ganda ng loob ng
mansion.
“Halika na at doon ang dining room…” sabi
ni Madam Esmeralda ng tumingin siya kay Anton at itinuro ng daliri niya kung
nasaan ang dining room. Tumango na lamang si Anton at sumunod dito.
“Ma…” sabi ni Diana ng makita niyang
nakapasok na sa dining room si Madam Esmeralda pero napahinto siya at nanlaki
ang mga mata niya ng makitang nakasunod rito si Anton. Literal na nanlaki ang
mga mata niya. Nanigas sa kanyang kinatatayuan.
“Wow! Mukhang masarap ang niluto mo Diana…”
sabi ni Madam Esmeralda at kaagad na itong naupo sa upuan na nasa
hapag-kainan. Nakahanda na sa mesa ang lahat ng pagkain at mga gagamitin. Hindi
napansin ng Madam ang reaksyon ni Diana.
Nang
mapansin ng Madam na hindi nagsalita si Diana tungkol sa sinabi niya ay
napatingin siya rito. Nangunot ang noo niya dahil sa reaksyon ni Diana.
Nagtataka marahil. Pero hindi na lamang niya iyon pinansin at tumingin kay
Anton.
“Oo nga pala… Siya si Anton, ang bago
nating driver…” pagpapakilala ni Madam Esmeralda kay Anton kay Diana.
Bumalik sa sarili si Diana at napatingin kay Madam Esmeralda. “Bagong driver ho?” tanong nito.
Tumango si Madam Esmeralda. “Yup…
Oh Anton, halika na at saluhan mo na kami sa pagkain… Oo nga pala, si Harold?” tanong
ni Madam Esmeralda kay Diana na hindi man halata pero kinakabahan.
“Ah… Eh… Nasa kwarto po ni Kiel… Teka lang
po tatawagin ko…”sabi ni Diana at kaagad na umalis sa dining room.
Napangiti si Anton sa nakitang reaksyon ni Diana ng makita siya. ‘Ang
lakas pa rin pala ng epekto ko sayo…’ sabi nito sa isipan. Biglang
napalitan ng pagtataka ang expression ng mukha niya. ‘Oo nga pala, sino si Kiel?’ tanong
pa nito sa isipan.
“Anton… Halika na at maupo ka na…” pag-aanya
muli ni Madam Esmeralda kay Anton na walang kaalam-alam sa nangyayaring tension
ngayon.
Naupo
na nga si Anton sa upuan na isang upuan ang pagitan mula sa inuupuan ni Madam
Esmeralda. Mahaba kasi ang lamesa kaya marami rin ang upuan na meron dito.
Napatingin si Madam Esmeralda kay Anton. “Oo nga pala, nabasa ko kanina sa resume mo na single ka… Ibig sabihin
hanggang ngayon hindi ka pa rin nag-se-settle down?” tanong ni Madam
Esmeralda kay Anton.
Napangiti si Anton ng mapait. “Dapat
po sana… Kaso may nangyari kaya ngayon, single pa rin ako…” sabi ni Anton.
“Ah… Do you mean dapat ikakasal ka na?
Ganun ba?” tanong ni Madam Esmeralda. Tumango si Anton.
Napatango na lang rin si Madam kay Anton at nagpatuloy na sa pagkain. “Ito oh… Masarap ito, I’m sure magugustuhan
mo…” sabi ni Madam Esmeralda sabay bigay kay Anton ng isang mangkok ng
caldereta para kumuha ito.
“Salamat po…”medyo nahihiyang sabi ni Anton
habang tinatanggap ang mangkok. Kumuha siya ng konting portion nun pagkatapos
ay inilapag na muli niya sa mesa ang mangkok.
“MA!” napalingon si Madam Esmeralda ng
marinig niyang sumigaw si Harold na papunta na ngayon sa dining area.
Buhat-buhat nito si Kiel. Napalingon rin si Anton at gaya ng reaksyon ni Diana
ng makita nito si Anton, ganun rin si Harold. Napahinto pa nga ito sa
paglalakad dahil sa gulat na makita ang lalaking hindi na naalis sa kanyang
isipan. Bumalik na naman sa isipan niya ang lahat ng nangyari. Napalunok tuloy
siya ng laway dahil parang mas gumwapo pa ito sa mga paningin niya. Napangiti
naman si Anton sa naging reaksyon ni Harold nang makita siya nito. ‘Mukhang
hindi niya pa ako nakakalimutan huh…’ sabi nito sa kanyang isipan.
“Hubby?” sabi ni Diana sa asawa.
Bumalik naman sa sarili si Harold at pinilit niya na huwag magpahalata na
naaapektuhan siya sa presensya ngayon ni Anton. ‘Bakit siya nandito?’ tanong ni Harold sa kanyang isipan.
Naglakad na muli sila Harold at Diana palapit kay Madam Esmeralda. “Ay! Tulog na tulog naman ‘yang apo ko…”
tuwang-tuwa na sabi ni Madam Esmeralda habang nakatingin sa apo na buhat-buhat
ni Harold.
Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ni Anton. ‘May anak na pala sila…’ sabi
ni Anton sa kanyang isipan at napa-buntong-hininga… ‘Parang dati lang, pangarap ko na
magkaroon ng anak… Noong mga panahong kami pa ni Diana…’ sabi pa nito
sa kanyang isipan.
“Oo nga pala…” sabi ni Madam Esmeralda
sabay tingin kay Anton. “Anton this is
my son, Harold and ito naman iyong asawa niya, si Diana… Sila rin iyong mga
ipagdadrive mo kung kailangan… And Harold and Diana, this is Anton, ang bago
nating driver…” pagpapakilala ni Madam Esmeralda sa kanila.
Naupo
sila Diana at Harold na buhat si Kiel sa katapat na dalawang upuan. Magkatabi
ang mga ito.
“Ma… Bakit mo naman siya tinaggap kaagad?
Marunong ba ‘yan mag-drive?” may pagkainis na tanong ni Harold. Ewan ba
niya kung bakit siya naiinis. Hindi rin siya ngayon makatingin kay Anton.
“Bakit iho? May problema ba sa kanya? Saka
hindi ko naman siya tatanggapin kung hindi siya…”
“Marunong ho akong mag-drive…” sabat
kaagad ni Anton habang nakatingin ng may ngiti sa labi kay Harold. Napatingin
rin sa kanya si Harold ngunit huli na para iwasan niya muli ito ng tingin kasi
nabihag na naman siya sa ganda ng ngiti nito sa kanya. “Kahit ano pa pong klase ng pagdadrive, kaya ko… Saka kahit saan…” sabi
pa nito pero may laman.
Lihim
na napalunok ng laway si Harold. Todo-todo ngayon ang kaba na nararamdaman
niya.
Si Diana
naman ay todo rin ang kaba kaya hindi niya rin napapansin ang kakaibang
ikinikilos ng asawa. Hindi rin ito makatingin kay Anton. Iniisip niya kung
paano kapag may nakaalam ng dating ugnayan nila ni Anton? Naku patay na siya.
Nagpatuloy sa pagkain ang lahat at sa pagkwekwento si Madam Esmeralda at
hindi man lang alintana at napapansin ang kakaibang ikinikilos ng tatlo na
pawang magkakakilala na.
‘Mukhang
wala pa sa kanilang dalawa ang nakakaalam kung anong klase kang babae… Diana…”
sabi nito sa isipan habang palihim na tumitingin kay Diana. Lihim na
napangiti.
- -
- - - - - - - - - - - - -
“Bakit ka nandito?” Anong ginagawa mo dito?” sunod-sunod
na tanong ni Diana kay Anton na sinundan niya rito sa garahe ng mansion. Medyo
malayo ang garahe sa kung saan nakatirik ang mansion pero nasa loob pa rin
naman ito ng bakuran. Walang makakarinig sa magiging usapan nila.
Napatingin si Anton kay Diana. Nangunot ang noo nito. “Ma’am? Ano pong ibig ninyong sabihin…”
“At ngayon… May amnesia ka na? Kailan pa?” sabat
kaagad ni Diana. Mataray at may galit.
Natawa ng pagak si Anton. Lumapit ng bahagya sa dating nobya na
nagpaatras naman sa huli. “Kahit kailan
talaga, napakataray mo…” sabi ni Anton. “Kaya siguro nainlove ako ng todo sayo…”
“Tumigil ka na!” pasigaw
na sabi ni Diana. “Ano bang ginagawa mo
dito huh? Sinusundan mo ba ako?” tanong ni Diana.
Muling natawa si Anton sa sinabi ni Diana. “Ikaw? Susundan ko? Bakit naman? Di ba matagal naman na tayong tapos so
ano pang dahilan para magpakatanga pa akong sundan ka?” tanong ni Anton.
Bahagyang napahiya si Diana sa sinabi ni Anton pero hindi niya pinahalata.
“Yun naman pala eh… Kung hindi mo ako
sinusundan, Bakit ka nandito huh?” tanong
muli ni Diana.
“Naghahanap ako ng trabaho saktong nadaan
ako dito…”
“Oh c’mon Anton! Sinong niloko mo! Ang
dami-daming pwedeng mapasukang trabaho… Dito mo pa talaga napili? Para ano?
Para sundan ako?” sabi ni Diana.
“Sinabi ko na sayo na hindi kita sinusundan
Diana… Saka ano bang pakielam mo kung dito ko gusto? May magagawa ka ba?” tanong
ni Anton. Tumataas na rin ang boses nito dahil sa inis na nararamdaman kay
Diana.
“Oo! May magagawa ako…”
“At anong magagawa mo? Sa tingin mo ba
mapapaalis mo ako rito ng madalian? Bakit? Kasi asawa at manugang ka ni Madam
Esmeralda? Oh Diana… Baka nakakalimutan mo na asawa at manugang ka lang… Hindi
ikaw magpapasweldo sa akin kaya wala kang karapatan…” sabi
ni Anton. Lumapit muli ito ng bahagya kay Diana at napaatras na naman ang huli.
“Tandaan mo… Asawa ka lang… Huwag kang
maniwala na kapag ikinasal ka sa isang mayaman… sayo na rin ang kung anong
meron siya… Tanga lang ang naniniwala doon…” sabi pa nito.
Napabuntong-hininga si Diana. Kinakalma niya ang sarili niya.
“Oo nga pala… May anak na pala kayong
dalawa? Ang saya niyo na pala noh… Dati pangarap ko na magkaroon ng anak sayo…”
“Tumigil ka Anton!” galit
na sambit ni Diana. “Ito ang tandaan mo…
Kung ano mang binabalak mo… Itigil mo na kung ayaw mong ako ang makalaban mo…” galit
pa na sambit nito.
Napangiti ng sarcastic si Anton. “Pinagbabantaan
mo ba ako?” tanong ni Anton.
“Oo…” nanlalaki na ang mga mata ni
Diana sa galit habang nakatingin kay Anton.
Napangiti si Anton. “Ang tapang
mo rin noh… Kunsabagay… Talagang tatapang ka kapag may pera na ang bulsa…” sabi
ni Anton. Tumitig ito sa mga mata ni Diana. May galit. “Pero may pera ka man ngayon… Hindi ako natatakot sayo… Saka isa pa,
huwag na huwag ako ang pagbantaan mo… Ikaw dapat ang pagbantaan ko dahil isang
maling kilos ko lamang o may gawin man ako laban sayo… boom! Maraming mawawala
sayo… Kaya matakot ka na…” sabi ni Anton. Ewan ba niya pero ngayong kaharap
na niya si Diana, bigla na lamang nawala ang pagmamahal na nararamdaman niya
para dito sa halip ay napalitan ito ng matinding galit. “Kaya huwag na huwag mo akong pakikielaman kung ayaw mong may gawin ako
na magiging dahilan ng pagkasira mo sa mga mata nila…” sabi pa nito.
Hindi
pinahalata ni Diana na natatakot siya sa mga maaaring gawin ni Anton. Hindi
niya dapat na ipakita rito na natatakot siya kasi kapag nakita ito ni Anton,
maaaring ito ang gamitin ng lalaki para mapasuko siya. Hindi niya hahayaan na
masira nito ang lahat ng pinaghirapan niya para lamang mapunta siya sa kung ano
man siya ngayon.
Lumapit si Anton kay Diana. Umatras muli si Diana pero nasa dead end na
siya. Hindi na siya nakaatras pa sa halip ay napasandal na ito sa pader.
Lumapit pa ng todo si Anton kay Diana at halos nagkadikit na ang tungki ng
kanilang mga ilong dahil sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t-isa. Wala nang
nagawa pa si Diana.
Inilapat ni Anton ang magkabilang kamay sa pader. Nasa magkabilang gilid
ito ni Diana kaya nahaharangan siya ngayon ng matitipunong bisig ng binata.
Amoy na amoy na ni Diana ang mabango nitong hininga. Amoy menthol candy.
“Alam mo ba na miss na miss na kita?” sabi
ni Anton habang titig na titig sa mga mata ni Diana. Napaiwas naman ng tingin
ang huli. “Pero sayang nga lang at kasal
ka na… Di bale… Pwede naman akong maging kabet mo basta makasama lang kita…” sabi
pa nito. Mapang-akit.
“Tumigil ka na… Kung ano mang laro itong
nilalaro mo, huwag mo na akong idamay…” sabi ni Diana habang iwas pa rin
ang tingin kay Anton.
Lumayo si Anton kay Diana. Natawa ito. “Laro? Kunsabagay… masarap maglaro kaya gusto kong ipagpatuloy lang
ito…” sabi nito.
“Oo nga pala… Bago ko makalimutan… Congrats
sayo at sa asawa mo…” sarcastic na sabi ni Anton. “Daig mo pa ang mangingisda sa laki ng nabingwit mong isda… Tiba-tiba
ka na…” huling sabi pa nito bago tumalikod at lumabas ng garahe at naglakad
na palayo.
Napabuga ng hangin si Diana. Tumingin siya sa nakatalikod na si Anton na
naglalakad na palayo.
“Gusto mo ng laro? Sige pagbibigyan kita…” galit
na sabi nito sa sarili. Hindi pwedeng si Anton lamang ang makakasira ng lahat
ng ginawa niya.
-KATAPUSAN
NG IKAWALONG KABANATA-
#TheBrokenMansGame
IKASIYAM
NA KABANATA: PANG-AAKIT
Pababa na ng hagdanan
si Harold. Nakasuot na ito ng itim na coat, puting polo sa loob, kulay sky blue
na tie, black pants and a shiny pair of black shoes at hawak naman nito sa kaliwang
kamay ang kanyang itim na attaché case. Handa na ito para pumasok sa opisina.
Pumunta si Harold sa living room.
“Ma… Nasaan si Mang Tomas? Magpapahatid
sana ako sa kanya sa opisina…” sabi niya sa kanyang ina na ngayon ay nasa
living room at nakaupo sa sofa at nakadekwatro pa habang nagbabasa ng magazine.
Napatingin sa kanya si Madam Esmeralda. “Si Mang Tomas? Ah sinamahan si Aling Tessa mamili sa grocery… Bakit ka
magpapahatid anak? Akala ko ba ayaw mo na ng ipinagdadrive ka pa?” tanong
ng ina sa kanya.
“Ah kasi Ma… Medyo masama ang pakiramdam
ko…”
“Masama ang pakiramdam mo hubby?” biglang
sumulpot naman si Diana sa living room. May dala itong dalawang tasa ng kape na
nakalagay sa tray at inilapag sa gitnang mesa na nasa living room.
Tumango naman si Harold. Lumapit sa kanya si Diana at inilapat ang palad
nito sa kanyang noo. “May sinat ka huh…
Huwag ka na kaya munang pumasok ngayon…” may pag-aalalang sabi nito.
Umiling-iling muna si
Harold bago nagsalita. “Hindi pwede
wifey… Maraming dapat asikasuhin ngayon na kailangan ako… Huwag kang mag-alala,
malayo naman sa bituka ito… Sinat laki lang ito…” nakangiting sabi ni
Harold. “Ang isipin mo ay si Kiel,
pinadede mo na ba siya?” tanong pa ni Harold.
“Oo naman… Tulog na naman nga sa crib niya
eh…” nakangiting sagot ni Diana. Tumango na lamang si Harold sa sinabi ng
asawa.
“Gusto mo ipatawag ko si Anton para siya na
lang ang mag-drive ng kotse para sayo…”
“Huwag na Ma… Ako na lang ang tatawag…” sabi
kaagad ni Harold at hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa kanyang
bibig. Iniiwasan niya nga itong makita ngayon eh tapos siya pa ang nagpresinta
para tawagin ito. Mabuti na lamang at walang napapansing kakaiba ang dalawa sa
ikinikilos ni Harold kapag nakikita niya ito at nababanggit ang pangalan ni
Anton.
“Ok… Bahala ka…” sabi ni Madam
Esmeralda.
Nagpaalam na muna si Harold sa dalawang babae sa buhay niya bago lumabas
ng mansion at tinungo ang likurang bahagi ng mansion kung saan doon naman
nakatayo ang may kalakihang bahay na siyang nagsisilbing tirahan ng mga
tagasilbi at trabahador sa mansion. May dalawa itong palapag at lahat ng trabahador
sa mansion ay may sarili ng mga kwarto rito. Idinesenyo talaga ang bahay na ito
para sa mga trabahador na namamasukan sa mansion.
“Saan ang kwarto dito ni Anton?” tanong
ni Harold pagkapasok niya ng bahay ng mga trabahador sa papalabas naman ng
bahay na si Gemma, isa sa mga katulong nila.
“Ah sir… doon po…” sabi ni Gemma sabay
turo sa kaliwang bahagi ng bahay, ikalawang pintuan.
“Ah sige, salamat…: sabi ni Harold at
umalis na nga ang katulong na napagtanungan niya at siya naman ay tuluyan ng
pumasok sa loob ng bahay at tinungo ang itinurong pintuan kung saan iyon raw
ang kwarto ni Anton.
TOK! TOK! TOK! TOK! Pagkatok ni Harold
sa pintuan ng kwarto ni Anton.
Naalimpungatan naman si Anton dahil sa lakas ng pagkatok sa pintuan.
Naputol tuloy ang mahimbing niyang pagtulog.
Kaagad siyang naupo sa hinihigaang kama na hindi naman kalakihan.
Napahikab at kinusot ang mga mata at inadjust ang mga mata sa liwanag na
nanggagaling sa bintana ng kwarto niya. “Umaga
na pala…” sabi ni Anton sa sarili at natawa. Trabahador pa naman siya tapos
mas nauna pa yata ang amo niya na magising kaysa sa kanya.
Tinatamad na umalis ng kama si Anton at naglakad patungo sa pintuan para
pagbuksan kung sino man ang kumakatok.
Pagkabukas, nabungaran niya si Harold na mukhang natulala yata ng makita
siya.
Pagkabukas ni Anton ng pintuan ay halos matulala si Harold sa kanyang
nakitang ayos nito. Sunod-sunod tuloy ang paglunok niya ng laway at parang
nawala ang sama ng pakiramdam niya at napalitan ito ng init ng katawan nang
makita si Anton.
Napaka-hot
nitong tingnan. Gulo-gulo ang ayos ng buhok at naniningkit pa ang mga mata
dahil sa bagong gising nga lang ito. Kahit bagong gising, napaka-gwapo ng mukha
nito. Wala itong suot na damit pang-itaas at ang tanging saplot lamang nito ay
ang suot na boxers na kulay gray. Talagang natulala siya sa ganda ng katawan
nito na pantay pa ang morenong kulay, nakita niya ang malagong buhok nito sa
kili-kili nang itaas nito ang kaliwang braso at kamay nang magkamot ito ng ulo,
parang ang sarap amuy-amoyin. Malapad ang magkabilang balikat, Matigas at
mamasel ang mga braso nito na parang kay sarap ipangyakap. Maumbok at pawang
matigas ang magkabilang dibdib na may magkabila ring nipples na hindi ganun
kalaki at may pagka-brown at nang mapababa pa ang tingin niya, nakita niya ang
anim na pandesal nito at ang pinong buhok nito sa ibaba ng pusod na tumutuloy
ang tubo pababa sa loob ng boxers nito at nakita niya na mistulang naka-flag
ceremony ang itinatago nitong pagkalalaki dahil bukol na bukol iyon sa suot na
boxers. Pati ang pawang matitigas at mamasel nitong mga hita at binti ay hindi
niya naiwasang hindi tingnan. May mga pinong balahibo rin doon. Napalunok na
naman muli si Harold. Halatang walang suot na brief ang lalaki. Mabuti na
lamang at hindi siya pawisin na tao kundi, siguradong babaha ng pawis dito
dahil sa init na nararamdaman niya. Para kasi siyang nakakita ng real-life
Adam.
Napangiti naman si Anton sa nakitang reaksyon ni Harold nang makita
siya. Hindi naman sa sinadya niya na ipakita rito ang ganda ng katawan niya,
sanay lang kasi siya na walang suot na damit kapag natutulog. At hindi rin
naman niya sinasdya na ipakita ang laki ng kung ano mang nasa loob ngayon ng
boxers niya, sadya nga lang talaga na natural na sa mga lalaki na manigas ang
laman kapag bagong gising. Saktong wala pa siyang suot na brief kasi hindi
naman talaga siya nagbi-brief kapag natutulog. Kasalanan ba niya na sadya
yatang malakas ang epekto niya sa lalaking amo niya?
Napalitan ang expression ng mukha
ni Anton. Kunwari ay nagtataka ito kung bakit nasa tapat ng kanyang pinto ang
kanyang amo at kinakatok siya. Talagang ikinunot niya ang kanyang noo at
pinagsalubong ang may kakapalan na kilay. Inilapat ang kaliwang kamay sa hamba
ng pinto at tumayo nang maayos.
“Sir?...” sabi ni Anton at iwinagayway
pa ang kanang kamay nito sa harapan ng nakatulalang si Harold. Bumalik naman sa
sarili si Harold at iniwas ang tingin kay Anton. Pinilit niya ang sarili na
iwasan na mapatingin sa katawan at bukol nito.
“Bakit po kayo nandito sir? May kailangan
ho ba kayo?” kalmado ang boses na tanong ni Anton. Mas lalo naman yatang
nag-init ang pakiramdam ni Harold ng marinig niya ang boses nito. Ang sarap palang
pakinggan ang boses nito kapag bagong gising. Kumabaga, bed room voice.
“Ah… Eh…” hindi alam ni Harold kung
bakit siya kinakabahan ngayon. ‘Bakit ako kinakabahan? Ako ang amo pero
mistulang ako pa yata ang natatakot sa kanya…’ sabi nito sa isipan. ‘Natatakot
nga ba ako?’ tanong pa nito sa isipan.
“Sir…”
“Ah… eh.. Wala kasi si Mang Tomas kaya ikaw
na muna ang maghatid sa akin sa opisina… Kung pwede lang…” sabi
kaagad ni Harold ng hindi tumitingin kay Anton.
Napangiti si Anton. “Opo naman sir…
Pwedeng-pwede…” sabi ni Anton. Bahagya itong lumapit kay Harold kaya
napaatras naman ng konti si Harold. Napadikit kasi ang matipunog dibdib ni
Anton sa kanyang kaliwang braso.
“Sir… Bakit hindi kayo makatingin sa akin?
Hindi niyo ba gusto iyong nakikita niyo na minsang nahawakan niyo na rin
naman?” mapang-akit ang boses na bulong ni Anton sa amo.
Napalayo si Harold kay Anton. Nagpalingon-lingon sa paligid. Mabuti na
lamang at walang tao. Napabuntong-hininga siya.
“Bilisan mo na lang mag-ayos ng sarili baka
malate ako… Hihintayin na lamang kita sa mansion…” sabi kaagad ni Harold at
walang tingin-tingin na inwan na si Anton.
Nakasunod naman ang tingin ni Anton kay Harold na papalabas na ng bahay
habang natatawa.
“Iba talaga ng karismang taglay ko! Pati
ang gwapong tulad mo, hindi nakaligtas…” natatawa pa nitong sabi bago muli
pumasok sa kwarto nito at nag-ayos na nga ng sarili.
- - - - - -
-- - - -- - -- -
Kasalukuyang
nasa daan na ngayon sila Harold at Anton. Si Anton ang nagda-drive ng kotse
habang nakaupo naman sa passenger seat si Harold. Iniiwasan ni Harold na
mapatingin kay Anton. Sa tuwing makikita niya kasi ito, lagi na lamang niyang
nakikita ang hubad nitong katawan kahit ang totoo naman ay nakasuot na ito ng
damit. Napabuntong-hininga siya ng malalim.
“Ang lalim niyan sir huh… Ilang feet?” pabirong
tanong ni Anton kay Harold. Nakangiti ito habang nasa daan naman ang tingin.
Hindi
sumagot si Harold. Tumingin lamang ito sa labas ng bintana.
“Ikaw nga Anton… Umamin ka sa akin…”
“Anong aaminin ko Sir?” tanong
kaagad ni Anton at sandaling tumingin sa hindi mapakaling si Harold. Binalik
rin nito ang tingin sa daan.
Napabuntong-hininga muli si Harold. Hindi ba niya alam pero napakalakas
ng kutob niya na kilala siya nito kahit na nung bago pa mangyari ‘yung sa bar.
“Nung una tayong magkita sa bar… Kilala mo
na ba ako nun huh kaya nilapitan mo ako?” tanong ni Harold.
Nagsalubong ang magkabilang kilay ni Anton. “Correction Sir… Kayo ang lumapit hindi ako…” sabi ni Anton nang
nakangiti.
Napahiya ng konti si Harold sa sagot ni Anton sa kanya. “Ok! Ok! Ako nga ang lumapit kasi
tinitingnan mo ako… So ito ang tanong, kaya mo ba ako tinitingnan nung mga oras
na iyon kasi kilala mo na ako?” tanong nito.
“Sir… Di ba sinagot ko na ang tanong mong
‘yan? Hindi kita kilala nun… ‘yun nga ang unang beses na nakita kita eh…” sabi
ni Anton. “At simula ng makita kita,
ewan ko ba, I can’t take my eyes off you…”pa-cute na sabi nito.
Napatingin na si Harold kay Anton. Nakita niya ang napakaganda nitong
ngiti.
“Niloloko mo ba ako?” tanong ni Harold.
“Sir… Hindi ako ang tipo ng tao na
manloloko… Bakit kaya hindi mo itanong yan sa malapit sa buhay mo kung ano nga
ba ang panloloko…” may laman na pahayag na sabi ni Anton. Naisip kasi nito
si Diana.
Nagsalubong ang may kakapalang kilay ni Harold. “What do you mean?” tanong ni Harold. Nagkibit-balikat lamang si
Anton.
Hindi
na lamang pinansin ni Harold ang sinabi nito.
“Ok… Siguro naman kung hindi mo ako kilala…
Hindi naman siguro coincidence lang na nag-aapply ka sa amin ng trabaho tama?
Siguro inalam mo kung saan ako nakatira and you grab the opportunity nang
makita mo na nangangailangan kami ng driver…” sabi ni Harold.
Hindi
nagsalita si Anton. Nagpatuloy lamang ito sa pagda-drive.
“Anong motibo mo? May motibo ka ba sa
pagpasok mo hindi lamang sa mansion namin kundi pati sa buhay ko? Sa
pagkakaalam ko kasi, hanggang sa bar lang ang naging ugnayan nating dalawa… all
happens in the bar… hanggang doon lang iyon and after that… kalimutan na so
bakit ka pa muling nagpakita…”
Napahinto sa
pagsasalita si Harold ng nabigla siya ng ihinto ni Anton ang kotse sa gilid ng daan.
Tumitig ito sa kanya. Ayan na naman ang nakakaakit nitong mga tingin na hindi
na maalis-alis ni Harold sa kanyang isipan.
“Motibo?...” sabi ni Anton. Tinaggal
niya sa pagkakaseat-belt ang katawan niya at inilapit ang mukha kay Harold.
Halos magdikit na ang tungki ng kanilang mga ilong sa sobrang lapit ng mukha
nila sa isa’t-isa. Napalunok naman ng laway si Harold at hindi maiwasan ang
titig ni Anton sa mga mata niya. Amoy na amoy nila ang mabangong hininga ng
isa’t-isa.
Napangiti si Anton. “Ang totoo…
May motibo nga ako…” sabi nito sa mapang-akit na boses. Napalunok na naman
ng laway si Harold at gustuhin man niya na alisin ang sarili sa sitwasyon
ngayon, hindi niya magawa. Ang tanging nagawa na lamang niya ay ang idiin ang
likuran sa sandalan ng inuupuang passenger seat.
“A-anong m-motibo mo?…” nanginginig ang
boses na tanong ni Harold. Sobra ngayon ang kaba na nararamdaman niya.
Muling ngumiti sa kanya si Anton. Matamis na ngiti. “Gusto mo ba talaga malaman? Baka magsisi ka…” sabi nito.
Dahan-dahan ang ginawang pagtango ni Harold.
Napapakagat-labi pa ito kasi nakatingin siya ngayon sa labi ni Anton. Baka
kapag hindi niya pa napigilan ang sarili, bigla na lamang niya itong sunggaban.
“Ikaw… Ikaw ang motibo ko…” mapang-akit
na sabi ni Anton sabay ngiti pagkatapos ay inilayo na nito ang sarili kay
Harold at umayos na ng upo sa driver’s seat. Isinuot na muli nito sa sarili ang
seat belt. Pinaandar na muli nito ang makina ng kotse at nagpatuloy na sa
pagda-drive. Napapangiting tagumpay.
Napabuga
naman ng hangin si Harold. Grabe, para siyang aatakihin ngayon sa puso. Kanina,
masama ng pakiramdam niya pero ngayon, mukhang masama yata ang lagay ng puso
niya dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi tuloy siya makapagsalita at
makatingin kay Anton.
Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Si Anton ay pangiti-ngiti
na parang baliw habang si Harold naman ay halos gusto ng himatayin sa
kinauupuan.
“Oo nga pala Sir… Hindi ko inakala na may
asawa at anak ka na pala… Nung una nga kitang makita, akala ko binata ka at…
alam mo na… ‘yun pala mas magaling ka pa sa naging…”
“SHUT UP!” napasigaw
na sabi ni Harold. Hindi niya iyon sinasadya. Hindi naman kasi siya palasigaw
na tao. Kapag nagagalit lang siya o di kaya ay hindi lamang nito gusto ang
sinasabi ng kausap kaya doon lang siya napapasigaw.
Napangiti lang si Anton. Alam niyang galit si Harold pero hindi na
lamang niya iyon pinansin. Parang gusto pa nga niyang magalit pa ito sa kanya
kaya aasarin na lamang niya ito ng todo.
“Ilan na ang naging girlfriend niyo bago
kayo mag-asawa? Ay mali pala ang tanong ko, ilan pala ang naging boyfriend
niyo…”
“Anton…” biglang
sabi ni Harold. Seryoso. Napatingin sa kanya si Anton pero kaagad rin nitong
ibinalik ang tingin sa daan.
Napabuntong-hininga si Harold bago nagsalita. “Baka
nakakalimutan mo na ako ang amo at driver lang kita kaya wala kang karapatan
magtanong sa personal kong buhay… Hindi ka naman siguro si Boy Abunda at wala
tayo sa studio ng The Buzz kaya huwag kang matanong…” kalmado
ngunit may inis na sabi ni Harold. Medyo napahiya si Anton sa sinabi nito.
Medyo lang naman kasi sinasadya naman talaga niya na mainis ito sa pang-aasar.
Isa ito sa mga taktika niya, bukod sa pang-aakit, gusto niya rin itong mainis
sa kanya kasi naniniwala siya sa kasabihang “The more you hate, the more you
love.” Kapag matindi ang inis at galit nito sa kanya, baka iyon rin ang maging dahilan para matindi rin itong
ma-fall sa kanya. ‘Yun ang plano niya ngayon, ang mapaibig ito at masira ang pamilya
nila ni Diana. Ngayong alam na niya ang tunay na pagkatao nito, iyon ang
gagamitin niya. Saka na niya iisipin kung paano niya masasaktan ang puso nito.
Mag-iisip siya ng pinaka-matinding paraan para mas mawasak ang puso nito.
“Sorry po Sir…”
“And one more thing… Pwede ba… Kung inaakit
mo ako… Ngayon pa lang tigilan mo na. Oo, may nangyari sa ating dalawa pero
hindi iyon nangangahulugan na pwede mo nang gawin ang kung anong gusto mo… Kung
ano mang nangyari sa pagitan nating dalawa, forget it kasi hindi naman
mahalaga.” Sabi ni Harold. Hindi alam ni Anton kung
bakit para yatang nasaktan siya sa sinabi nito. Napailing na lamang siya.
“Isa pa, gaya ng sinabi ko sayo nung bago
ako umalis at iwan ka sa bar… Walang dapat makaalam ng ginawa nating dalawa…
Walang dapat makaalam kung sino talaga ako… Sa ating dalawa lang iyon at oras
na may makaalam nito… Magtago ka na sa pinaka-best place para magtago. ‘Yung
hinding-hindi ka na makikita…” sabi ni Harold. May pagbabanta.
Nanahimik na lang muna si Anton. ‘Mukhang matindi pa lang magalit ang mokong
na ito…’ sabi ni Anton sa
kanyang isipan.
Tahimik na ang naging byahe nila hanggang sa makarating sila sa tapat ng
isang mataas na building. Ito ang kumpanya nila Harold.
“Paano… Umuwi ka na…” sabi ni Harold
kay Anton.
“Hindi ko na po ba kayo hihintayin…”
“Hindi na… Magpapasundo na lamang ako kay
Mang Tomas mamaya…” sabi kaagad ni Harold bago
buksan ang pintuan ng kotse at lumabas na. Pabalag nitong sinara ang pintuan.
Sa boses at kilos pa lamang nito. Ramdam na ni Anton ang galit nito sa kanya.
Nakasunod lamang ang tingin ni Anton kay Harold hanggang sa makapasok na
ito ng kumpanya. Napangiti siya.
“Kung akala mo na matatakot mo ako sa
galit-galitan acting mo… Nagkakamali ka… Alam kong naaakit ka sa akin at iyon
ang gagamitin ko para bumigay ka… Bibigay ka rin sa akin… Sisiguraduhin kong
masisira ko kayo ni Diana…” sabi nito sa sarili bago muling paandarin ang
kotse at umalis na sa tapat ng building ng kumpanya at bumalik sa mansion.
Napabuga
ng hangin si Harold pagkapasok pa lamang nito ng elevator. Mabuti na lamang at
siya lang mag-isa ang nasa loob kaya malaya niyang massaabi sa sarili ng walang
nakakarinig ang mga gusto niyang sabihin.
“Ano ka ba Harold! ‘Wag ka kasing
magpaapekto sa kanya... Kaya ka natutukso eh…” sabi nito sa sarili.
Napailing-iling. “Wala siyang magandang
maidudulot sayo… Isa pa, hindi mo pa siya lubusang kilala kaya huwag kang
magtiwala sa matamis niyang dila… Ilayo mo na ang sarili mo sa kanya bago pa
may makaalam ng sikreto mo…” sabi pa nito sa sarili. Mukhang si Anton kasi
ang magiging dahilan para masira ang reputasyon, pamilya at sarili na matagal
na niyang iniingatan pero hindi niya hahayaan na ito ang sumira sa kanya.
Hangga’t may paraan, gagawin niya.
Pero
paano nga ba niya ilalayo sa tukso ang sarili niya kung lagi naman niya itong
makikita? Paano niya maiingatan ang sarili niya kung sa tuwing nakikita niya
ito, may kung anong hindi maipaliwanag na umuusbong sa kanyang puso’t damdamin?
-KATAPUSAN
NG IKASIYAM NA KABANATA-
#TheBrokenMansGame
IKASAMPUNG
KABANATA
Nakasandal na nakaupo
si Harold sa swivel chair nito habang ito’y kanyang ginagalaw-galaw
pakaliwa’t-kanan. Nasa harapan niya ang laptop na nakapatong sa kanyang office
desk. May ginagawa siyang report ngunit hindi siya makapag-concentrate sa
kanyang ginagawa dahil sa sumusagi sa isipan niya si Anton. Ito ang nagiging
dahilan para mawala siya sa focus sa kung anuman ang ginagawa.
Napahilot ng sentido at napabuntong-hininga ng malalim si Harold. Kahit
kasi anong gawin niya, hindi ito mawaglit man lang sa isipan niya. Para itong
vulca seal na matindi ang pagkakakapit at mahirap tanggalin sa isipan niya.
“Oh… Mukhang stress na stress ka na sa
ginagawa mo huh…” nakangiting sabi ni Henry na bigla na lamang pumasok sa
opisina niya. Napatingin si Harold dito pero kaagad ding iniwas ang tingin at
hindi nagsalita. Napapikit lamang ito ng mga mata.
Naupo
si Henry sa kaliwang upuan na nasa tapat ng office desk ni Harold. Nangunot ang
noo nito dahil sa pagtataka sa expression na ipinapakita ng mukha ngayon ni
Harold.
“Bakit ganyan ang expression ng mukha mo?” tanong
ni Henry sa bestfriend. Muling napatingin sa kanya si Harold.
Muling dumilat ang mga mata ni Harold at tumingin sa kaibigan.
Napangiti ito ng tipid. “Wala…” sabi
lamang ni Harold.
Pero
masyado na niyang kilala ang kaibigan kaya hindi siya naniwala sa sinabi nito.
“Wala? Talaga bang wala?” tanong ni
Henry.
Umiling lamang si Harold at hindi nagsalita.
“May problema ka ba?” tanong ni Henry. “Pwede mo namang sabihin sa akin para
gumaan naman ang pakiramdam mo…” dugtong pa nito sa sinasabi.
Muling napabuntong-hininga si Harold. Umayos ito ng upo at ipinatong ang
dalawang braso at ipinagsalikop sa office desk nito at tumingin ng mataman kay
Henry.
“Naalala mo iyong lalaking naikwento ko
sayo? ‘Yung nakilala at naka-ano ko sa bar?” tanong ni Harold kay Henry.
Nangunot ang noo ni Henry. “Ah…
Oo. So anong connect niya?” tanong ni Henry.
Muling napabuntong-hininga si Harold. “Pare… Driver namin siya ngayon…”
“WHAT?!!!” gulat
na sigaw ni Henry. Hindi kasi ito makapaniwala sa sinabi ni Harold. “P-Paano? B-Bakit?” tanong pa nito.
Umiling-iling si Harold. “Hindi
ko alam… Basta nagulat na lamang ako nang makita ko na lamang siya bigla sa
loob ng mansion namin kasama ni Mommy at pinakilala na bago naming driver… Gosh
Henry… Ewan ko kung paanong nangyari iyon… Kung paano niya nalaman kung saan
ako nakatira… Tinanong ko naman siya tungkol doon pero wala siyang naging
sagot.” Sabi ni Harold.
“Baka naman kilala ka na niya bago mo pa
siya nakausap nun…” sabi ni Henry.
“Tinanong ko rin siya tungkol diyan at ang
sabi niya, hindi naman niya ako kilala… Ewan ko ba Henry pero kinakabahan ako… Sinabi
man niya sa akin na hindi niya ako kilala pero ang lakas ng pakiramdam ko na
may alam na talaga siya sa buhay ko bago ko pa siya makita…” sabi ni
Harold.
“Bakit ka naman kakabahan? Bukod sa
nakilala mo lang naman siya at naka-anuhan, wala ka namang kasalanan sa kanya
hindi ba?” sabi ni Henry.
Napabuntong-hininga muli si Harold. “Ewan
ko Henry pero kinakabahan talaga ako sa tuwing makikita ko siya… Para
kasing may binabalak siya…” sabi ni
Harold. Mahirap sa kanya ang magtiwala kaagad sa isang tao kaya nag-aalala siya
ngayon tungkol kay Anton.
“Binabalak? Ano namang binabalak niya?” tanong
ni Henry.
Nagkibit-balikat si Harold. “Ewan
ko… Baka mamaya ikalat niya sa lahat na kung ano ako… Pare kinakabahan talaga
ako… Hindi pa ako handa para umamin sa lahat sa kung ano talaga ako… Ayokong
masira sa mata ng lahat…” sabi ni Harold.
Napataas naman ng kaliwang kilay si Henry. “Grabe ka naman… Parang sinasabi mo sa akin ngayon na napakalaking
kasiraan sa ating pagkatao ang pagiging alanganin… Nakakainsulto huh…” sabi
ni Henry although siya rin naman, nagtatago rin sa suot na panlalaking damit
still, nasaktan pa rin siya sa sinabi ng kaibigan.
“Henry… Hindi naman iyon ang ibig kong
sabihin… Hindi kasiraan sa atin ang pagiging ganito… Pero para sa iba na
makikitid ang utak… alam mo naman di ba ang mga sasabihin nila, tiyak na
makakasakit sa damdamin natin at makakasira sa imaheng meron tayo…” sabi ni
Harold.
Napatango si Henry at napabuntong-hininga. “Kunsabagay, tama ka naman… mahirap para sa atin ang nasa ganitong
sitwasyon dahil hindi lamang buhay natin ang nakataya kundi pati na rin ang
reputasyon at pangalan natin…” sabi ni Henry. “Eh ano ngayon ang gagawin mo sa kanya?” tanong pa nito.
“Ewan ko…” sabi ni Harold habang
napapailing-iling. “Siguro kakausapin ko
na lamang siya para magkalinawan kami… Ang isa pa kasi sa inaalala ko… Baka
bumigay ako sa kanya, mukha kasing inaakit ako eh…” sabi pa ni Harold.
“Inaakit?” tanong ni Henry. Pamaya-maya
napangiti ito. “Uy! Siguro kaya niya
inalam ang tungkol sayo at nagawa pang pumasok bilang driver sa inyo kasi gusto
ka niya… Alam mo na, taktika ng mga taong umiibig…” pang-aasar na sabi ni
Henry. “Infairnes naman sa kanya,
nakakabigay naman kasi ang kagwapuhan…” sabi pa nito.
Umiling-iling si Harold. “I don’t buy that… Hindi ako assumerong tao kaya hindi ko iniisip na
gusto niya ako. Saka ayokong mainvolve sa ganyang sitwasyon… Oo, gusto kong
maranasan kung paano umibig at maramdaman na iniibig rin ako pero sa palagay
ko, hindi pa ito ang tamang panahon para doon. Marami akong dapat alalahanin
katulad na lang ng asawa at anak ko… Wala ngayon sa diksyunaryo ng isipan ko ang
salitang pag-ibig…” sabi ni Harold. “Kung
‘yun man ang dahilan niya, kung gusto man niya ako kaya siya pilit na pumapasok
sa buhay ko, ngayon pa lang pipigilan ko na siya dahil wala siyang mapapala sa
akin…” sabi pa nito.
Napangiti na lamang si Henry sa sinabi ng kaibigan.
“Eh paano kung tuluyan ka nang ma-fall sa
kanya? Sa kagwapuhan niyang iyon, imposible na hindi ka mahulog sa bitag niya…”
sabi pa ni Henry.
“Kung tuluyan man akong ma-fall sa kanya? Eh
di pipigilan ko muna… Kung hindi na kaya… Eh di hahayaan ko ang sarili ko na
mahulog pero never akong magpapasalo sa kanya… Ayoko ng komplikasyon… Alam mo
naman na napakaraming komplikasyon pagdating sa pag-ibig ng mga katulad natin…”
sabi ni Harold.
“Eh paano kung hindi mo na kaya ang pagkahulog
mo at gustong-gusto mo na magpasalo sa kanya?” tanong pa ni Henry.
Tiningnan niya si Henry ng masama. “Henry…
Hindi ko alam kung inaasar mo ako o kung ano eh. Basta, hinding-hindi ako
magpapasalo sa kanya kahit na sobrang lalim na ng pagkahulog ko sa kanya…” sabi ni Harold.
“Huwag kang magsalita ng tapos Harold… Baka
hindi mo alam… kapag hulog na hulog na ang isang tao… lahat nagagawa kahit na
ang pinaka-crazy na pwede nilang gawin para lang masalo sila ng taong gusto
nila…” sabi ni Henry.
“Ibahin mo ako sa kanila… Kunga magustuhan
ko man siya ng todo, hindi ako mag-aassume at aasa na magugustuhan niya rin
ako… Alam mo naman ako… Gusto ko na nakukuha ang gusto ko pero hindi ako
magmamakaawa na makuha iyon kung ayaw naman magpakuha…” sabi ni Harold.
Napangiti muli si Henry. “Ok sabi
mo eh… Oo nga pala, next time pakilala mo naman siya sa akin huh… Ako na lang
ang kukuha sa kanya para sayo…” natatawang sabi ni Henry.
Napailing-iling na lamang si Harold sa kabaliwan ng kaibigan.
- - - - - - - - - - - - - -- - -
Palabas na ng kumpanya si Harold ng makita niya mula sa malayo ang
nakaparadang kotse niya. Nagulat rin siya dahil hindi si Mang Tomas ang
naghihintay na driver sa kanya kundi si Anton na nakasandal pa ang likuran sa
harapan ng kotse at magkasalikop pa ang mga braso habang nakangiting nakatingin
sa kanya.
“Si Mang Tomas? Nasaan siya?” tanong ni
Harold kay Anton nang makalapit siya dito. Huminto siya sa harapan nito.
“Ah Sir… pinayagan umuwi ni Ma’am Esmeralda
sa bahay nila, may sakit kasi ang anak kaya ako na po muna ang sumundo sa
inyo…” sabi ni Anton. “Kahit na alam
kong hindi niyo gusto…” pabulong na sabi pa nito.
“May sinasabi ka pa ba?” tanong ni
Harold. Umiling-iling si Anton.
Wala
nang sinabi si Harold. Kaagad na itong pumunta sa pintuan ng kotse at binuksan
ito at sumakay sa passenger seat at isinara ang pinto.
Kaagad na ring pumunta si Anton sa pintuan ng driver seat, binuksan ito
at sumakay na. Muli niyang isinara ang pintuan ng kotse.
“Ahm… Sir… Sorry nga po pala sa mga nasabi
ko sa inyo kanina…” paghingi ng paumanhin ni Anton kay Harold. Naka-focus
ang tingin nito sa daan habang nagmamaneho.
Napatingin si Harold kay Anton. No doubt at paulit-ulit niyang sasabihin
na napakagwapo nito. Napabuntong-hininga siya.
“Straight ka ba?” tanong ni Harold out
of the blue.
Napatingin sandali si Anton kay Harold. “Ano hong ibig ninyong sabihin?” tanong nito at kaagad ng ibinalik
ang tingin sa daan.
“Katulad rin ba kita? Alam mo na ang ibig
kong sabihin…” sabi ni Harold.
Napangiti si Anton. “Ah… ang
tanong niyo po ba ay kung tunay ba akong lalaki?... Opo… Tunay na tunay…” sagot
nito.
Napabuntong-hininga si Harold. Ewan niya ba kung bakit siya nadismaya sa
sagot ni Anton.
“Mabuti naman kung ganun… Ayoko kasing
isipin na kaya mo ako inaakit kasi gusto mo ako… Hindi naman ako manhid na tao
kaya alam ko at ramdam ko na may ginagawa ka…”
“Na malakas ang epekto sa inyo? ganun po ba?”
tanong kaagad ni Anton. “Ang lakas niyo naman makaramdam, biruin niyo, alam niyo kaagad na
inaakit ko kayo…” sabi pa nito. Napailing na lamang si Harold sa sinabi
nito.
“Hindi… Anyway, magkalinawan tayo Anton…
Sinabi ko na sayo ito at ayoko na muling ulitin pa… Sana hindi ka madaldal na
tao, ayoko na may makaalam kung ano ba talaga ako at kung anong naging ugnayan
nating dalawa… Saka tutal naman, straight ka at mukhang trip lang naman sayo
ang ginawa natin kaya tigilan mo na kung ano man ang ginagawa mo sa akin…” sabi
ni Harold.
“Ok Sir… my lips are sealed…” sabi ni
Anton. “Pero mas sasarado ang labi ko
kung idadampi niyo rin ang labi niyo Si…”
“Stop!... Sinabi ko na sayo Anton… Tigilan mo
na ang ginagawa mo sa akin… Ginugulo mo ako eh… Straight kang lalaki kaya alam
kong trip lang para sayo ang ginagawa mo… Wala namang tunay na lalaki ang
gagawa ng ganyang bagay maliban na lamang sayo na puro panti-trip lang yata ang
nasa isip…” sabi ni Harold.
“Nakakagulo ba ako Sir? Saan? Sa isipan mo
ba? Sa puso mo? O pareho?” tanong ni Anton gamit ang mapang-akit na boses.
Napangiti ito.
Nagsalubong ang magkabilang kilay ni Harold. “That’s not what I meant… Ang sinasabi ko lang ay nakakagulo ka sa isip
ko kasi hindi ko alam kung anong trip mo… kung anong binabalak mo sa akin… Alam
mo naman siguro na ayokong may makaalam na kahit sino tungkol sa tunay na ako
at inaalala ko na baka ikaw pa ang magkalat nun sa publiko… Ayoko iyong
mangyari kaya nagkakalinawan na tayo…” sabi ni Harold.
Napabuntong-hininga si Anton.
“Hindi naman po ako madaldal na tao kaya
safe sa akin ang sikreto niyo...” sabi ni Anton. Natahimik na lamang si
Harold.
“Sir… Di ba sinabi ko na po sa inyo na
straight akong lalaki? Maniniwala ho ba kayo kung sasabihin ko sa inyo ngayon
na may pagtingin ako sa inyo? Na kaya ko nagawa na lumapit sa inyo at mamasukan
bilang driver ninyo ay dahil sa kagustuhan kong mapalapit sa inyo?” tanong
ni Anton. Lihim na napangiti.
Hindi
alam ni Harold kung ano ba ang dapat maramdaman. Saya, kaba, hinala,
pag-aalala. Nagkakahalo ngayon ang mga nararamdaman niya. Napailing-iling tuloy
siya. ‘Huwag kang maniniwala sa mga sinasabi niya Harold… Huwag kang
maniwala…’ sabi nito sa kanyang isipan.
Napabuntong-hininga si Harold. “Ikaw
na rin ang nagsabi na straight ka kaya imposible na magkaroon ka ng pagtingin
sa akin… Parehas man tayong lalaki pero magkaiba kung anuman ang nilalaman ng
ating puso kaya huwag mo na akong pagtripan pa… Huwag ka nang magsalita pa ng
kung ano-ano…” sabi ni Harold.
“Bakit? Kapag ba straight na lalaki, hindi
na pwedeng magkagusto sa kaparehas niya ng kasarian?” tanong ni Anton.
“Oo… Let’s face the reality Anton… Walang
nagkakagusto na tunay na lalaki sa isang lalaki rin… Maliwanag na dapat ‘yan
sayo kaya kung anuman ang mga sasabihin mo at sasabihin mo pa… Hindi ako
maniniwala…” sabi ni Harold. “Tandaan
mo rin, Amo mo ako at driver lang kita kaya wala kang karapatan na pagtripan
ako kung trip man itong ginagawa mo…Wala akong oras makipagtrip sayo… Matuto
kang lumugar…” sabi pa ni Harold at napabuntong-hininga.
Nanahimik na lamang si Anton. ‘Bibigay ka rin sa akin Harold… Bibigay ka
rin sa akin…’ sabi nito sa kanyang isipan.
Namuo
ang nakakabinging katahimikan sa pagitan ng dalawa hanggang sa makauwi na sila
ng mansion.
“Hubby!!!” pagsalubong ni Diana kay
Harold ng makababa ito ng kotse. Nasa loob na sila ngayon ng bakuran ng
mansion. Napangiti na lamang sa kanya si Harold.
Kitang-kita ni Anton na nasa loob pa rin ng kotse kung paano niyakap ng
mahigpit ni Diana si Harold. Nakaramdam siya ng galit, inggit at selos.
“Hindi magtatagal… ang yakap na ‘yan…
Mapapalitan na nang suntok at sampal…” sabi nito sa sarili. Minabuti na
lamang niya na paandarin muli ang kotse at dinala na niya ito sa garage ng
mansion.
-KATAPUSAN
NG IKASAMPUNG KABANATA-