Wednesday, April 29, 2020
SA LIKOD NG REHAS - M2M SHORT STORY (COMPETED)
SA
LIKOD NG REHAS
(M2M
SHORT-STORY)
DISCLAIMER:
No part of this story may be reproduce or
transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical
including photocopying, printing, or by
any information storage and retrieval system without the permission of the
author. Please do not re-copy, re-edit, and re- publish this story without
asking the writer's permission.
All of the characters in this story are
fictitious, and any resemblance to
actual persons, living or dead, is purely coincidental.
Copyright
(c) 2015
All
Rights Reserve 2015
GENRE:
M2M, SHORT STORY, SENSUAL.
RATED
SPG.
“Gustuhin
ko man na manatili sa loob ng rehas na ito… pero ito na rin siguro ang
itinakda, ang maghiwalay tayo ng landas.”
-
- - - -- - - - - - - - -
#SaLikodNgRehasM2M
EPISODE
1
“Bitawan niyo ko!!” pilit na pumipiglas si Christian sa paghawak sa kanya ng mga pulis.
Simula pa kanina ng damputin siya ng mga ito mula sa kanyang tinutuluyang
apartment hanggang sa madala na siya dito sa istasyon ng pulis ay pilit na siyang
kumakawala sa hawak ng mga pulis. Ang higpit ng hawak ng mga ito sa kanyang
braso kaya talaga namang hindi siya makakawala. Dagdagan pa na nakaposas siya.
Hindi
niya alam kung bakit siya dinampot. Ang sabi lang sa kanya ng mga ito ay may
nagsabi raw na isang impormante na siya ang salarin sa panggagahasa at pagpatay
sa isang katorse anyos na dalagita. Mariin niya iyong itinatanggi. Kahit minsan
ay wala siyang ginawang ganun na karumal-dumal na krimen.
Kahit
anong paliwanag niya sa pulis na nag-iimbestiga sa kanya ay wala pa ring iyong
nagawa. Pilit man niyang itanggi ang akusasyon laban sa kanya, sa huli ay hindi
siya nito pinaniwalaan.
Ngayon
niya napatunayan sa sarili niya na walang kwenta ang batas sa Pilipinas.
Porke’t mahirap ka, ikaw na ang ituturo na salarin sa isang krimen na hindi mo
naman ginawa? Porke’t ba may nagturo sayo na ikaw ang gumawa ng krimen, pati
batas ay ididiin ka kasi wala ka namang laban? Kumbaga, para lang madaling
matapos ang pag-iimbestiga sa kaso, magtuturo na lang ng kung sino kahit wala
namang kasalanan.
Sa
huli ay ikinulong si Christian sa isang medyo maliit na selda. Wala rin naman
siyang magagawa kahit magwala pa siya para lang makalabas ng kulungan.
Tinanggap na lang niya sa sarili niya na makukulong siya kahit wala naman
siyang kasalanan. Dito ay may lima siyang kasama na pawang mga preso rin. Hindi
niya lang alam kung napagbintangan rin ba ang mga ito kagaya niya o sadyang may
mga kasalanan talaga. Dito muna siya ikinulong dahil hihintayin pa ang hatol ng
korte kung anong parusa ang ibibigay sa kanya.
Ang
isa niyang kasama sa loob ay sa tingin niya nasa 40 years old na ang edad.
Matamang nakatingin sa kanya ang mga mata nitong ang lalim ng eyebags. Medyo
kulubot na rin ang balat nito. Malaki ang tiyan. Maraming tattoo sa braso at
katawan. Nakahubad kasi ito ng pang-itaas na damit. Kalbo. Siguro kaya ito
nakatingin sa kanya ay dahil sa bagong pasok siya dito at kinikilatis ang
kanyang pagkatao.
Ang
isa naman ay sa tingin niya nasa late-twenties ang edad, katulad ng nauna,
marami rin itong tattoo sa katawan. Maganda ang pangangatawan dahil sa medyo
bata pa naman ito. Semi-kalbo ang gupit at may pagkamoreno ang balat. Hindi naman
ganuN kakinis ang balat.
Napadako
ang tingin ni Christian sa kaliwang bahagi ng selda, doon ay nakita niyang
naglalaro ng dama ang dalawang preso. Mga mukhang menor de edad pa ang mga ito
dahil hindi pa hubog ang mga katawan katulad ng sa matatanda. Siguro bukas rin
ay makakalaya na ang mga ito. Hindi rin naman kasi pinatatagal sa loob ng selda
ang mga menor de edad na nagkakasala.
Pero
ang nakapukaw sa atensyon ni Christian ay ang lalaking nakahiga sa karton na
nasa kanang bahagi ng selda. Nakahubad ito kaya kitang-kita niya ang maganda
nitong pangangatawan na parang nililok ng iskultor. Maumbok ang dibdib, batak
ang magkabilang braso at may anim na pandesal sa tiyan. Nakapikit ang mga mata
nito kaya malaya niyang napagmasdan ang mukha nito. Matangos ang ilong, may
kanipisan ang labi na medyo mapula. Makinis rin ang balat nito sa mukha. Moreno
ang kulay ng balat. May kakapalan rin ang kilay ng lalaki. Bagay na bagay rito
ang bigote at balbas na kakaahit lamang yata. May kahabaan ang buhok nito na
wavy. Rugged kung tingnan ang itsura niya. Para itong isang brazillian model.
Sa
tingin ni Christian ay ilang araw pa lang namamalagi ang mala-adonis na
lalaking ito sa loob ng selda. Hindi niya ba alam kung bakit ang lakas ng
epekto ng lalaking ito sa kanya. Siguro ay humahanga lang talaga siya sa
angking kagwapuhan ng lalaki.
Hindi
naman kasi ganun kagwapo si Christian. Average lang ang itsura niya. Hindi
masyadong panget at hindi masyadong gwapo. May katangusan ang kanyang ilong,
may kakapalan ang kanyang mapulang labi na natural na sa kanya. Makinis rin
naman ang balat niya at may pagkaputi pero hindi ganun kaputi gaya ng sa gatas.
May pagka-chinito ang kanyang mga mata at may kakapalan ang kanyang itim na
kilay.
Hindi
rin ganun kalaki ang kanyang pangangatawan. Sapat lang para masabing may
katawan siya. Hindi rin siya ganun katangkad tulad ng lalaki na sa tingin niya
kapag tumayo, 6 footer ito.
Bago
pa siya mapunta sa lugar na ito, nagtratrabaho siya sa isang factory bilang
taga-buhat ng mga produkto. Maliit lang ang kanyang kita pero sapat na iyon
para siya ay mabuhay. Nag-iisa na lamang siya sa buhay. Wala na ang kanyang mga
magulang na namatay dahil sa sakit. Nag-iisa pa siyang anak. Sa edad na 26
anyos, natuto na siyang mamuhay mag-isa. Walang karamay. Walang nag-aalaga.
Kung sa buhay pag-ibig naman, mukhang mailap
para kay Christian ang pag-ibig. Nagkakaroon rin naman siya ng mga kasintahan
ngunit hindi nagtatagal ang mga ito sa kanya. Marahil ay dahil sa trabaho kaya
pati ang lovelife, naaapektuhan. Mas ninais na lamang niya na i-focus ang
sarili sa trabaho kaysa sa paghahanap ng pag-ibig. Kusa naman itong darating sa
tamang panahon at tamang pagkakataon.
“Anong kaso mo? Anong ginawa mong
kasalanan?” narinig niyang tanong.
Napatingin ang mga mata niya sa lalaking sa tingin niya ay pinakamatanda
dito sa loob.
“Ah… wala po.” Sabi lamang ni
Christian. Totoo naman, wala siyang kasalanan.
Nagsalubong ang kilay ng matanda. “Wala
kang kasalanan? Eh bakit ka nakulong dito?” sabi niya.
Napayuko si Christian. Hindi niya alam ang isasagot.
“ ‘Yan naman ang sinasabi ng lahat ng tao
kapag nakukulong, wala raw silang kasalanan.” Narinig ni Christian na sabi
ng isang lalaki kaya napatingin siya dito. Ang nagsalita ay ‘yung mahaba ang
buhok.
Ang
lamig ng boses nito. Iyong tipong lalamigin ka talaga kapag narinig mo.
“Wala naman talaga akong kasalanan.
Napagbintangan lang ako.” Sagot ni Christian sa lalaking nakahiga na may
mahabang buhok. Nakita niya lang itong nag-smirked habang nakapikit pa rin ang
mga mata.
“Ok lang yun ijo kung ayaw mo pang sabihin
kung anong kasalanan mo.” Sabi ng matanda. “Oo nga pala, ako si Damian, halata naman na ako ang pinakalolo dito sa
loob.”
Natawa ng bahagya si
Christian sa sinabi ng matanda. “Ano
pong dahilan bakit kayo nakulong?” tanong ni Christian.
“Nagnakaw.” Sabi lamang nito. “Oo nga pala, si Janno. Ang kasalanan niyan
ay pumatay ng isang doctor.” sabi ni Mang Damian at itinuro ang lalaking
semi-kalbo. “Ayun namang dalawang bata
na iyon, si Daryll at Mico, mga nagnakaw rin kagaya ko ang kaso, maaga silang
makakalaya dahi mga menor de edad pa. Bale, pinarusahan lang sila.” Sabi pa
ni Mang Damian.
“At iyong lalaki namang nakahiga na may
mahabang buhok, si Khalil. Nang-holdap ng bangko. Sa kasamaang palad, siya lang
ang nahuli at iyong mga kasamahan niya, hindi.” Sabi ni Mang Damian.
Napatingin ako kay Khalil. Kitang-kita sa mga mata nito ang lungkot.
Nakadilat na kasi ito at nakatingin sa kawalan.
“Mukhang naalala na naman niya ang pamilya
niya.” sabi ni Mang Damian at napabuntong-hininga.
“May pamilya na po siya?” tanong ni
Christian kay Mang Damian.
Tumango si Mang Damian. “Oo… ang
kaso, nawala rin ito sa kanya buhat ng makulong siya. Nalaman kasi niya na may
kinasamang iba ang kanyang asawa kaya hindi niya maiwasang hindi malungkot.
Nagawa lang naman niyan sumama sa mga nang-holdap ay dahil sa gusto niyang
mabigyan ng magandang buhay ang kanyang asawa at ang magiging pamilya niya.
Mabuti nga wala silang anak ng babaeng iyon kasi kung meron, lalo siyang malulungkot
dahil hindi lang asawa niya ang mawawalay sa kanya kung sakali, pati ang anak
niya.” sabi ni Mang Damian.
Hindi
alam ni Christian kung dapat pa ba niyang kaawaan ang sarili niya dahil sa
sinapit niya o mas dapat niyang kaawaan si Khalil. Mas grabe pa kasi ang
nangyari dito kumpara sa kanya. Nakulong na nga si Khalil, malalaman pa nito na
ipinagpalit siya sa iba. Mas masaklap naman iyon kumpara sa nangyari kay
Christian na napagbintangan lamang at pwede ring mapawalang-sala oras na
lumabas ang totoo.
-END
OF EPISODE 1-
#SaLikodNgRehasM2M
EPISODE
2
Apat na lamang
sila na nasa loob ng kulungan. Si Mang Damian, Si Janno, Si Khalil at si
Christian. Nakalaya na kasi kaninang umaga sila Miko at Daryll na sinundo pa
talaga ng mga magulang dito sa istasyon ng pulis.
Kasalukuyang naliligo sa palikuran si Mang Damian. Si Janno naman ay
natutulog sa karton nito.
“Laro tayo.” Sabi ni Khalil kay
Christian. Nakaupo ito ng naka-indian sit at nasa harapan niya ang dama board
na pinaglalaruan kahapon nila Miko at Daryll.
“Huh?” gulat na tugon ni Christian kay
Khalil. Hindi niya kasi akalain na kakausapin siya nito.
Seryosong nakatingin lang si Khalil kay Christian.
Hindi alam ni Christian pero may kakaiba siyang nararamdaman kay Khalil.
Ito iyong tipo na kapag tiningnan ka niya, parang hinihigop ka at parang
napapasunod ka sa kung anong nais nito. Hindi rin niya maipaliwanag ang kaba na
nararamdaman niya habang seryoso ang tingin sa kanya ni Khalil. Ngayon lang
niya naramdaman ang ganito sa isang lalaki. Natatakot ba siya kay Khalil?.
Lumapit si Christian kay Khalil. Nang makalapit siya ay nag-indian sit
rin siya sa harap nito. Nasa gitna nilang dalawa ang dama board.
“Marunong ka bang maglaro nito?” malamig
ang boses na tanong ni Khalil kay Christian. Tumango lamang si Christian bilang
sagot.
“Ang matalo ay may parusa.” Sabi ni
Khalil.
Nanlaki ang may pagka-chinitong
mga mata ni Christian. “P-Parusa?”
tanong nito.
Naningkit ang mga mapupungay na mata ni Khalil. “Oo, parusa.” Sabi nito.
“Anong parusa?” tanong ni Christian.
Ngumiti si Khalil. Nakita tuloy ni Christian ang maputi at pantay-pantay
nitong mga ngipin. Mukha talagang hindi bilanggo si Khalil kung pagbabasehan mo
ang itsura niya.
“Malalaman mo rin.” Sabi lang nito.
Walang nagawa si Christian kundi ang makipaglaro kay Khalil. Nagsimula
na ang laro nila ng dama.
Kapwa seryoso ang dalawa sa laro. Focus kung focus at mukhang ayaw
magpatalo ng bawat isa.
Ilang sandali pa…
“Paano ba iyan, talo ka.” Ngiting tagumpay
si Khalil.
Napakamot ng ulo si Christian.
“Dinaya mo yata ako eh.” Sabi ni
Christian na nangingiti pa.
“Hindi ko ugaling mandaya.” Sabi ni
Khalil ng seryoso.
“Ano bang parusa ko?” tanong na lamang
ni Christian kay Khalil.
“Masahiin mo ang katawan ko.” Sabi ni
Khalil na talaga namang nagpadilat sa mga mata ni Christian.
“Huh?” gulat talaga na sabi ni
Christian.
“Ang tagal na rin kasi ako hindi
nakakaramdam ng masahe. Saka, parang nananakit na ang buong katawan ko.” Sabi
ni Khalil at ininat-inat pa nito ang matipunong katawan.
Umiwas ng tingin si Christian sa hubad na katawan ni Khalil. Bakit ganito
ang nararamdaman niya? Hindi niya maipaliwanag.
“Ano? Payag ka ba?” tanong ni Khalil.
Awtomatikong napatango na lang ng ulo si Christian. Hindi niya alam kung
bakit kusa na lang sumasang-ayon ang katawan niya sa mga sinasabi ni Khalil.
Napangiti si Khalil. Kaagad itong dumapa sa kanyang hinihigaang karton.
“Oh ano? Umpisahan mo na.” sabi ni
Khalil kay Christian.
Napabuntong-hininga
si Christian. Dahan-dahan siyang lumapit kay Khalil.
Nasa gilid na siya ni Khalil. Nag-aalangan siya kung idadampi ba niya
ang kanyang palad sa malapad nitong likod o hindi.
“Simulan mo na.” sabi ni Khalil na
halata nag pagkainip.
Wala nang nagawa si Christian. Dahan-dahan niyang idinampi ang palad
niya sa likod ni Khalil.
Parang nanginig ang buong katawan ni Christian ng sa wakas ay naidampi
niya ang palad niya sa likod ni Khalil. Parang dumaloy sa katawan niya ang
kuryente.
Dahan-dahan niyang pinagapang ang palad niya sa likod ni Khalil.
Damang-dama niya ang tigas at lapad ng likod nito.
“Uhmmm…” ungol ni Khalil tanda na
nasasarapan ito sa masahe ni Christian.
Parang nasayahan si Christian sa narinig na pag-ungol ni Khalil. Hindi
niya alam kung bakit parang ginanahan siya sa narinig.
Itinigil muna ni Christian ang pagmasahe kay Khalil. Tumayo ito at
inihakbang ang isang paa sa kabilang gilid ni khalil.
“Ah… pwede bang upuan ko ang likod mo para
maging komportable ako sa pagmasahe sayo?” tanong ni Christian kay Khalil.
Tango ang itinugon ni Khalil.
Naupo si Christian sa likod ni Khalil pero hindi naman iyong binibigatan
niya ang kanyang timbang. Ipinagpatuloy niya ang pagmasahe kay Khalil.
Bawat pagdampi at paghagod ng palad ni Christian sa likod ni Khalil,
nagbibigay ng ibayong kiliti at sarap para kay Khalil.
Bawat ungol ni Khalil sa tuwing masasarapan ito sa pagmasahe ni
Christian parang musika ito sa pandinig ni Christian. Hindi na niya napansin na
may tumitigas na kung ano sa gitnang bahagi ng kanyang hita. Marahil ay
nadadala siya sa mga ungol ni Khalil.
“Ang tigas na niyan huh.” Mapanuksong
sabi ni Khalil.
Parang nanumbalik sa realidad si Christian. Hindi niya pwedeng
maramdaman ito. Alam niyang lalaki siya.
Kaagad niyang itinigil ang pagmasahe kay Khalil at tumayo na ito. Pilit
na tinatakpan ang nakaumbok na pagkalalaki na talaga namang umbok na umbok sa
suot nitong jersey short.
“Oh bakit ka tumigil? Hindi ka pa tapos.” Sabi
ni Khalil.
Tumalikod na lamang si Christian kay Khalil at pumunta sa higaan nito na
karton rin. Nahiga siya ng patalikod para hindi niya makita si Khalil. Nahihiya
kasi siya. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya nitong mga nagdaang mga araw?.
Nakatingin lamang si Khalil sa nakatalikod na si Christian. Napa-smirk
ito.
“Mukhang may kakaiba sayo, Christian.” Pabulong
na sabi nito sa sarili.
-END
OF EPISODE 2-
#SaLikodNgRehasM2M
EPISODE
3
“Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi pwede!” paulit-ulit na sabi ni Christian sa sarili habang siya ay nakaupo
mag-isa. Hinihilot-hilot rin nito ang sentido niya dahil sa nananakit ang
kanyang ulo dahil sa kakaisip.
Ilang araw na ba siyang ganito? Hindi niya alam. Basta, nitong mga
nakaraang araw, may nalaman siya tungkol sa sarili niya, may iba siyang
nararamdaman at hindi ito pangkaraniwan.
Hindi alam ni Christian kung bakit siya nakakaramdam ng ganito pagdating
kay Khalil. Hindi niya pa naramdaman ang ganitong katinding paghanga sa isang
tao at ang mas malala, lalaki ang hinahangaan niya.
Sa
pagdaan rin ng mga araw na nasa loob siya ng kulungan kung saan lagi niyang
nakikita si Khalil, mas tumitindi ang kaba sa dibdib niya. Ramdam rin nga niya
sa tuwing makikita niya ito, nag-iinit ang kanyang pisngi at lalo na nag
kanyang katawan. Lagi kasing nakahubad ng pang-itaas na damit si Khalil at
hindi naman mapigilan ni Christian na titigan ito. Kakaiba rin ang mga titig
nito sa kanya na siyang nagpapalunod sa kanya.
Naninibago na si Christian hindi lamang sa mga ikinikilos niya kundi
pati sa nararamdaman niya. Pati ang sariling pagkatao ay kinukwestyon niya.
Ayaw niya ng ganito. Litong-lito na siya.
Hindi niya maamin sa sarili na maaaring may pagtingin na siya kay
Khalil. Hindi maaari iyon. Lalaki siya at alam niya iyon sa sarili niya. Pero
bakit nakakaramdam siya ngayon ng ganito para kay Khalil?
“Pare? Ayos ka lang?”
Napapiksi si Christian sa pagkakatapik ni Khalil sa balikat niya. Halos
titigan niya ito sa mukha.
“Anong nangyayari sayo?” may pagtatakang
tanong ni Khalil kay Christian.
Tulala pa rin si Christian at hindi makagalaw. Paanong hindi matutulala
si Christian. Ang hot kasi ng ayos ngayon ni Khalil. Basa ang mahaba nitong
buhok at tumutulo pa ang ilang butil ng tubig sa mukha nito pababa sa leeg
hanggang sa maumbok nitong dibdib at pababa pa sa anim nitong pandesal na may
pinong balahibo pa sa pusod papasok sa nakapalupot na twalya sa bewang nito
kung saan kitang-kita ni Christian ang umbok doon. Napalunok ng ilang beses si
Christian. Hindi maaari ang nararamdaman niyang ito. Kailangan niyang pigilan
hangga’t maaga pa.
“Hoy!” halos pasigaw na sabi ni Khalil
sa harapan ni Christian para mapukaw ang atensyon nito.
Bumalik naman agad sa realidad si Christian. Kaagad itong napatalikod sa
kinapwepwestuhan ni Khalil.
“Ano bang nangyayari sayo? Nitong mga
nakaraang araw, napapansin ko na parang natutulala ka lagi sa tuwing makikita
mo ako?” sabi ni Khalil na naka-smirk. “Nagdodroga
ka ba?” tanong pa ni Khalil.
“Ah… eh… Hindi ako nagdodroga. Ano lang
kasi…” walang maapuhap na sasabihin si Christian.
Nagulat na lamang si Christian ng maramdaman niyang nasa likuran na niya
si Khalil. Halos nakalapat sa likod niya ang maumbok nitong dibdib at ang anim
na pandesal. Ramdam naman niya sa bandang hita niya ang umbok ng pagkalalake
nito. Habol-hininga nag ginagawa ngayon ni Christian. Kaba at init ang
nararamdaman niya.
“Ano?” bulong ni Khalil sa tenga ni
Christian gamit ang nang-aakit nitong boses.
Napakagat-labi si Christian. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya
ngayon? Maraming tanong sa kanyang isip ngunit kahit isa, hindi pa niya
mabigyan sa ngayon ng kasagutan.
Hindi sumagot si Christian sa halip ay lumayo ito kay Khalil. Walang
sabi-sabi na iniwan nito si Khalil na nakatayo.
Lihim na napangiti si Khalil. “Kung
alam mo lang na…” bulong nito sa sarili pero hindi na naituloy ang
sasabihin dahil biglang dumating sa selda sila Janno at Mang Damian. Galing
kasi ang mga ito sa paglilinis ng banyo.
-END
OF EPISODE 3-
#SaLikodNgRehasM2M
EPISODE
4
Pilit mang pigilan ang nararamdaman, Pilit
mang iwaglit ito sa puso at isipan, pero kusa na na lamang itong bumabalik at
mas lalong lumalalim pa.
Ganyan ang
nararamdaman ngayon ni Christian. Pilitin man niyang pigilan at kalimutan ang
nararamdaman niya para kay Khalil, hindi naman niya ito mapigilan at mas lalo pang lumalalim sa pagdaan ng araw.
Hindi man niya isipin ito pero kusa na lamang itong pumapasok sa isipan niya.
Alam niyang mali ang nararamdaman niyang ito. Napagtanto niya na mahal
na niya si Khalil. Hindi niya alam kung bakit at paano na sa maikling panahon
lamang, minahal na niya ito agad. Bakit ba niya naramdaman ang ganito sa kapwa
niya lalaki? Pilitin man niyang isiksik sa isipan niya na lalaki siya at babae
lamang ang dapat niyang ibigin, pero ang puso niya ang sumisigaw na mahal na
niya si Khalil, isang lalaki na di sa hinagap niya ay mamahalin niya pala.
Paano siya aamin ng nararamdaman niya para dito? Hahayaan na lang ba
niya na itago ang nadarama para dito para lang hindi siya mapagtawanan? Alam
niyang lalaki si Khalil at baka sa oras na malaman nito ang tunay niyang
nadarama, baka kutyain at ang mas malala, hindi matumbasan nito ang pag-ibig
niya.
Bakit ba kung kailan kinalimutan niya na muna ang pag-ibig, tila kusa na
lamang itong dumating. ‘Yun nga lang sa maling tao pa at maling pagkakataon.
Hindi naman sa sinasabi ni Christian na mali ang ibigin niya si Khalil.
Ang sa tingin niya ay mali lamang ay iyong minahal niya ito gayong pareho sila
ng kasarian. Sabi nga nila, walang mali kapag nagmahal ka. Pero ano nga ba ang
tama at mali kapag nagmahal ka sa kapareho mo ng kasarian?
Alam ni Christian na kumplikado ang sitwasyon niya. Nagmahal siya ng
kaparehas niyang lalaki. Mas kumplikado pa ito kaysa sa isang komplikadong
relasyon sa pagitan ng babae at lalaki. Maraming hadlang sa ganitong relasyon.
Maraming dapat isipin oras na pasukin mo ang ganitong klase ng relasyon.
“Delgado! Laya ka na!” pasigaw ng sabi
ng pulis.
Nagulat si Christian sa sinabi ng pulis. Ibig sabihin, laya na siya.
“Ho?” gulat na tanong ni Christian sa
pulis.
“Mukhang nabinge ka na yata. Ang sabi ko,
laya ka na.” ulit muli nito sa sinabi.
Bakit pakiramdam ni Christian, hindi siya masaya sa narinig? Dati,
gustong-gusto na niya makalaya at makapagsimula muli ng bagong buhay sa labas.
Bakit ngayon… hindi niya makuhang maging masaya.
Napatingin si Christian kay Khalil. Nahuli niyang nakatingin ito sa
kanya. Ano ang ibig sabihin ng lungkot sa mga mata ni Khalil? Kaagad ring
umiwas ng tingin sa kanya si Khalil at nahiga sa karton nito. Tumalikod ito sa
kanya.
Hindi pa nga siya umaamin ng nararamdaman niya para kay Khalil, mukhang
masasaktan pa muna ang puso niya. Nakaramdam ng kirot ang puso niya dahil
iniisip pa lang niya na makakalaya na siya, nalulungkot na siya. Ibig sabihin
lang nun, hindi na niya makakasama pa si Khalil.
“Masaya ako para sayo Christian.” Sabi
ni Mang Damian sabay tapik sa balikat ni Christian. Binigyan lamang niya ito ng
isang tipid na ngiti.
Bago lumabas ng selda ay nagpaalam rin si Christian kay Janno. Kahit
papano’y naging malapit na rin ang mga loob nito sa isa’t-isa.
Nag-aalangan na lumapit si Christian kay Khalil. Kaba at kalungkutan
ngayon ang nararamdaman niya dahil baka maaari na ito na nag huli nilang
pagkikita ng lalaking hindi niya inaasahan na mamahalin niya ng maikling
panahon.
“K-Khalil…” pagtawag niya sa pangalan
ni Khalil. Kinakabahan talaga siya.
Hindi humarap sa kanya si Khalil. Nanatili itong nakatalikod at tahimik.
Napabuntong-hininga si Christian. “Paalam
na.” sabi ni Christian. Naiiyak siya pero pinipigilan niya baka kasi
mahalata ng iba.
‘Gustuhin
ko man na manatili sa loob ng rehas na ito… pero ito na rin siguro ang
itinakda, ang maghiwalay tayo ng landas. Baka sakaling makalimutan ko rin kung
ano ang nararamdaman ko para sayo.’ Sabi ni Christian sa
kanyang isipan habang nakatingin sa nakatalikod na si Khalil.
Lumabas na si Christian ng selda. May pinapirmahan pang kung anong mga
papeles ang pulis sa kanya. Pagkatapos nun, ideneklara na siyang malaya na.
Nahuli na raw kasi ang totoong kriminal kaya napawalang bisa ang kaso niya. Nakatanggap
rin siya ng financial assistance para makapagsimula muli.
Muling tumingin si Christian sa selda. Nakangiting nakatingin sa kanya
sila Mang Damian at Janno. Si Khalil naman, nakatalikod pa rin at hindi
nakuhang tingnan siya kahit sa huling sandali.
Napabuntong-hininga siya. Dito na matatapos ang lahat.
‘Makakalimutan ko rin ang nararamdaman ko
para sayo… Khalil.’ Sabi
ni Christian sa kanyang isipan at laglag ang balikat na nilisan niya ang lugar
na iyon. Ang lugar kung saan natuto siyang umibig sa kanyang kapwa… lalaki.
-END
OF EPISODE 4-
#SaLikodNgRehasM2M
FINALE…
1
YEAR LATER…
Papasok na ng
trabaho si Christian. Kasalukuyan siyang naglalakad sa gilid ng kalsada.
Walking distance lang ang layo ng pinagtratrabahuhan niya kung saan regular na
siyang empleyado. Isa na siya ngayong janitor sa isang sikat at respetadong
kumpanya. Hindi ganun kalakihan ang sweldo pero sapat na para sa kanya iyon. At
least, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanyang hindi maganda, nagkaroon
naman siya ng opurtunidad at pagkakataon para makapagsimula muli.
Kitang-kita sa mukha ni Christian ang kasiyahan nito. Maaliwalas ang
mukha nito na nagpagwapo sa kanya. Kahit papaano’y nagbago ang pisikal na anyo
niya. Medyo lumaki ang kanyang katawan, pumuti rin ng konti at nagkaroon ng
proportion ang kanyang mukha. Kung titingnan mo nga siya ngayon, gwapo na siya.
Pero sa lahat ng ito, iisa lang ang hindi nagbago, ‘yun ay ang
itinitibok ng kanyang puso.
Pilitin man niya ang sarili na tumingin sa mga babae. Pilitin man niyang
magmahal ng babae. Sa huli ay nabibigo pa rin siya dahil hanggang ngayon, iisa
lamang ang itinitibok ng kanyang puso… Si Khalil.
Kumusta na kaya siya? Nakalaya na rin ba siya gaya niya? Simula ng
lumaya si Christian sa kulungan, ni minsan hindi niya nagawang makadalaw sa
kulungan. Gusto nga niyang dalawin si Mang Damian at Janno pero nag-aalangan
siya dahil nandun si Khalil.
Pinilit niyang kinalimutan si Khalil pati ang nararamdaman niya para
dito dahil mali ito. Pero nabigo siya dahil kahit hindi man niya nakikita si Khalil,
mas lalo namang lumalim ang nararamdaman niya para dito. Parang nakadikit na
ito sa puso ni Christian. Pinabayaan na lang niya baka sakaling kung hindi niya
pilitin na kalimutan si Khalil, baka kusa na lang na mawala itong nararamdaman
niya.
Bakit
ba pilit niyang kinalilimutan si Khalil at ang nararamdaman niya para dito?
Simple lang, dahil alam ni Christian na walang patutunguhan ang pagmamahal
niyang ito para kay Khalil. Lalaki siya at lalaki si Khalil. Mahirap para sa
kanila ang maging magkarelsyon dahil hindi naman siya babae para gustuhin ni
Khalil. Tanggap naman na niya iyon sa sarili niya. Hindi masusuklian ni Khalil
ang pag-ibig niya para dito. Ayaw niya rin na masyadong masaktan at umasa.
Pinipilit na lang ni Christian na maging masaya kahit papaano. At least
mayroon siyang disente at matinong trabaho. May maganda pa ring nangyayari sa
buhay niya kahit ang lovelife. Bokya.
Hindi pa rin naman bading na bading si Christian kahit mahal niya pa si
Khalil. Puso niya lang ang nagbago dahil nagmahal ito ng kapwa lalaki pero
hindi ang pisikal niyang kaanyuan. Lalaking-lalaki pa rin siya, sa kilos at
galaw. Kaya nga nakakabihag pa rin siya ng babae eh. Pero ang hindi na yata
mangyayari ay ang umibig siya sa babae dahil ang itinitibok ng kanyang puso, si
Khalil, isang lalaki.
Napahinto si Christian sa paglalakad. Nanigas siya sa kinatatayuan.
Nagsimulang dumagundong ang kaba sa dibdib niya. Parang nagningning rin ang
kanyang mga mata ng makita ang lalaking hindi naalis sa puso at isipan niya. Ang
lalaking una niyang minahal at maaaring huli na rin. Hindi alam ni Christian
kung ano ang dapat niyang maramdaman, nagkahalo-halo kasi. Kaba, saya, hiya at
iba pa.
“K-Khalil…” bulong na sabi ni Christian
sa sarili habang nakatingin sa nakatayong si Khalil na nasa harapan at medyo
malayo sa kanya.
Nakatingin lang si Khalil kay Christian. Nakangiti. Walang pinagbago sa
personal nitong kaanyuan. Mas lalo pa itong naging gwapo at makisig na lalaki.
Kitang-kita ni Christian ang saya sa mga mata ni Khalil habang
nakatingin ito sa kanya. Masaya ba ito dahil nagkita na silang muli? Dahil kung
si Christian ang tatanungin, masaya siyang makita itong muli pagkatapos ng
halos isang taon.
Hindi man magsalita ang kanilang mga labi. Parang ang mga mata na nila
ang nag-uusap at may mga nais sabihin sa isa’t-isa. Parang pati ang mga puso
nila’y nag-aawitan at kapwa rin masaya.
Hindi man sila magsalita, kitang-kita naman sa mga mata nila na mahal
nila ang isa’t-isa. Hindi na kailangan ng salita para maiparamdam ito.
Pagkatapos nilang maghiwalay ng hindi man lang nagkaaminan ng
nararamdaman, sa wakas, ito na ang tamang panahon at pagkakataon para ang
pag-ibig nila para sa isa’t-isa ay isatinig na at wala ng makakahadlang pa
kahit ang bakal na rehas.
-THE
END-
THE WOMAN IN BLACK - SHORT STORY (COMPLETED)
“THE WOMAN IN
BLACK”
(SHORT-STORY)
DISCLAIMER:
No part of this story may be reproduce or transmitted in any form or by
any means, electronic or mechanical including
photocopying, printing, or by any information storage and retrieval
system without the permission of the author. Please do not re-copy, re-edit,
and re- publish this story without asking the writer's permission.
All of the characters in this story are fictitious, and any
resemblance to actual persons, living or
dead, is purely coincidental.
Copyright (c) 2015
All Rights Reserve
2015
#TheWomanInBlack
PROLOGUE...
Unang kita ko pa
lamang sa kanya,
MINAHAL KO NA SIYA,
Kahit na…
HINDI KO PA SIYA KILALA.
May kahahantungan
ba ang pag-ibig kong ito sa kanya?
Ano kayang misteryo
ang bumabalot sa pagkatao niya?
Ano kayang
mararamdaman ko oras na malaman ko ang totoo?
“Mamahalin mo pa rin ba ako… kahit na
malaman mo ang totoo?”
- - - - - -- - - - - - - --- - - - -
#TheWomanInBlack
EPISODE 1
“Patrick…
Anak, iakyat mo na iyong iba nating gamit sa taas. Bukas na lang natin ayusin.
Medyo pagabi na kasi.” Utos sa akin ni
Mama.
“Opo.
Ma” sabi ko.
Isa-isa kong inaakyat ang mga gamit namin na
naka-karton papunta sa itaas. Medyo mabigat rin ang mga ito kahit mga damit at
ilang personal na gamit lamang ang laman.
Kakalipat lang namin ngayon sa bago naming
bahay. Nakatayo ang aming bahay sa loob ng isang medyo esklusibong subdivision.
Hindi naman ganun kalakihan ang bahay na aming nilipatan pero mas maganda na
ito kumpara sa dati naming bahay na bahain tuwing may bagyo.
Hindi naman kami mayaman. Average lang. Hindi
mayaman at hindi naman masyadong naghihirap. Ang mama ko ay nagtratrabaho sa
isang supermarket bilang manager. Wala na ang aking ama dahil maaga siyang
kinuha ng Panginoon sa amin. Nagkaroon kasi siya ng sakit na lung cancer at
hindi na naagapan pa dahil huli na ng malaman namin ang sakit niya. Malungkot
ang mawalan ng ama pero kailangan kayanin. May isa akong kapatid, si Yvo,9
years old at nasa grade three na siya at masasabi kong bukod sa napaka-cute
niya, napakatalino pa ng kapatid kong ‘yan. Syempre, mana sa kuya. (Wow! Yabang
mo!)
Oo nga pala, bago ko makalimutan, ipapakilala
ko muna ang aking sarili. Ako nga pala si Patrick, 19 years old. Nasa ikatlong
taon na sa kolehiyo sa kursong Civil Engineering. Mabuti na nga lang at
bakasyon ngayon kaya hindi naapektuhan ang pasok ko dahil sa paglilipat namin
ang kaso, medyo lumayo ang school ko sa bahay namin.
Hindi sa pagmamayabang pero sabi ng mga
kaklase ko at mga taong malalapit sa akin, gwapo raw ako. Kung idescribe nga
nila ako, Tall, Dark and Handsome. Matangkad ako sa taas na 6’1, medyo
kayumanggi ang aking balat pero makinis. Matangos ang aking ilong, may
kanipisan ang aking mapulang labi at ang mga mata ko na medyo singkit at kulay itim at para raw na
nangungusap. Ang aking katawan ay medyo matipuno at ang dibdib ko’y medyo
maumbok. Nag-g-gym rin kasi ako minsan. Ano? Gwapo ba ako base sa description
sa sarili ko?
Hindi naman ako ganun katalino. Sapat lang
para makakuha ng kaaya-ayang grades. Friendly akong tao kaya alam ko na marami
akong kaibigan. Palatawa kaya maraming babae rin ang nagkakaroon ng interes na
maging kasintahan nila ako. Pero ni isa sa kanila, hindi ko pinatulan. Hanggang
kaibigan lang ang tingin ko sa kanila. Saka hindi ko naman gagamitin ang
pagkagusto nila sa akin para lang magkaroon ng babae. May respeto ako sa mga
babae. Sabi nga nila, pihikan daw ako pagdating sa babae.
Siguro nga totoo ang sinasabi nila. Never pa
kasi akong nagkaroon ng girlfriend. Ibig sabihin, hindi pa ako naiinlove o
nagkaka-crush man lang sa buong buhay ko. Never been kiss and never been touch.
Wala pa akong first kiss at iyong… alam nyo na ‘yun.. May paniniwala kasi ako
sa sarili ko na ang unang babaeng mamahalin ko, siya na rin ang magiging huli.
Siya ang dadalhin ko sa altar at makakasama ko habang buhay. Bubuo kami ng
isang masaya at kumpletong pamilya. Parang imposible ba ang gusto kong
mangyari? Hindi noh, lahat ay posibleng mangyari basta maghintay ka lang na
mangyari iyon. Kaya nga ako, naghihintay sa babaeng mamahalin ko at hindi ko
hinahanap ito. Darating rin ‘yan! Wag magmadali!
O siya! Tama na nga ang daldal! Mag-aakyat
muna ako ng mga gamit namin diyan muna kayo!.
- - - -- - - - - - - - - - - - -
Naglalakad ako ngayon sa gilid ng daan sa loob ng subdivision. Nagpasya
akong magpahangin muna sa labas ng bahay dahil napagod ako sa pagbuhuhat ng mga
karton at nagpapababa na rin nang kinain na pagkain sa hapunan.
May
kadiliman na ang lugar. Gabi na kasi pero medyo maliwanag pa rin naman ang
dadaanan mo dahil sa mga poste ng ilaw na nakatayo sa gilid ng daan at
nagbibigay liwanag.
Medyo nakakalayo na ako sa bahay namin ng mapansin kong napadpad ang mga
paa ko sa playground ng subdivision.
Mas
maliwanag dito sa playground pero kapansin-pansin na wala ng bata na naglalaro
rito. Sa halip, isang babae ang nakita ko na nakaupo sa swing. Nag-iisa.
Malungkot ang expression ng mukha. Nakatulala.
Maganda ang babae. Maputi ang kulay ng kanyang balat. Balingkinitan ang
pangangatawan na nababalutan ng black dress at may suot rin itong itim na
sapatos. Mahaba ang kanyang itim at wavy na buhok.
Unti-unti pa akong lumapit sa kanya pero hindi ako nagpahalata o gumawa
ng ingay para mapansin niya ako. Nasilayan ko ng mas mabuti ang kanyang mukha.
Natural
na mamula-mula ang pisngi ng mukha nito. Matangos ang kanyang ilong. Ang
kanyang mga mata na medyo may pagkasingkit. Mahahalata mo ang lungkot sa mga
mata nito. Ang labi nito na kulay pula na parang cherry. Parang ang sarap…
halikan. Para siyang isang manika.
Parang napako ang mga mata ko sa kanya. Hindi ako gumagalaw sa
kinatatayuan ko. Parang kinakabisado ng isipan ko ang kanyang buong mukha at
katawan. Kasabay ng pagtitig ko sa napakagandang babaeng ito, ang hindi
maipaliwanag na kaba na dumadagundong ngayon sa loob ng dibdib ko.
-END
OF EPISODE 1-
#TheWomanInBlack
EPISODE
2
Nakatayo pa rin
ako malapit sa babae. Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko
nga, parang namagnet ang mga mata ko sa kanya at hindi ko na maalis ang tingin
sa kanya.
Napahaplos ang kamay ko sa bandang dibdib ko, sa tapat ng puso. Bakit
ganito kabilis ang pagtibok nito? Bakit parang may mga tumatakbong kabayo sa
loob ng dibdib ko? Bakit pati ang tiyan ko, parang may mga lumilipad na
paro-paro? Alam ko naman na hindi ako kumakain ng paro-paro pero bakit para
talagang may paro-paro sa loob ng tiyan ko? Ano ba itong nangyayari sa akin?
Inaamin ko, ngayon ko lang naramdaman ang lahat ng iyan sa buong buhay
ko at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito. Matanong na nga lang sa mga
kaibigan ko next time.
Bakit ang lakas ng epekto niya sa akin? Ngayon lang rin ako nakakita ng
isang babae na ang lakas ng epekto sa akin. Hay! Ang dami kong tanong na gusto
kong mabigyan ng kasagutan pero hindi ko alam kung paano.
Mukha namang natauhan ang babae at naputol ang pagkatulala nito. Nanlaki
ang mata ko ng tumingin siya sa akin. Nanlaki rin ang mga mata niya ng makita
ako.
“S-sino ka?” tanong niya. Ang ganda ng
boses niya. Ang lambing.
Hindi ko muna sinagot ang tanong niya. Kahit na kinakabahan ako ay
nilapitan ko siya.
“Ako si Patrick, bagong lipat dito sa subdivision.
Ikaw? Anong pangalan mo?” tanong ko at inilahad ko ang kamay ko para
makipag-kamay sa kanya.
Hindi naman ako nabigo. Tinanggap niya ang pakikipagkamay ko. Malambot
ang palad niya pero napansin ko na mapula ito at may mga bakas ng peklat. Hindi
ko na lang pinansin iyon. Baka mamaya kasi, nasugatan lang siya.
“Mika.” Tipid lang nitong sabi saka
binitawan na ang kamay ko. Sayang. Ang sarap pa naman hawakan ng kamay niya.
Nakaramdam nga ako na parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko galing sa
kamay niya. Hanep! Iba talaga sa akin ang babaeng ito.
Lumapit ako sa isang swing at doon ay naupo ako. Magkatabi na kami
ngayon. Siya sa kanang swing at ako sa kaliwa.
“Mika ba talaga ang pangalan mo? O palayaw
mo lang iyon?” tanong ko sa kanya.
Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.
Nakatulala muli ito.
Napalibot ang tingin ko sa buong paligid. Maganda ang playground.
Nakapalibot dito ang mga halaman at sa gitnang bahagi ng playground, may malaki
at matayog na puno ng mangga. Ang dami ring bunga nito. Marahil ay dahil sa
peak season ngayon ng mangga.
“Dito ka rin ba nakatira sa subdivision?
Saan ka nakatira? Sinong kasama mo? Bakit ka nag-iisa?” sunod-sunod kong
tanong.
Wala ulit akong nakuhang sagot mula sa kanya. Nanatili lamang itong
tahimik at tulala.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa harapan niya. Lumuhod ako sa
harapan niya at iwinagayway ko sa harap ng mukha niya ang aking kamay para matigil
na siya sa pagtulala.
Halata namang nagulat siya sa ginawa ko.
“B-bakit?” tanong niya.
“Kanina pa kasi ako tanong ng tanong sayo
pero hindi mo naman ako sinasagot dahil tulala ka.” Sabi ko.
“Ah ganun ba. Sorry huh. May iniisip lang
kasi ako.” Sabi nito. Hinding-hindi ko na yata makakalimutan ang malambing
niyang boses na ang sarap pakinggan sa tenga.
Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod sa harapan niya at muli akong bumalik
sa kinauupuan ko kanina.
“Ano ba kasing iniisip mo at kanina ka pa
tulala?” tanong ko.
Tumingin ito sa akin. I can see the pain in her eyes. Saan kaya galing
ang sakit na iyon?
“W-wala.” Sabi niya at muling umiwas ng
tingin sa akin.
“Parang ang lungkot-lungkot mo. May
problema ka ba? Pwede mo naman sigurong sabihin sa akin para gumaan ang
pakiramdam mo. Saka malay mo, matulungan kita.” Sabi ko. “Don’t worry, safe ang mga sasabihin mo sa
akin, hindi naman ako madaldal na tao.” Sabi ko pa.
Muli siyang tumingin sa akin.
“Salamat huh pero Ok lang talaga ako. Wala
akong problema. Ganito lang talaga ako. Akala mo may problema pero wala naman.”
Sabi niya pero sa tingin ko, iba ang sinasabi ng bibig niya sa sinasabi ng
mga mata niya.
Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya. Ang mysterious niya.
Muling natahimik ang paligid. Kapwa nakatingin kami sa kalangitan.
Pamaya-maya, nagulat na lamang ako ng bigla siyang tumayo sa kinauupuan
niya.
“Saan ka pupunta?” tanong ko ng tingnan
ko siya.
Ngumiti ito sa akin. Ang ganda niya kapag naka-smile kahit tipid lang.
“Uuwi na ako sa amin.” Sabi niya.
Tumayo na rin ako mula sa kinauupuan ko. “Gusto mo, samahan na kita sa pag-uwi mo? Baka mamaya kasi mapahamak ka
diyan sa daan.”
Umiling lamang
ito. “Hindi na. Salamat na lang.” sabi
niya at bigla na itong tumalikod sa akin at nagsimulang maglakad.
Hinabol ko siya, hinawakan ko ang braso niya. Ito na naman po ang
kuryente.
“Makikita ba kita ulit dito? Siguro naman,
magkaibigan na tayo di ba?” tanong ko sa kanya. Kahit sandaling oras lang,
itinuring ko na rin siyang kaibigan. Ang gaan kasi ng loob ko sa kanya. Ngiti
lang sang isinagot niya sa akin.
Binitawan ko na ang braso niya. Muli na itong tumalikod sa akin at
naglakad na palayo.
Simula ng gabing iyon, hindi na siya naalis sa isipan ko. Ang maganda
niyang mukha, ang malambing niyang boses. Napapangiti tuloy ako ng wala sa
sarili.
- - - - - - - - - - - - - -
“Kuya… Bakit ka ngumingiti ka mag-isa
diyan? Nababaliw ka na ba?” tanong sa akin ng kapatid kong si Yvo. Nasa
bahay kami ngayon at kasalukuyang inilalabas mula sa kahon ang mga gamit namin.
Tiningnan ko si Yvo. “Bakit?
Kapag ba ngumingiti mag-isa, baliw na agad?” sabi ko.
“Oo. Mga baliw lang ang gumagawa ng ganun
eh.” Sabi niya.
Ginulo ko ang buhok niya na talaga namang ikinaiinis niya sa tuwing
gagawin ko iyon.
“Kuya naman eh!” sabi nito at inaayos
ng kamay ang buhok niya. “Ang hirap
kayang ayusin nitong buhok ko.” Sabi niya. Kulot kasi ang buhok nito na
parang kay Jun Pyo hindi katulad ng akin na straight kaya madaling ayusin.
Black ang kulay ng kanyang buhok samantalang ang akin ay may pagka-brown at
spike ang ayos.
“Anak… Wag mong asarin ang kapatid mo.” Sabi
ni Mama na katulong rin namin sa pag-aayos.
“Eh kasi Ma, baliw daw ako.” Sabi ko
kay Mama.
“Bakit ka naman kasi ngumingiti mag-isa?
Kagabi pa yan huh. Simula ng mauwi ka sa bahay, hindi na naalis ang ngiti mong
‘yan.” Sabi ni Mama. Tama si Mama, kagabi pa ako nakangiti. Hindi na kasi
siya maalis sa isipan ko. Hanggang sa panaginip nga, siya ang laman at masaya
ako na siya ang nasa panaginip ko.
Tumingin sa akin bigla si Mama. Seryoso ang mukha nito. “Ikaw nga Patrick, magtapat ka nga sa akin,
may nakatagpo ka ba kagabi?” tanong nito na ikinagulat ko.
“Ho?” nasabi ko lamang.
“Sa tingin ko kasi, may nakita ka kagabi.
Hindi ko lang makumpirma kung tao o bagay ang nakita mo pero base kasi sa mga
ikinikilos mo, mukhang inlove ka anak.” Sabi ni Mama.
Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin kay Mama. “A-ako po? I-inlove?” gulat kong sabi.
“Uy! Si kuya inlove daw.” Pang-aasar ni
Yvo sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Mas focus kasi ang atensyon ko sa
sasabihin ni Mama.
“Oo anak. Nakikita ko kasi sayo ang mga
signs ng pagiging inlove.” Sabi ni Mama.
“Ano po bang signs para malaman mo na
inlove ka sa isang tao?” tanong ko. Napangiti si Mama sa tanong ko. Ang
tanda-tanda ko na pero para akong high school boy na interesadong-interesado at
nagtatanong ngayon tungkol sa pag-ibig.
Napatingala si Mama at parang may inaalala. “Malalaman mo na inlove ka sa isang tao kung nakakaramdam ka ng mabilis
na pagtibok ng puso sa unang kita mo pa lamang sa kanya. Parang may butterflies
sa tiyan mo. Lagi siyang nasa isipan mo at hindi mo makalimutan. At higit sa
lahat, gusto mo siya na laging makita.” Sabi ni Mama at muling tumingin sa
akin. “Ganyan ang naramdaman ko noon ng
unang beses kong makita ang papa mo.” Sabi pa ni Mama.
Mabilis na pagtibok ng puso? Check! My paro-paro sa tiyan? Check! Lagi
siyang laman ng isip ko? Check! Hindi ko siya makalimutan? Check! Gusto ko
siyang makita? Check! Ibig sabihin…
“Inlove na ako…” sabi ko ng wala sa
sarili at talagang napatulala ako.
“Mama! Inlove na nga si Kuya!” sigaw ni
Yvo na ikinagulat ko.
Nakita kong nakatingin sa akin si Mama. Nakangiti.
“Sa wakas, mukhang nainlove ka na. Magkakaroon
ka na rin ng girlfriend niyan. Pero anak, ito ang tandaan mo, hindi puro saya
kapag umiibig, laging kaakibat nito ang sakit at pighati kaya sana maging handa
ka. Alam ko naman na kakayanin mo iyon kahit ito ang first time na iibig ka.
Nasa tamang edad ka na rin naman para maranasan mo ang umibig at masaktan.” Sabi
ni Mama. “Ang bawat karanasan, may
kaakibat na matututunan kaya kung masaktan ka man ng dahil sa pag-ibig anak,
ituring mo itong bilang isang karanasan na maaari mong baunin para sa susunod
na umibig ka muli, alam mo na ang gagawin. Pero hangga’t maaari huwag mong
hahayaan na masaktan ka ng dahil sa pag-ibig.” Sabi ni Mama.
Tumingin ako kay Mama. “Ma… Totoo
po bang inlove na ako?” tanong ko. Hindi kasi ako makapaniwala. Biglaan
naman kasi.
“Base sa mga ikinikilos mo, Oo.” Sabi
ni Mama.
“Pero pwede po ba iyon? Unang kita mo pa
lamang, inlove ka na agad?” tanong ko. Ang inosente ko talaga kapag
larangang pag-ibig ang usapan.
“Oo naman. Love at first sight ang tawag
dun. May dalawang klase ng love at first sight, ang isa, inlove ka sa unang
kita mo dahil sa nakikita ng iyong mga mata sa kanya at wala ng iba pa. Ang
ikalawa naman, inlove ka sa kanya dahil sa pakiramdam. ‘Yung unang kita mo pa
lang sa kanya, naramdaman mo na agad iyong mga signs ng pagiging inlove.” Sabi
ni Mama.
Napatango na lang ako sa sinabi ni Mama. Ibig sabihin, inlove na agad
ako kay Mika? Ang bilis naman yata. Inlove na agad ako sa kanya kahit hindi ko
pa siya lubusang kilala.
-END
OF EPISODE 2-
#TheWomanInBlack
EPISODE
3
Lakad-takbo ang ginagawa ko ngayon. Papunta
ako sa playground. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita dahil naging abala ako
at ang aking pamilya sa pag-aayos ng gamit sa bahay. Excited akong makita siya.
Nakangiti pa ako niyan habang naglalakad sa medyo madilim ng daanan.
Pero nawala ang ngiti sa aking labi ng makita kong wala siya sa
playground. Hindi siya ngayon nakaupo sa swing kung saan unang beses kong nasilayan
ang kanyang kagandahan.
Laylay ang balikat ko habang naglalakad patungo sa swing. Naupo ako sa
kaliwang swing at tumingin sa kawalan. Pumupunta pa kaya siya dito? Makikita ko
pa kaya siya ulit? Alam niyo ba, miss na miss ko siya. Tama nga si Mama, inlove
na nga ako. Gustong-gusto ko na nga kasi siya makita pero ngayon na may oras na
para magkita kaming muli, wala naman siya. Nakakalungkot na baka iyon na yata
ang huli naming beses na magkikita.
Mahangin ngayon. Tamang-tama ang lamig na ito para maibsan ang init ng
summer. Napakainit kasi kaninang maghapon dahil summer na nga.
Biglang napalingon ang aking ulo sa gawing kanan ng playground. Muling
lumawak ang ngiti sa aking labi ng makita ko siyang muli. Ang babaeng
pinapanabikan kong makita muli.
Kaagad akong tumayo sa aking kinauupuan at nilapitan siya. As usual,
naka-itim na damit na naman siya at itim na sapatos. Mababanaag mo sa kanyang
mukha ang lungkot at pagkakatulala habang naglalakad. Napalitan ng pag-aalala
ang expression ng aking mukha ng mapansin kong may sugat siya sa gilid ng
kanyang labi. Dali-dali akong lumapit sa kanya.
“Anong nangyari sayo? Bakit ka may sugat sa
gilid ng labi mo?” nag-aalala kong tanong sa kanya.
Tumingin siya sa akin. Ngumiti ng tipid.
“Tagal mong nawala huh. Hindi na kita muli
nakita buhat ng una kitang makita rito.” Sabi niya. Hindi niya sinagot ang
tanong ko.
Ngumiti na lamang ako ng tipid. Bakit ayaw niyang sagutin ang mga tanong
ko?
“Tinulungan ko pa kasi sila Mama at Yvo sa
pag-aayos ng gamit sa bahay kaya medyo naging busy nitong mga nakaraang araw.” Sabi
ko na lamang.
“May kapatid ka pala.” Sabi niya.
Naglalakad na kami ngayon patungo sa swing.
“Ah… Oo. Alam mo ang cute ng kapatid kong
iyon. Syempre, mana sa akin.” Sabi ko at nag-pogi sign pa ako.
Natawa lamang siya ng konti. “Sa
tingin ko naman, cute rin ang kapatid mo dahil sabi mo nga, nagmana sayo.” Sabi
niya.
“So sinasabi mo ba, cute ako?” tanong
ko sa kanya at pataas-taas pa ang kilay ko.
Tiningnan niya ako. Bakit sa tuwing titingnan niya ako, parang
nanghihina ako? Siguro nga dahil sa inlove na ako sa kanya.
“Gwapo ka. Ang cute, para lang iyon sa mga
baby at mga aso o pusa.” Sabi niya. Natuwa naman ako sa sinabi niya.
“Talaga?” tanong ko. Masarap pala sa
pakiramdam na sabihan ka ng compliment ng taong unti-unti mong minamahal.
“Oo nga.” Sabi lang niya at umiwas na
siya ng tingin sa akin.
“Ikaw ba? May kapatid ka ba?” tanong ko
sa kanya.
Naupo muna kami sa swing. Siya sa kanang swing kung saan doon naman
talaga siya umuupo tapos ako sa kaliwa.
“Wala… only child lang ako.” Sabi niya.
“Lagi ka bang nandito sa playground? Alam
mo kasi na ilang araw rin akong hindi nakapunta dito eh.” Sabi ko.
“Oo” tipid niyang sagot.
“Nasaan ang mga parents mo? Hindi ka man
lamang nila pinagbabawalan na lumabas eh gabi na.” sabi ko. Pero siguro
blessing in disguise na rin na maituturing na pinapayagan siyang lumabas ng mga
magulang niya sa gabi. Kasi kung hindi, hindi ko siya makikita at makakausap.
Hindi niya muli sinagot ang tanong ko. Nakatingin muli ito sa kawalan at
tulala na naman.
“UY!” medyo pasigaw kong sabi.
Nagulat naman siya kaya agad na napatingin sa akin. “Bakit?” tanong niya.
Umiling ako bago nagsalita. “Tulala
ka na naman kasi diyan.” Sabi ko.
“Pasensya na.” sabi lamang niya.
“Oo nga pala, ilang taon ka na ba? Tingin
ko kasi, magkasing-edad lamang tayo.” Sabi ko.
“25” sabi niya. Ows? 25 na siya?
“Weh? 25 years old ka na?” tanong ko na
halatang hindi makapaniwala.
Tumango ito bilang sagot.
“Niloloko mo naman yata ako eh. Mukha ka
kasing kasing edad ko. Mukha ka lang 19 din. Oh di kaya ay 18 years old.” Sabi
ko.
Tumingin ito sa akin. Napangiti ng tipid.
“Ang ganda mo kasi saka baby face ka kaya
hindi ka mukhang 25. Mas mukha ngang mas matanda pa ako sayo eh.” Sabi ko.
“Binobola mo ba ako?” sabi niya ng
nangingiti.
“Uy! Hindi ah. Wala sa bokabularyo ko ang
salitang pambobola. Sinasabi ko lang
kung ano ang nakikita ng aking mga mata.” Sabi ko.
Ngumiti lamang ulit ito sa akin. Sa tuwing makikita ko ang kanyang
ngiti, gumagaan ang pakiramdam ko.
“Sana lagi ka na lang nakangiti.” Sabi
ko. “Hindi gaya kanina, mababakas ang
lungkot sa iyong mukha at lalo na sa iyong mga mata.” Sabi ko. Seryoso.
Umiwas siya ng tingin sa akin. Tumingin siya sa kalangitan.
“Ang ganda ng mga bituin. Nakakarelax
talaga sa pakiramdam kapag nakikita ko ang mga bituin. Kahit papaano’y
nakakalimutan ko ang mga…” sabi niya at bigla siyang napahinto sa
pagsasalita.
“Ano bang pilit mong kinakalimutan?” tanong
ko. Lalo akong nagiging curious tungkol sa buhay na meron siya.
Umiling lang ito. “Wala.” Sabi
niya. “Wag mo na lang pansinin ang
sinabi ko.” Sabi pa niya.
Gaya
nga nang sinabi niya, hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya. Ang
mahalaga, kasama ko siya ngayon. Saka ko na lamang aalamin kung ano nga ba ang
tunay na pagkatao niya.
“Alam mo ba, kung ano ang ikinaganda ng mga
bituin sa paningin mo, siya naman ang ikinaganda mo sa paningin ko?” sabi ko. Ewan ko ba pero parang sa pananalita ko, dumadamoves na
yata ako eh.
Tiningnan niya ako saka ngumiti ng tipid. “Binobola mo na naman ako.” Sabi niya.
“Sinabi ko nga sayo di ba? Wala sa
bokabularyo ko ang salitang pambobola. Totoo lahat ng sinasabi ko.” Sabi
ko.
“Alam mo ikaw, siguro ang dami mo ng
napaiyak na babae. Bukod kasi sa gwapo ka, bolero at mukhang masayahin at
mabait kang tao.” Sabi niya.
Bigla akong napakamot sa ulo ko at nahihiya ako. “Ang totoo niyan, wala pa akong napapaiyak na babae kasi hindi pa ako
nagkakaroon ng girlfriend.” Sabi ko. ‘Gusto ko nga, ikaw ang maging una kong
girlfriend at maging asawa.’ Sabi ko pa pero sa isipan na lang.
“Ikaw? Wala ka pang nagiging girlfriend?
Imposible.” Sabi niya.
“Oo nga, ayaw mong maniwala.” Sabi ko. “Sabi nga ng mga kaibigan ko, pihikan raw
ako pagdating sa babae na siya namang sinag-ayunan ko. Medyo mapili rin kasi
talaga ako pagdating sa babae. Bukod kasi na ang hanap ko sa isang babae ay
maganda at sexy. Syempre dapat ‘yung mahal ako at mahal ko. Gusto ko na kung
sino man ang maging girlfriend ko, siya na rin ‘yung huli at siya na ang
dadalhin ko sa altar at makakasama ko habang buhay.” Sabi ko. ‘Sana
nga… ikaw na ang babaeng ‘yun.’ Sabi ko na naman sa aking isipan.
Umiwas siya sa akin ng tingin. “Ang
swerte ng babaeng mamahalin mo.” Sabi niya.
“Talagang maswerte ka sa akin.” Bulong
kong sabi.
“Huh?” sabi niya. Salamat naman at
hindi niya narinig ang binulong ko. Hindi pa kasi ako handang umamin sa kanya
ng nadarama. Bukod sa kakakilala lang namin, medyo natotorpe rin ako. ‘Yung
tipong nauunahan ako ng kaba at hiya?
“Ah… eh. Wala” sabi ko na lamang.
Patuloy pa rin ang aming kwentuhan. Halos ikwento ko na nga ang buong
talambuhay ko sa kanya. Pero ako, miski isang impormasyon sa buhay niya, wala
pa akong alam. Tanging pangalan at edad lamang niya ang alam ko. Sa tuwing
tatanungin ko siya tungkol sa personal niyang buhay, bigla siyang iiwas at
magtatanong rin tungkol sa buhay ko. Magaling siyang mag-change topic. Pero ok
lang kahit wala akong nalaman na iba pang impormasyon tungkol sa kanya. At
least ngayon, nagagawa ko siyang patawanin. Nakakagaan ng loob na marinig ang
bawat halakhak niya. Kitang-kita mo sa mata niya ang saya ngayon na kanina ay
hindi mo mababanaag sa kanyang mga mata. Masaya ako na nakasama ko siya ngayon
at matagal na nakausap.
“Ahm… Mika.” Pagtawag ko sa kanya.
“Uhmm.” Sabi lamang nito.
Napakamot muna ako sa batok ko kasi parang nahihiya ako sa hihingin kong
pabor sa kanya. Napansin naman yata niya na parang nahihiya ako.
“Sabihin mo na ‘yan.” Sabi ni Mika.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
“P-pwede bang… M-magpicture tayong dalawa?”
nauutal kong sabi sabay napayuko.
“Oo naman.” Sabi niya na bigla naman
nagpatingala sa ulo ko at napatingin sa kanya. Nakangiti ito.
“Talaga?” tanong ko pa. For
confirmation.
Tumango lang ito.
Inilabas ko kaagad ang aking cellphone na Samsung s3. Pinunta ko sa
camera app at iyon, nagsimula na kaming mag-picture-picture.
“Salamat huh.” Sabi ko.
“Ako nga dapat ang magpasalamat sayo. Hindi
mo lang alam pero napasaya mo ako.” Sabi niya.
“Mabuti naman kung ganun.” Sabi ko. “Sana hindi ko na muling makita ang lungkot
sa mga mata mo. Mas gumaganda ka kapag masaya ka.” Sabi ko. Ngiti lamang
ang isinukli niya sa aking sinabi.
- - -- - - - - - - - - - - - - -
Nakahiga na ako sa aking kama. Tulog na si Yvo na katabi ko lamang
ngayon.
Isa-isa kong tinitingnan ang mga pictures namin ni Mika sa cp ko.
Iba’t-ibang pose at kapwa kami masaya. Napapangiti ako sa tuwing titingnan ko
ang mukha ni Mika.
“Ang ganda mo talaga. Mahal na mahal na
talaga kita.” Sabi ko sa aking sarili. Kung makikita mo lamang siguro ang
mga mata ko ngayon na nakatingin sa pictures ni Mika, mas makinang pa ito sa
bituin sa kalangitan.
Ginawa kong wallpaper ang isa naming litrato. Ito iyong litrato na
magkatabi kaming dalawa at nakangiti. Pagkatapos kong gawin iyon, ipinatong ko
na ang cp ko sa bedside table at matutulog na ako.
“Goodnight Mika. Sweet dreams. See you in
my dreams.” Sabi ko pa bago ako makatulog na mahimbing.
-END
OF EPISODE 3-
#TheWomanInBlack
EPISODE
4
“Anak… kailan mo ba ipapakilala sa amin ng
kapatid mo ang maswerteng babae na napupusuan mo ngayon?” tanong sa akin ni Mama na ikinagulat ko. Kasalukuyan kaming kumakain
ng agahan.
Napatingin ako kay Mama. Napakamot pa ako ng ulo.
“Eh… Mama, baka matagalan pa bago niyo siya
makilala.” Sabi ko.
“At bakit naman anak? Alam mo ba na excited
ako na makilala kung sinuman ang babaeng ‘yan.” Sabi ni Mama.
“Ako din kuya… Excited makilala si Ate.” Sabi
naman ng kapatid kong si Yvo na katabi ko ngayon.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Paano ko
nga ba ipapakilala si Mika sa kanila? Eh hindi pa nga ako umaamin ng totoo kong
nararamdaman para sa kanya eh.
“Eh kasi… hindi pa ako umaamin sa kanya ng
totoo kong nararamdaman kaya baka matagalan pa bago ko siya maipakilala sa
inyo.” Sabi ko.
“Ang hina mo naman pala anak eh. Ang tagal
niyo na yatang magkakilala tapos hanggang ngayon, hindi ka pa rin umaamin sa
kanya na mahal mo siya.” Sabi ni Mama.
Kung alam mo lang kasi Mama. Hindi ako makaamin kay Mika dahil sa bukod
sa natotorpe akong magtapat sa kanya, hindi ko pa siya lubusang kilala. Hindi
ko rin nga alam kung may nadarama na rin siya para sa akin eh.
“Hayaan mo Ma, oras na makaamin na ako ng
nadarama para sa kanya, dadalhin ko rin siya dito sa bahay para makilala niyo.”
Sabi ko.
“At kailan ka pa aamin anak? Mamaya, mahuli
ka na dahil baka may iba pang nanliligaw o may gusto sa kanya bukod sayo.” Sabi
ni Mama.
Oo
nga noh. Tama si Mama, baka kapag hindi pa ako umamin ng totoo kong
nararamdaman kay Mika, baka maunahan pa ako ng ibang lalaki na may gusto rin sa
kanya. Mukha rin kasing ligawin si Mika dahil bukod sa maganda ito, mabait pa.
“Tagasaan ba siya Anak? Taga-rito rin ba sa
subdivision natin? O sa ibang lugar?” tanong pa ni Mama.
Mas
pinili ko na lamang na hindi sagutin ang tanong ni Mama. Hindi ko ba alam kung
bakit hindi ko masabi sa kanila na ang babaeng napupusuan ko ay taga-rito lang
rin. Na ang babaeng napupusuan ko ay hindi ko pa lubusang kilala.
Hindi na lang rin ako inusisa ni Mama. Naiintindihan rin siguro niya na
may mga bagay na dapat gawing pribado. Hindi naman sa ginagawa kong pribado sa
kanila ang kung anong meron sa amin ni Mika, it’s just that hindi pa kasi ako
handa na sabihin sa kanila kung ano nga ba ang totoong namamagitan sa amin ni
Mika. Maybe, I will wait for the right time na ipakilala rin siya kay Mama at
kay Yvo.
- - - - - - - - - - -
Ilang gabi pa ang nagdaan na lagi kaming magkasama ni Mika. Ang
playground ang naging piping saksi sa lahat ng usapan naming dalawa. Tawanan at
kung anu-ano pa. Alam niyo ba, sa tuwing kasama ko si Mika, hindi ko
namamalayan ang oras. Siya lamang ang laging nakikita ng aking mga mata at
habang tumatagal ang pagiging magkaibigan namin ni Mika, lalong nalulubog sa
kumunoy ng pag-ibig ang puso ko. Lalo ko pa siyang minamahal kahit na alam ko
sa sarili ko na limitado lang ang alam ko tungkol sa kanya.
Hindi ko ba alam, lalo ko pa siyang minamahal day after day. Ang bawat
ngiti niya ay talaga namang tumatatak sa puso at isipan ko. At mas lalo pa
akong nagiging masaya sa kadahilanan na ako ang nagiging dahilan ng pagngiti
niyang iyon. Kapag kasama niya ako, kitang-kita mo ang saya sa kanyang mukha.
Hindi ko lang alam kung masaya rin ba siya sa oras na maghiwalay na kami ng
landas.
Hanggang sa dumating ang gabi na hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko
na aminin sa kanya ang matagal ko nang inililim na pagmamahal sa kanya.
Nag-ipon talaga ako ng lakas ng loob para umamin na mahal ko na siya simula ng
una ko pa lamang siyang makita.
Nakaupo kami ngayong dalawa sa swing. As usual, ako sa kaliwang swing at
siya naman ay sa kanan. Pareho kaming tahimik at dinadama ang tahimik na gabi.
Punong-puno rin ng mga bituin ang kalangitan na kay ganda pagmasdan.
Tumingin ako kay Mika. Nakatingin ito sa kalangitan habang nakangiti.
Ang ganda talaga niya kapag nakangiti. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ngiti
niyang ‘yan.
“M-Mika.” Nauutal kong pagtawag sa
pangalan niya. Nagsisimula na akong kabahan.
Napatingin siya sa akin. Nakangiti pa rin siya.
“Bakit?” tanong niya.
Tumayo ako mula sa kinauupuan kong swing at pumunta sa harapan niya. Umupo
ako na parang iyong nadudumi. Ganun.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
“Alam ko na ito na ang tamang oras para
umamin ako kasi hindi ko na kaya pang ilihim pa ito sayo. Parang sasabog na
kasi ang puso ko kapag ipinagpatuloy ko pa ang paglihim na ito…” pauna kong
sabi at huminga muli ako ng malalim. “Una
pa lang kitang makita, may naramdaman na akong kakaiba para sayo. Noong una,
hindi ko alam kung ano ‘yun. Ngayon ko lang kasi naramdaman iyong ganito. ‘Yung
ang lakas ng epekto mo sa akin. Nagagawa mong pabilisin ang tibok ng puso ko
kahit wala ka namang ginagawang kakaiba. Ngayon, alam ko na kung bakit. Kasi…
mahal kita. Mahal na mahal kita Mika.” Sa wakas nasabi ko.
Pero hindi ko inaasahan ang naging reaksyon niya. Kung ‘yung ibang
babae, kapag sinabihan sila ng lalaki na mahal nila ng mahal kita, halos
magtatatalon sa tuwa, siya hindi. Nawala ang ngiti sa kanyang labi ng marinig
niya ang aking sinabi.
“M-Mahal mo ako?” tanong niya. Tumango
ako.
Umiwas siya ng tingin sa akin. “Bakit
mo ako minahal gayong hindi mo pa naman ako lubusang kilala? Saka akala ko,
kaibigan lang ang tingin mo sa akin kasi ganun rin naman ang tingin ko sayo, isang
kaibigan.” Sabi niya. May biglang kumurot sa dibdib ko. Kaibigan? Kaibigan
lang pala ang tingin niya sa akin all this time samantalang ako, mahal ko na
siya?
“Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong mo
basta ang alam ko lang, mahal kita at iyon ang tunay kong nararamdaman para
sayo.” Sabi ko. Hindi ko na muna pinansin ang sinabi niya na kaibigan lang
ang tingin niya sa akin.
Tumayo siya mula sa swing at naglakad palayo sa akin. Huminto rin siya
at tumayo sa medyo malayo sa akin.
“Kung ako sayo… Itigil mo na kung ano ang
nararamdaman mo para sa akin kasi wala rin ‘yang patutunguhan.” Sabi niya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Tiningnan ko ang likuran niya.
“Bakit ko ititigil itong nararamdaman ko
sayo? Mali ba na mahalin kita? May masasagasaan ba kapag minahal kita? Saka
paano ko mapipigilan ang pagmamahal ko sayo kung habang tumatagal, lalong
tumitindi ang kung anuman ang nararamdaman ko para sayo.” Sabi ko.
Tumingin siya sa akin. Lumuluha ang kanyang mga mata. Nasasaktan ako
kapag nakikita ko siyang lumuluha.
“Please. Hangga’t maaga pa. itigil mo na
‘yan. Ayokong masaktan ka.”
“Bakit? May nobyo ka na ba? May napupusuan ka
na bang iba?” tanong ko.
Hindi ito nagsalita. Nanatili lamang itong tahimik.
Lumapit ako sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang mga pisngi na may bakas ng
luha galing sa kanyang mga mata.
“Huwag kang umiyak. Nasasaktan rin ako
kapag nakikita ko ang pagtulo ng iyong mga luha.” Sabi ko. Kahit lalaki
ako, aaminin ko na naiiyak rin ako ngayon.
“Please… Patrick. Pilitin mong pigilan ang
puso mo na mahalin ako. Please lang. Ayokong masaktan ka dahil isa ka sa
pinakamahalagang tao ngayon sa puso ko at ayoko na pati ikaw ay masaktan ng
dahil sa akin.” Sabi niya. Hindi ko siya maintindihan kung bakit
pinapatigil niya ako na mahalin ko siya.
“Bigyan mo nga ako ng isang dahilan para
makumbinsi mo akong hindi na kita ibigin pa.” sabi ko.
Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Nakipagtitigan rin ako sa kanya.
“Sa tingin mo ba… oras na malaman mo ang
totoo tungkol sa tunay kong pagkatao, mamahalin mo pa ba ako? I’m sure, mas
pipiliin mong layuan ako at hindi na ako makita pa. At iyon ang kinatatakutan
kong mangyari. Ayokong malayo ka sa akin kasi kapag nasa piling kita, sumasaya
ako kahit sandali. Nakakalimutan ko ang lahat ng sakit na dala-dala ko sa aking
dibdib. Ikaw ang nagiging dahilan para harapin ang araw at hintayin ang takip
silim para makita kang muli. Kaya please, panatilihin natin ang pagiging
magkaibigan nating dalawa.” Sabi niya habang lumuluha.
Napatingala ako. Pinipigilan ang tuluyang pagtulo ng aking luha. Ano ba
kasing misteryo ang bumabalot sa pagkatao niya?
“Ano ba kasing meron sa pagkatao mo? Hindi
mo ba pwedeng sabihin sa akin?” tanong ko.
“Mas nanaisin mo pa na sana hindi mo na
lang nalaman ang totoo kasi siguradong masasaktan ka oras na malaman ang totoo
tungkol sa akin.” Sabi niya sa akin.
Natulala lang ako dahil sa sinabi niya. Naramdaman kong hinaplos niya ang
aking magkabilang pisngi.
“Mahalaga kang tao para sa akin. At mas
nanaisin ko pang magsinungaling sayo kaysa malayo ka sa akin. Oo, makasarili
ako kung gagawin ko man ang magsinungaling sayo pero masisisi mo ba ako? Ikaw
ang nagiging dahilan ng pagngiti ko ngayon. Ikaw ang nagpapagaan sa buhay ko at
ayoko na mawala ka sa akin.” Sabi niya. “Hindi ko man gusto ang desisiyon kong ito pero siguro, kailangan muna
nating layuan ang isa’t-isa. Para na rin makalimutan mo ang nararamdaman mo
para sa akin. Marami pang ibang babae diyan na mas karapa’t-dapat na mahalin mo
kaysa sa akin. Sapat na sa akin na maging kaibigan kita.” Sabi pa niya.
Hindi ko namalayan na nakalayo na pala siya sa akin. Nakatulala kasi ako
at ngayon ay nanumbalik ako sa realidad. Nakikita ko na lamang ang kanyang
likod na unti-unti ng nawawala sa paningin ko.
Ano
bang lihim ang meron ka Mika? Bakit hindi kita pwedeng mahalin? Multo ka ba?
Bampira ka ba gaya ni Edward Cullen? Warewolf ka ba gaya ni Jacob? Ano ka ba?
Tao ka ba?
Ipinilig ko ang ulo ko. Kung anu-ano kasing naiisip ko tungkol kay Mika.
Syempre tao siya. Pero ano nga ba kasi ang meron sa kanya? Kailangan kong
alamin kung ano nga ba ang meron sa tunay na pagkatao ni Mika.
-END
OF EPISODE 4-
#TheWomanInBlack
EPISODE
5
Ilang araw ko na
siyang hindi nakikita. Ilang araw ko na siyang hindi nakakausap. At ilang araw
na rin akong parang nababaliw sa kakahanap sa kanya.
Ilang gabi rin akong nagpabalik-balik sa playground para magbakasakaling
makita ko siyang muli, pero lagi akong umuuwing bigo. Hindi ko siya nakikita.
Halos buong subdivision na nga rin ay nalibot ko na para lang mahanap
siya. Isa-isa kong tinitingnan ang bawat bahay dahil baka isa sa mga bahay na
iyon ang tirahan niya. Pero sa kasamaang-palad, hindi ko pa rin siya nakita.
Hindi ko ba alam kung talagang hindi lang kami pinagtatagpo ng tadhana o
sadyang nagtatago lamang siya para hindi ko siya makita.
Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makita pero anong magagawa
ko kung siya na mismo yata ang ayaw magpakita sa akin. Kahit na sinabi niya na
pigilan ko na ang nararamdaman kong ito para sa kanya, hindi ko magawa. Sabihin
man ng isipan ko na tama na, itigil mo na ang pagmamahal mo kay Mika, hindi
naman sumusunod ang puso ko sa idinidikta ng aking isipan. At habang tumatagal
na hindi ko siya nakikita, lalo naman akong nananabik na makita siya at lalo ko
siyang minahal.
Hindi ko ba alam sa puso ko. Kahit hindi ko pa siya kilala ng lubusan
pero parang kilalang-kilala na siya ng aking puso.
Ilang araw na rin akong malungkot at pansin naman iyon nila Mama at Yvo.
Hindi lang nila ako inuusisa pero ramdam ko pa rin ang pag-aalala nila sa akin.
Iniisip ko nga rin ngayon, tama lang ba na magkalayo na kami ni Mika
para wala ng sakitan pa? Tama lang ba na sundin ko ang sinabi niya na hindi ko
na siya mahalin para hindi ako masaktan sa huli? Alam niyo ba ang sagot ng
isipan ko? Oo, tama na pero ang puso ko, kontrang-kontra sa sinasabi ng isipan
ko. Patuloy pa rin ang pagtibok nito para kay Mika. Ibig sabihin lang nun,
ituloy ko lang ang pagmamahal kong ito para sa kanya.
Ano
nga ba ang dapat sundin? Ang puso o ang isipan? Mahirap pumili di ba? Hindi ko
na nga alam kung ano ba ang dapat kong sundin. Ang isinisigaw ba ng aking
isipan o ang ibinubulong ng aking puso.
Naglalakad ako ngayon pauwi sa bahay.Gabi na ako nakauwi. Inutusan kasi
ako ni Mama na bumili sa palengke ng mga rekados para sa lulutuin niyang callos
para ulam namin mamayang hapunan.
Lutang ang aking isipan. Ang tanging nasa isipan ko lamang ay si Mika.
Mabuti nga at nagawa ko pang makapamili sa palengke kasi talagang lutang ang
isipan ko. Para akong baliw sa kakaisip kung nasaan na ba si Mika.
“SAAN KA BA NAGPUPUPUNTANG BABAE KA!” narinig
kong sigaw ng isang boses lalaki. Napalingon tuloy ako.
Nakita ko ang isang lalaki na sa tantya ko ay mga nasa 26 anyos na.
Malaki ang pangangatawan nito. Matangkad. Maputi at makinis ang balat. May
itsura ang lalaki pero hindi ko masasabing gwapo siya. Nakakatakot kasi ang
itsura niya. Mukha kasing lasing ito at namumula iyong mata. Iyong tipong galit
na galit at handang pumatay ng tao. Para itong takas na kriminal. Nakasando
lamang ito na itim at kupas na pantalon. Kitang-kita ko tuloy ang mga tattoo
nito sa braso. Nakaharap kasi ang pwesto nito sa akin. Hawak-hawak naman niya
ng mahigpit sa braso ang isang babaeng naka-itim na damit at itim na sapatos.
Nakayuko ang babae na nakatalikod sa aking pwesto kaya hindi ko maaninag kung
sino iyon.
“HANGGANG NGAYON HINDI KA PA RIN NAKAKALUTO
NG PAGKAIN! TALAGANG BALAK MO AKONG GUTUMIN NOH!” sigaw ng lalaki sa babae.
Kitang-kita ko rin ang lalong paghigpit ng hawak nito sa braso ng babae. Lalo
tuloy namula ang braso nito.
“Hindi pa ako nakakaluto kasi wala naman
akong pambili ng pagkain.” Rinig kong sabi ng babae sa pagitan ng paghikbi
nito. Literal talagang nagpatayo sa balahibo ko. Kilalang-kilala ko ang boses
na iyon. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
“AT TALAGANG GUMAGAWA KA PA NG DAHILANG
BABAE KA!” sigaw ng lalaki sa babae. Sana lang hindi tama iyong hinala ko
kasi baka kapag tama ito, baka hindi ko kayanin.
Aktong sasampalin na sana ng lalaki ang babae ng mabilis akong lumapit
sa kanila at pinigilan ang kamay ng
lalaki sa pagsampal sa babae. Tiningnan ako ng masama ng lalaki.
“AT SINO KA NAMAN? BAKIT KA NAKIKIELAM?” sigaw
nito sa akin na halos mabinge ang tenga ko sa lakas ng sigaw niya.
Hindi ko pinansin ang tanong ng lalaki sa halip ay tiningnan ko ang
babae. Nakayuko pa rin ito kaya hindi ko makumpirma kung siya nga. Muling
ibinalik ko ang tingin sa lalaki.
“Masama ang nananakit ng babae…” sabi
ko sa lalaki. Nakita ko naman na lalong nagalit ito at nagtagis ang mga bagang.
“AT ANO NAMANG PAKIELAM MO HUH? ASAWA KO
NAMAN SIYA?” sabi nito.
Bigla akong napalingon sa babae ng marinig ko ang boses niya na tumawag
sa pangalan ko. Halos manlaki ang mga mata ko.
“P-Patrick” tawag nito sa aking
pangalan.
Kitang-kita ko na siya. Ang babaeng pinapanabikan kong makita. Pero
bakit ganyan ang itsura niya? May pasa ang kanyang pisngi at may sugat ang
gilid ng labi niya. Puno rin ng luha ang kanyang mga mata na nakatingin sa
akin.
Gusto kong maiyak, gusto kong magwala. Bakit? Bakit?
“MAGKAKILALA BA KAYO NG LALAKING ITO HUH
MIKA?” sigaw na tanong ng lalaki
kay Mika. Nakita ko namang hindi sumagot si Mika sa tanong ng kanyang…. Asawa.
“BINGE KA BA! TINATANONG KITA KUNG KILALA
MO BA ANG LALAKING ITO.” Sigaw ulit ng lalaki kay Mika.
“Oo, kilala ko siya.” Ako na ang
sumagot sa tanong ng lalaki. Umiling-iling si Mika sa akin at nagmamakaawa na
bawiin ang sinabi ko.
“TALAGA? MAGKAKILALA KAYO?” sabi ng
lalaki sa akin. Ngumiti ng nakakaloko. Muli itong tumingin kay Mika. “NAGAWA MO PA TALAGANG MANLALAKI HABANG
NAKATALIKOD AKO HUH!” sabi ng lalaki at aktong sasampalin muli niya si
Mika.
Parang nagdilim ang paningin ko. Parang hindi ko na alintana kung anong
pwedeng mangyari pagkatapos ng gagawin ko. Parang wala na akong pakielam sa
paligid at sa mangyayari sa akin basta maipagtanggol ko lang si Mika.
Pinagsusuntok ko ng buong lakas ang lalaki. Lahat ng lakas ko, ibinuhos
ko para lang mabubog ang lalaking nananakit sa mahal ko. Buong lakas ko siyang
sinipa, sinuntok, at kung ano-ano pang pwede kong gawing pananakit sa kanya.
Kasabay rin ng pambubugbog ko sa lalaking ito, ang pagtulo ng aking luha. Luha
ng sakit dahil nakita ko ang sakit sa mga mata ni Mika at luha ng pagkabigo
dahil alam ko na kung anong sikretong itinatago ni Mika. Kaya pala pinapatigil
niya akong mahalin siya, dahil may nagmamay-ari na pala sa kanya. May asawa na
siya.
Lalo ko pang pinag-igihan ang pagbubog sa asawa ni Mika. Hindi ko talaga
siya tinitigilan hangga’t hindi siya bumabagsak. Nakakaganti rin naman sa akin
ang lalaki ng suntok pero wala akong maramdamang sakit buhat sa suntok niya.
Mas masakit pa nga ang puso ko ngayon na parang ginadgad na keso dahil sa
sobrang pagkadurog.
Nakatingin lang sa amin si Mika. Nakatulala. Puno pa rin ng luha ang
kanyang mga mata. Napatingin ako sa kanya habang binubugbog ko ang kanyang
asawa.
Bakit ganun? Hindi ko makuhang magalit sa kanya? Ganun ba talaga kapag
mahal mo ang isang tao? Hindi mo kayang magalit sa kanya? Kahit na ilang daang
beses pa siyang magsinungaling sayo, patatawarin mo pa rin siya? Kahit ilang
beses kang masaktan ng dahil sa kanya, titiisin mo basta makasama lang siya.
Muli kong tinuon ang atensyon ko sa pambubugbog sa lalaking ito. Kahit
asawa pa siya ni Mika, wala akong pakielam. Sinaktan niya ang mahal ko kaya
dapat lang sa kanya ang mabugbog. Pakiramdam ko nga, ako si Vegetta dahil bigla
na lamang lumabas ang lakas sa katawan ko.
“Tama na ‘yan.” Rinig kong sabi ni
Mika. Namamaos ang boses nito.
Natigil ako sa pagsuntok sa asawa niya. Tiningnan ko siya. Kitang-kita ang
pagsusumamo sa mga mata nito.
“Tama na Please…” sabi niya.
Sinunod ko siya. Tinigilan ko ng bugbugin ang asawa niya na puno na ng
sugat ang buong katawan.
Napakasakit pala kapag nakita mo ang minamahal mo na mas nag-aalala pa
siya sa iba kaysa sa iyo. Halos kasi magmadali ito sa paglapit sa bugbog sarado
niyang asawa at alalang-alala ito. At mas lalong masakit sa puso na makita kung
gaano niya kamahal ang lalaking nananakit sa kanya.
Nakatingin lang ako sa kanya. Patuloy pa rin
ang pagtulo ng aking luha. Nakakabakla man daw ang pagluha pero hindi ko
mapigilan. Masakit pala ang masaktan ng dahil sa pag-ibig. Daig pa nito ang
binagsakan ng bato sa ulo, iyon, physical pain lang ang mararamdaman mo pero
mas masakit kapag nasaktan ka emotionally, ‘yung tipong damay buong katawan mo
sa sakit ng nararamdaman mo.
Tumingin sa akin si Mika. Kitang-kita sa mga mata nito ang paghingi ng
tawad sa akin. Kung alam mo lang Mika, hindi ka pa man nakakahingi ng tawad sa
akin, pinatawad na kita. Ngayon ko lang nalaman sa sarili ko, kaya pala ako
pihikan pagdating sa babae ay dahil sa oras na magmahal ako, matindi. Iyong
tipong ibubuhos ko buong buhay ko mahalin lang ang babaeng mahal ko.
Pilit akong ngumiti kay Mika. Pinunasan ko ang aking luha.
“Ngayon alam ko na…” sabi ko kay Mika.
Tumalikod na ako mula kay Mika na inaalalayan ang asawa sa pagtayo.
Kinuha ko ang pinamili ko na nakalapag lamang sa lupa. Dahan-dahan akong
lumakad palayo sa lugar na iyon.
Dapat na ba akong sumuko sa pagmamahal ko kay Mika? Dapat ko na ba
siyang layuan? O dapat ko ba siyang ipaglaban ngayong alam ko na hindi siya
masaya sa piling ng asawa niya?
Mika is my first and I think, my one true love. And she is also my first
heartbreak.
-END
OF EPISODE 5-
#TheWomanInBlack
EPISODE
6
“Me and Alex are the victim of the so called
arrange marriage.” Panimulang sabi ni Mika
pagkatapos ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. As usual, nakaupo
siya sa kanang swing kung saan siya talaga nakaupo lagi at ako naman ay sa
kaliwang swing. Mabuti nga at naabutan ko siya ngayon dito sa playground at
nakaupo mag-isa. Pagkakataon na rin kasi ito para makausap ko siya.
Nanatili lamang akong tahimik. Halata sa boses niya ang lungkot.
“Mali pala… Siya pala ang totoong biktima
ng kasal na ito kasi ako, ginusto ko ang nangyaring pagpapakasal namin.” Sabi
niya. Nakatingin lamang ito sa kawalan.
“Me and Alex are bestfriend. Noon.
Bestfriends rin kasi ang mga magulang namin so ano pang aasahan mo na
mangyayari sa mga anak nila? Syempre magiging mag-bestfriend rin. Since I was seven, crush ko na si Alex at
habang tumatagal ang pagiging magkaibigan namin, lalo rin lumalalim ang
pagtingin ko sa kanya.”
“Lihim kong minamahal si Alex. Hindi ko
maamin sa kanya dahil ramdam ko na hindi niya ako mahal gaya ng pagmamahal ko
sa kanya. Yes he love me pero kaibigan lang habang ako, higit pa ang
nararamdaman ko para sa kanya.”
“Hanggang sa dumating ang araw na babago sa
takbo ng buhay naming dalawa ni Alex. 22 years old ako nun at si Alex ay 23
years old ng magpasya ang aming mga magulang na ipakasal kaming dalawa.
Siyempre tutol noon si Alex sa balak ng mga magulang niya. Halos magrebelde
siya wag lang siyang makasal sa akin. Ako? Tahimik lamang sa isang tabi. Walang
tutol dahil sa loob-loob ko, pabor sa akin ang gusto nila dahil nga magiging
asawa ko ang lalaking pinakamamahal ko. Pero at the same time, natatakot,
kinakabahan and most especially, nasasaktan ako dahil talagang ayaw ni Alex na
maikasal sa akin.”
“Wala ring nagawa si Alex. Kung hindi niya
susundin ang mga magulang niya, mawawala ang lahat sa kanya. Kaya kahit tutol
na tutol ang kalooban niya sa desisyong ito ng kanyang mga magulang, sinunod na
lang niya huwag lang mawala ang lahat sa kanya.”
“At doon nagsimula ang mala-impyerno kong
buhay sa piling ni Alex. Nagbago na siya. Hindi na siya iyong bestfriend ko.
Sinasaktan niya ako physically. Galit na galit siya sa akin dahil wala man lang
daw akong ginawang paraan para hindi kami maikasal. Pero alam mo ba ang mas
masakit? ‘Yung pananakit niya sa akin emotionally. Ang sakit-sakit na iyong
sarili mong asawa, nag-uuwi ng babae sa mismong bahay ninyo.” Sabi ni Mika habang siya ay umiiyak. Naaawa ako sa kanya. Grabe pala
ang pinagdadaanan niya.
“Wala akong magawa kundi ang umiyak. Wala
akong masabihan ng problema ko. Halos mabaliw ako sa lungkot. Akala ko magiging
masaya ako sa piling ng mahal ko pero hindi pala. Pero ginusto ko ito. Hangga’t
kaya kong titiisin, titiisin ko huwag lang niya akong iwan dahil mahal na mahal
ko siya.”
“Ilang beses na rin siya nag-file ng annulment
pero laging hindi inaaprubahan ng korte. Hanggang sa magsawa siya at hindi na
siya nag-file pa ng annulment.”
“Pero kung akala mo doon nagtatapos ang lahat
ng paghihirap ko? Nagkakamali ka. Nabalitaan namin noon na namatay ang aming
mga magulang na walang kaalam-alam sa nangyayari sa aming dalawa. Namatay sila
sa plane crash. Magbabakasyon sana sila sa Japan ang kaso, nauwi sa trahedya
ang sana ay masaya nilang bakasyon. Sobrang lungkot ko lalo dahil sa nangyari.
Nadagdagan pa ang lungkot na nararamdaman ko ng dahil sa namatay ang mga
parents ko.”
“Kasabay ng pagkawala nila, sa amin ni Alex
ipinamana ang lahat ng ari-arian ng pamilya namin. Akala ko nga magbabago na si
Alex dahil masusubsob na siya sa trabaho sa pagpapatakbo ng kumpanya, pero
nagkamali ako. Napabayaan niya ang kumpanya dahil puro sugal, alak at pambababae
ang inaatupag niya. Unti-unting naubos ang mga ari-arian naming dalawa na
minana namin sa aming mga magulang.”
“Mas lalo akong naghirap habang kasama si
Alex. Lagi niya akong binubugbog sa tuwing uuwi siya ng bahay namin na lasing.
Lagi siyang naghahanap sa akin ng pagkain eh ni minsan hindi siya sa akin
nagbigay ng pera para ipambili ko pagkatapos kapag sinabi kong kaya walang
pagkain ay dahil wala akong pambili, magagalit siya. Mas tumindi rin ang
pambababae niya to the point na pati ang pakikipagsiping niya sa babae,
ipinapakita niya pa sa akin. Mabuti na nga lang at may kaluluwa pa siya dahil
hindi niya ako pinipilit makipagsiping sa kanya. Siguro, nandidiri siya sa akin
kaya ayaw niya. Alam mo ba na pagod na pagod na akong intindihin siya.”
“Ano bang kasalanan ko? Minahal ko lang naman
siya pero dobleng sakit at hirap ang dinaranas ko sa kanya.” Napahagulgol na si Mika dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya.
Nilapitan ko siya. Yumuko ako sa harapan niya.
“Tama na ang pag-iyak.” Sabi ko.
Nasasaktan kasi ako kapag nakikita ko talaga siyang umiiyak.
“P-Patrick.” Umiiyak niyang tawag sa
pangalan ko. “Pagod na pagod na ako.
Pero bakit ganun, kahit pagod na pagod na akong intindihin siya, mahal ko pa
rin siya?” Sabi niya at bigla siyang tumayo sa pagkakaupo sa swing at
niyakap ako. Umiiyak pa rin siya.
Inaalo ko siya sa pamamagitan ng paghaplos sa kanyang likod. Nang
pakiramdam ko ay kumalma na siya, inaya ko siya na maupo sa isang bench na nasa
playground rin.
“Bakit hindi mo siya hiwalayan kung pagod
na pagod ka na sa kanya?” tanong ko kay Mika.
Tumingin sa akin si Mika. “Alam
mo na siguro ang sagot ko sa tanong mong ‘yan.” Sabi ni Mika.
Napahilamos ako ng palad at muling tumingin kay Mika. “Pero sinasaktan ka niya! Nasasaktan ka ng
dahil sa kanya. Alam mo ba na sa tuwing nasasaktan ka, nasasaktan rin ako.” Sabi
ko.
“Ganun naman talaga kapag nagmahal ka.
Hindi lang puro saya sa pakiramdam. Minsan, kapag nagmahal ka, masakit.” Sabi
ni Mika.
Umiling-iling ako. “Hindi… kaya
ka nga nagmahal eh. Para maging masaya hindi para masaktan.” Sabi ko.
Ngumiti lamang ng pilit si Mika.
Hinawakan ko ang kanang kamay ni Mika. “Please Mika. Iwan mo na siya. Sinasaktan ka lamang niya. Nandito naman
ako. Nagmamahal sayo.”
Umiwas ng tingin
sa akin si Mika. “Ikaw ba Patrick, kapag
ba sinabi kong layuan mo ako dahil alam kong nasasaktan ko ang puso mo, lalayo
ka ba?” tanong niya.
“Siyempre hindi. Hindi ako lalayo sayo.
Hindi ko kaya.” Sabi ko.
“Ganun rin ako Patrick. Hindi ko
hihiwalayan si Alex kahit na sinasaktan niya ako. Mahal ko siya at hindi ko
kaya na makipaghiwalay sa kanya. Martyr na kung martyr, tanga na kung tanga ang
tingin mo sa akin pero ‘yun ang nararamdaman ko. Mahal ko siya at hangga’t kaya
ko pang mahalin siya, gagawin ko. Hahayaan ko na lamang ang puso ko na siya ang
sumuko at mapagod sa pagmamahal kay Alex.”
Sabi ni Mika.
Nabitawan ko ang kamay ni Mika. Halata ngang mahal na mahal nito si Alex
kahit na sinasaktan lamang siya nito.
“Alam mo ba na ngayon ko lang nasabi ang
lahat ng ito? Mahabang panahon ko rin itong nilihim sa iba dahil ayokong
kaawaan nila ako.” Sabi niya. Nanatili lamang akong tahimik.
“Salamat at nandiyan ka. Kahit papaano
gumaan ang pakiramdam ko.” Sabi pa niya. “Pero ito na rin siguro ang huli nating pagkikita Patrick.” Sabi
niya na ikinagulat ko.
“Huh?” nanlalaki pa ang mga mata ko
niyan.
Ngumiti ng pilit si Mika. “Ayoko
man gawin ang naisip kong ito pero alam ko na ito ang makakabuti para sayo.
Kailangan na nating layuan ang isa’t-isa. Alam ko na masyado kong nasaktan ang
damdamin mo kaya gusto ko, layuan mo na ako at kalimutan na may isang babae na
nagngangalang Mika ang dumaan sa buhay mo. Ginagawa ko ito para makalimot ka sa
nararamdaman mo sa akin at para na rin hindi ka tuluyang masaktan at umasa pa
sa akin.”
“Pero…”
“Patrick. Sundin mo ang sinasabi ko sayo.
Bata ka pa. marami pang pwedeng mangyari sa buhay mo. Malay mo may matagpuan
kang isang babae na mamamahalin mo ng higit pa sa akin at magmamahal rin sayo
ng buong-buo. Hindi lang ako ang babae sa mundo, marami pa diyan. Hindi ka
naman mahihirapan na makabihag ng puso ng babae dahil taglay mo naman ang mga katangian
na hinahanap ng mga babae sa isang lalaki.”
“Pero ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko.” Sabi ko. Pucha! Naiiyak ako!
Ngumiti si Mika. “Ngayon, ako ang
gusto mo. Pero sigurado ako na sa pagdating ng araw, hindi na ako ang gusto mo
dahil nakatagpo ka ng babaeng mamahalin mo.” Sabi niya.
“M-Mika…”
“Sana, kung dumating man ang panahon na muli
tayong magkita, maging magkaibigan pa rin tayo. Itinuring na kitang matalik na
kaibigan kaya sana, ganun na rin ang nararamdaman mo sa akin sa oras na magkita
tayong muli.” Huling sabi ni Mika.
Natulala lang ako sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Bakit
kailangan pa niya akong layuan? Ok lang kung masaktan ako ng dahil sa kanya
dahil alam ko naman na worth it masaktan kung siya ang dahilan.
‘Yun na ang huli naming pagkikita. Pagkatapos nun, hindi ko na alam kung
anong buhay ang naghihintay sa akin. Kasabay ng pagkawasak ng puso ko dahil sa
kanyang paglayo, ang pagkawala rin ng gana para mabuhay pa.
-END
OF EPISODE 6-
#TheWomanInBlack
EPISODE
7
FINALE…
8
years later…
“Happy Birthday Anak.” Pagbati sa akin ni Mama pagkapasok ko ng bahay. Ang bilis talaga ng
panahon. Biruin niyo, 27 years old na ako at isa na akong certified civil
engineer.Maganda ang aking trabaho. May mataas na posisyon sa pinapasukang
kumpanya. Malaki ang pasasalamat ko kay Mama, Yvo at sa mga kaibigan ko na
talagang tumulong sa akin para maabot ko ang mga pangarap ko. Sila ang nagtyaga
sa akin at umintindi kahit na nagbago ang ugali ko nung panahon na iwan niya
ako. Ramdam ko naman na alam nila ang dahilan ko noon kung bakit ako nagbago,
iyon ay dahil sa kanya. Ibinuhos ko rin kasi ang buong panahon at atensyon ko
sa pag-aaral at trabaho para kahit papaano’y maibsan ang aking lungkot. Kasabay
nga rin nun ay ang pagbabago ng aking ugali. Mas naging magagalitin kasi ako
nun.
“Happy Birthday Kuya.” Bati rin sa akin
ni Yvo na ngayon ay binata na. Napakagwapo at tangkad nito. Siyempre kanino pa
ba magmamana? Eh di sa akin.
“Halika na Anak at nakahain na ang mga pagkain.
Naghihintay na rin ang mga bisita mo sa kusina.” Sabi ni Mama.
Nginitian ko si Mama. Sabay-sabay na kami nila Yvo na pumunta sa kusina
kung saan doon gaganapin ang aking mini birthday celebration.
Oo
nga pala, sa ibang bahay na kami nakatira ngayon. Mas malaki na ang bahay namin
kumpara sa dati. Syempre, medyo malaki na ang kinikita ko ngayon kaya naman
dapat lang na bilhan ko ng mas malaking bahay sila Mama at Yvo. Nag-iipon na
nga rin ako para sa future family ko eh. Hanggang ngayon kasi, hinihintay ko pa
rin siya.
Eight long years. Pero hanggang ngayon, siya pa rin ang nilalaman ng
puso ko. Kahit na maraming babae na ang nagdaan sa buhay ko sa loob ng walong
taon, siya pa rin ang higit na nagmamay-ari sa puso ko. Hinihintay ko na nga
lang ulit na pagtagpuin kami ni tadhana eh. Tanga ba ako kung hanggang ngayon
ay hinihintay ko pa rin siya at umaasa kahit wala namang kasiguraduhan kung
mamahalin niya rin ako pabalik? Ewan. Basta mahal ko siya. Magmukha man akong
tanga sa paghihintay, ok lang basta para sa kanya, magpapakatanga ako. Nasaktan
man niya ang damdamin ko noon, wala na iyon sa akin. Hindi naman kasi ako
mapagtanim na tao.
“HAPPY BIRTHDAY PATRICK!” sabay-sabay
na sigaw ng mga kaibigan ko at officemate ko pagkapasok namin ng dining area.
Napangiti ako sa kanila. Pero nang paglingon ko sa kaliwang bahagi,
napako ako sa aking kinatatayuan, at the same time kinabahan. Nalalaki ang
aking mga mata na nakatingin sa napakagandang babae.
Nandito na siya. Ang babaeng minamahal ko noon pa. Nakangiti siya sa
akin. Gumanda siya lalo sa paningin ko. Hindi na siya iyong dating babae na
nakita ko noon na malungkot ang mga mata. Makikita na kasi sa mga mata nito ang
saya.
Unti-unti siyang lumapit sa akin. Hindi ako makagalaw. Kasabay ng
unti-unti niyang paglapit sa akin ay ang pabilis ng pabilis at palakas ng
palakas na pagtibok ng aking puso.
“Happy Birthday… Patrick.” Sabi niya
sabay bigay sa akin ng isang matamis na ngiti.
Napangiti rin ako. Hindi lang ako masaya na makita siya,
masayang-masaya!
Alam ko na ito na ang simula ng aming istorya. Istorya na kung saan ang
pag-iibigan namin ang siyang magiging main plot. Alam ko na malayo pa ang
lalakbayin namin para makamit ang isang happy ending sa piling ng isa’t-isa.
Ang sigurado ko lang, ngayon ay malaya ko nang maipaparamdam sa kanya na mahal
ko siya.
-THE
END-
Subscribe to:
Posts (Atom)
WHERE DO BROKEN HEARTS GO? - M2M DRAMA (FINALE)
#WhereDoBrokenHeartsGo? CHAPTER 21 Nakatayo sa tapat ng bintana si Gian habang nakatingin ang mga mata sa labas kung saan...
-
#Untrue CHAPTER 51 Pumasok sa loob ng bahay ni Riley sila David at Maxwell. May mga dala silang bagpack kung saan nakala...
-
#WhereDoBrokenHeartsGo? CHAPTER 21 Nakatayo sa tapat ng bintana si Gian habang nakatingin ang mga mata sa labas kung saan...